Chapter 2
Biglang humagalpak sa tawa tong baliw na to sa aking harapan. "Ano ka ba naman Ken! Sineseryoso mo naman. Pinaglalaruan lang kita. Alam ko naman na type na type mo ako?"
"Ha?! Ano?! Joke ba yun?! Nakakatawa ah. Ang kapal mo talaga." Nagcross arms ako at tinalikuran ko siya.
"Hmph. Ang drama mo naman. Makalipat nga." Narinig ko na gumalaw yung upuan niya at narinig ko footsteps niya na papalayo. Umalis na yata. Lumingon ako.
"Ankyut mo kapag nagagalit."
BOOGSH!
"What are you doing Ms. Jimenez!" Sigaw nung teacher namin na nagsitinginan lahat ng mga kaklase namin.
"Eh kasi ito si Jayson ang landi landi kasi!" Sigaw ko habang nakatingin sa natumba na Jayson.
Linapit niya kasi mukha niya sa akin na nasuntok ko siya at nagka-sound effects sa klase.
"How dare you do that to our Prince?!" Anong Prince? Si Jayson? Prince? Kapanget.
"Just bring Jayson to the clinic Ms. Jimenez at nagdudugo na ang mukha niyan." Dinala ko na nga siya sa clinic. Baka maubusan ng dugo si Princey.
○●○●○●○●
"Ano? Kaya pa?"
Para kasing lasing kung makalakad si Jayson. Akala mo nabugbog ng malaking lalaki. Sa bibig lang naman natamaan. Ang weak naman.
"Ikaw kasi. Na-damage tuloy yung perfect lips ko." Perfect lips mo mukha mo.
May mga babae na nadaanan namin at naawa kay Jayson. Ito naman si Jayson grabe makapag-acting kapag nasalubong sila.
Nandito na kami sa clinic. "Oh. Nandito ka na. Pumasok ka na."
Papasok sana siya. Lumingon siya sa akin at tumaas yung dalawang kilay niya.
"Ano?" Nagtataka kong sinabi.
"Hindi ka sasabay sa akin?"
"Eh wala naman akong sugat."
"Ikaw naman ang pasimuno nito"
Huminga ako ng malalim. "Wateber." Sinabayan ko na siyang pumasok.
Maraming mga estudyanteng mukhang binugbog. Buti nalang may bakanteng higaan at doon umupo si Jayson.
Sinalubong kami ng isang nurse. "May sugat po kayo? Oh. Eto betadine at gapas. Miss, pwede ikaw nalang ang maglagay? Marami pa kasi ang aasikasuhin namin." Binigay niya sa amin yung betadine at gapas.
Kinuha ni Jayson yung betadine. "Eto? Ilalagay sa perfect lips ko? Tingin mo masarap yung