Chapter Nine

121 53 0
                                    

Tinulungan namin si tatay Ben sa paglilibing sa sanggol. Hinukay namin ang libingan ni nanay Lorraine. At ipinatong ni tatay Ben ang sanggol sa ibabaw ni nanay Lorraine. Muli namin silang tinabunan ng lupa.

"Maraming salamat sa inyo. Ngayon mapapanatag na 'ko." sabi ni tatay Ben. Pagkatapos naming umusal ng maikling panalangin para kay lola Lena, nanay Lorraine at sa sanggol nito.

"Walang anuman po, tatay Ben. Masaya kami na nakatulong kami." sabi ni Ace.

"So, pwede na tayong umuwi. Pagod na 'ko eh." humihikab na sabi ni Neo.

"Pagod, eh wala ka namang ginawa!" malakas na sabi ni Zoe.

"Oo nga, buti pa si Miles." sabi naman ni Jem sabay kawit ng kamay sa braso ko.

Napatingin ako kay Nina. Lumiit ang mata ko at napakunot noo ako dahil nakikipagngitian siya kay Ace. Marahas kong inalis ang kamay ni Jem. At huminga ng malalim. Ang sakit, eh.

"Grupo tayo, ibig sabihin tayong lahat ang gumawa ng lahat." malamig na sabi ko sabay iwas ng tingin.

Napadako ang tingin ko kay Zoe. Marahan siyang umiling. Bahagya akong napapanganga. 'Ganon ba 'ko kadaling basahin. O may gusto siya kay Ace.

Bumalik na si tatay Ben sa kanyang tindahan ng mga laruan. Bumalik na rin si Neil sa inuupahang bahay. Bumalik rin kaming anim sa school.

Nakapasok na silang lima sa loob ng PAC office at papasok na ako ng may tumikhim sa likod ko. Pagharap ko, nagulat pa ako. 'Pano ba naman kasi ang seryosong mukha ni Mr. Ricaforte ang tumambad sa 'kin.

"Summarize in twenty pages, within five days!" sabi niyang ni hindi kumurap tapos tumalikod at naglakad.

Nganga akong sinundan siya nang tingin. 'Tangna, may assignment pala ako. Pumasok ako sa loob ng PAC office para yayain ng umuwi si Nina. Saktong namang tumunog ang telepono sa tabi ni Ace. Dinampot niya 'to.

"Hello." sabi niya.

Nagsalita ang nasa kabilang linya. Siya lamang ang nakakarinig. Iba-iba ang naging reaksyon ng mukha niya. Patango-tango pa siya. Ngumiti saka tumawa ng malakas. Saka ibinaba ang telepono. Para kaming tangang nakatunganga sa kanya. Naghihintay ng kung anong sasabihin niya.

"First assignment. Job well done." sabi niyang nakangiti.

"A-Ano?!" naguguluhang tanong ni Neo. 'Pano ba 'to napasali sa grupong 'to?

"Ang galing natin!" malakas na sabi ni Zoe.

"A-Ano?!" naguguluhang tanong muli ni Neo. Napailing-iling ako. Kasama ba talaga namin 'to?

"At dahil tagumpay ang unang assignment natin. Paaaaarrtteey!" sigaw ni Ace.

"A-Ano?!" naku patay na lalong naguluhan si Neo.

"Anong ano. Ano ka ng ano." sita sa kanya ni Jem.

"Neo, makinig kang mabuti. Si Neil 'yong tumawag. Wala na daw 'yong imahe ng babae sa dingding nang inuupahang bahay niya. At nakausap rin daw niya ang kanyang landlady. Kilala daw nito ang mag-inang Lena at Lorraine nang mabanggit niya ang pangalan ng mga 'to. Dahil ito daw ang nagpalayas sa mag-ina. Dahil hindi daw sila nakakabayad ng renta. At magmula daw 'non, wala na rin daw itong balita sa mag-ina." mahabang kwento ni Ace.

"Aaahh, ok!" malakas na sigaw ni Neo.

"Kaya sa tuwa ni Neil. Magpapadala daw siya ng pagkain at alak dito sa PAC office. Kaya wala munang uuwi." nakangiting sabi ni Ace sabay sayaw.

Gumaya sa kanya ang iba liban sa amin ni Nina na nakangiti lang. Nang may kumatok sa pintuan. Agad naman itong binuksan ni Neo. Excited sa mga ipapadalang pagkain at alak ni Neil.

"A-ano ba 'to?" kunot noong ni Neo habang ipinapasok ang isang mahaba at malaking itim na kahon. Nagsilapitan kami sa kahon para usisain ang laman nito. Muling lumabas si Neo.

"Wala namang tao sa labas. Sino kaya ang nag-iwan niyan?" kunot noong tanong niya.

"Yan na ba ang ipinadala ni Neil?" tanong ni Jem.

"Grabe naman si Neil. Bakit ipinakahon pa ang pagkain. Tsaka 'san galing na restaurant ba 'to? Eh, wala man lang pangalan." sabi ni Zoe habang tinitignan ang bawat anggulo ng kahon.

"Puro kayo tanong. Buksan na kaya natin para malaman natin." sabi ni Ace sabay alis sa kulay violet na ribbon na nakalagay sa kahon. Inalis rin niya ang takip ng kahon.

Nanlaki ang mga mata namin. Napasigaw ang mga babae kabilang si Neo na mas matinis pa ang boses nang tumambad sa aming lahat ang laman ng kahon. Hindi pagkain. Roses. Ang daming roses. Pero ang nakakakilabot, itim ang kulay ng mga 'to.

'Black roses.'

"Shit, sinong gagong nagpadala nito?" sigaw ni Ace.

"Sandali, may card." kunot noong sabi ni Nina.

Pinagmasdan ko siyang kinuha ang itim rin na card na nakasiksik sa mga bulaklak. Pagkakuha binasa niya 'to. Nadoble ang panlalaki ng mga mata niya. Napatakip ang isang kamay niya sa bibig niya. At halos mawalan ng kulay ang mukha niya.

"Ano?" tanong ni Neo.

"Kanino galing?" tanong ni Zoe.

"Para kanino?" tanong ni Jem.

Mangiyak-ngiyak na umiling si Nina sabay tago ng black card sa likuran niya. Mabilis akong lumapit sa kanya at agad kong hinablot ang black card sa kamay niya.

"Miles!" sigaw niya. Binasa ko ang nakasulat sa black card.

"To the most beautiful girl. NINA! With all my love."

Napatiim bagang ako at marahas kong nilamukos ang black card na hawak ko. Hindi ako makahinga sa sobrang galit na nararamdaman ko. Tama si Ace. 'Sinong gago ang nagpadala ng mga 'to kay Nina.' Mapapatay ko siya.

"Nina, ano bang nakasulat sa card?" magkapanabay na tanong ni Zoe at Jem.

"Hindi niyo na kailangan malaman." madiing sabi ko.

"Bro, team tayo dito. Kung anuman 'to pagtutulungan nating isolve." seryosong sabi ni Ace.

"Oo nga, bro. Ano bang nakalagay sa card?" tanong ni Neo.

Bumuntong hininga ako At dahan-dahan kong iniabot kay Ace ang card. Panghahawakan kong pagtutulungan naming isolve kung anuman 'to. Sabay-sabay at iisang tao nilang tinignan ang nakasulat sa card.

Pareho ang naging reaction nina Zoe at Jem kay Nina. Pareho ang naging reaction namin ni Ace. Tanging si Neo lang ang natulala at mukhang nawala sa sarili.

"Fuck, sinong kayang nagpadala nito?" galit na sabi ni Ace. Nilamukos ulit niya ang nilamukos ko kaninang card.

UNFORBIDDEN LOVETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon