Chapter Eleven

52 12 0
                                    

"Nina, ano bang niluluto mo?" nakangiting sabi ko habang buong pagmamahal ko siyang pinagmamasdan.

"Wait ka lang dyan." malambing na sabi niya. Nakaupo ako sa mahabang sofa.

"Ok! Sabi mo eh." malambing din na sabi ko at patuloy ko siyang pinanood. Maya-maya lang...

"Halika na. Kain na tayo." sabi niya habang inaayos ang mesa.

Tumayo ako, lumapit sa mesa at umupo. Agad kong kinuha ang kutsara at akma nang susubo nang paluin ni Nina ang kamay ko. Napatingin ako sa kanya.

"Pray first." sabi niya. Napahiya naman ako ng konti. Dahan-dahan kong ibinaba ang kutsara at pilit na ngumiti. Sabay kaming yumuko at...

"Bless us Oh Lord, and these thy gifts, which we are about to receive, from thy bounty, through Christ, Our Lord." dasal ko.

"Amen!" magkapanabay na sabi namin. Napatitig ako sa maamo niyang mukha.

"O anong pang tinutunganga mo dyan, kain na." nakangiting sabi niya.

Agad kong kinuha ang kutsara at mabilis na sumubo. Ninamnam ko ang pagkain sa bibig ko. Kahit simpleng omellete lang ang ginawa niya. Parang nakarating ako sa langit sa sarap nito.

"Masarap!" ngumunguyang sabi ko. Hindi maalis ang ngiti sa mga labi niya.

"Ahm, may ketchup ka." sabi niya sabay turo sa mukha ko.

"Ha?" sabi ko at wala sa sariling pinadaan ko ang dila sa mga labi ko.

"San?" tanong ko.

"Ako na nga." sabi niya sabay pahid ng thumb niya sa gilid ng bibig ko.

Napalunok ako nang dumapo ang malambot na daliri niya malapit sa labi ko. Mabilis kong hinawakan ang kamay niya. Napatitig ako sa mapungay niyang mga mata. Pababa sa manipis niyang mga labi na bahagyang nakabuka. Ang lakas ng kabog ng dibdib ko. Ang bilis ng tibok ng puso ko.

"Nina." mahinang bulong ko.

"Miles." mahinang bulong din niya.

Palipat-lipat ang tingin ko sa mata at bibig niya. Habang papalapit ng papalapit ang mukha ko sa mukha niya. Dalawang pulgada, isang pulgada. Naamoy ko na ang mabango niyang hininga.

Kalahating pulgada. Halos maduling ako sa pagkakatitig sa mata niya. Hanggang sabay kaming pumikit. Naghihintay na magdikit ang aming mga labi.

Pero bakit ang tagal?...

Nanghahaba ang nguso ko nang magmulat ako ng mga mata. Agad na nanlaki ang mga mata ko. 'Anak ka ng kabrol.' Panaginip! Panaginip lang ang lahat. At 'andito ako sa PAC office. Nakatulog ako sa sofa.

"Good morning, bro." bati ni Ace. Sumulyap sa 'kin mula sa pagkakaupo sa upuan dahil nagsusuot ito ng sapatos. 'Naligo ba siya?'

"Anong nangyari?" kunot noong tanong ko.

"Hang-over?" tanong ni Neo. Galing siya sa banyo ng PAC office at katatapos niyang maligo. 'So naligo din si Ace.'

"Di naman. P-parang w-wala lang akong m-maalala sa n-nangyari kagabi." napayukong sabi ko.

Tinignan ko ang suot ko. Isang hawaiian polo. Lalo nangunot ang noo ko. 'Di naman 'to ang suot ko kagabi at hindi akin 'to. Lalong hindi naman ako nagsusuot ng ganito.

"Iligo mo muna, bro. Para mapreskuhan ka pati isip mo." sabi ni Ace.

"Oo nga, may mga tuwalya sa banyo. 'Andon na din ang mga damit mo, nakahanger." sabi ni Neo.

"Pwedeng maligo sa cr?" takang tanong ko kay Neo.

"Oo bro, 'no ka ba. May tubig at kompleto sa gamit ang banyo ng PAC office." sagot ni Neo.

"Sige na bro, maligo ka na. Bago dumating ang mga girls. Bumili sila ng pagkain. Para pagdating nila kakain na tayo." sabi naman ni Ace.

Napatango ako. Tumayo at nagpunta sa banyo. Medyo nagulat pa 'ko dahil medyo malaki sa loob. First time kong pumasok dito. Tama si Neo, kompleto sa gamit. Lumapit ako sa lababo at tinignan ang sarili ko sa salamin.

Napaisip ako, 'bakit wala akong matandaan sa mga nangyari kagabi?'.

Inalis ko ang suot kong polo. Binuksan ko ang salaming pintuan ng drawer sa harap ko. Napataas ang isang kilay ko. Kompleto nga hanggang toothpaste at mga toothbrush na disposable.

Kumuha ako ng isang toothbrush na nakaplastic pa at ginamit. Pagkatapos, tumalikod ako at lumapit sa damit kong nakahanger. Napatingin ako sa salamin. At dahil, nakatalikod ako sa salamin. Kitang-kita ko ang likod ko.

Nanlaki ang mga mata ko. Nagdobleng tingin pa ako para masigurong may nakasulat nga sa likod ko. Lumapit ako sa salamin at pilit na binasa. "Miles love Nina!". 'Anak ka ng kabrol.' Si Zoe lang nakakaalam. Sana walang nakabasa lalo na si Nina.

Mabilis akong naligo at nagbihis. Paglabas ko ng banyo, kinuha ko ang sapatos ko. Tumabi ako kay Neo na nakaupo sa sofa at nakapikit. Si Ace, parang sira-ulong pinaiikot-ikot ang swivel chair niya.

Kasalukuyan akong nagsusuot ng sapatos nang pumasok ang mga babae. Una si Zoe, sunod si Jem at huli si Nina. Napangiti ako nang magtama ang paningin namin. Parang ang tagal naming hindi nagkita. Sobrang miss ko siya.

"Guys, halina na. 'Kain na tayo." sabi ni Zoe. Sabay kaming tumayo ni Neo at lumapit sa mesa. Tumabi ako agad kay Nina. Napansin kong naligo rin silang mga girls.

"Gutom na gutom na talaga ako." sabi ni Neo.

"Anong bago palagi ka namang gutom eh." sita ni Jem.

"Iba ngayon, hindi mo ba narinig. Gutom na gutom siya ngayon. Hahaha..." sabi ni Ace sabay tawa. At nagtawanan ang grupo maliban sa 'kin.

"Problema mo?" kunot-noo pero nakangiting tanong ni Nina sa 'kin. Napalunok muna ako bago sumagot.

"Nina, sabihin mo nga sa 'kin. Anu-anong mga pinaggagagawa ko kagabi?" mahinang bulong ko sa kanya. Natigilan siya...

"H-hindi mo alam?" tanong niya. Umiling ako.

"Wala akong matandaan sa mga nangyari kagabi." sabi ko. Napatitig siya sa 'kin.

"T-totoo?" kunot-noong tanong niya.

"Hindi ako magtatanong kung may alam ako." sabi ko. Biglang naging balisa ang mukha niya. Iniiwas niya ang tingin sa 'kin.

"Nina." untag ko sa kanya.

"Ahm... M-miles... A-ano..." utal na sabi niya.

"Nina, ano?" tanong ko.

"Actually, wala kang ginawa." sabad ni Neo na mukhang nakikinig sa usapan namin ni Nina. Mabilis naman siyang hinampas sa braso ni Nina na ikinagulat ng lahat.

"Aray! Nina naman eh." sabi ni Neo sabay haplos sa brasong tinamaan ni Nina. Pinanlakihan naman siya ng mata ni Nina.

"Ok! May nangyari kagabi. Ano 'yon?" malakas na tanong ko.

"Chill, Miles." ngumunguyang sabi ni Ace.

"Pano 'ko magchichill? Wala nga 'kong maalala sa nangyari kagabi." sabi ko.

"Ok, ok, ok! sasabihin namin sa 'yo lahat nang nangyari. Pero pwede ba mamaya na. Kumain muna tayo." sabi ni Ace. Napatingin ako sa kanya at napabuntonghininga nang malalim.

UNFORBIDDEN LOVETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon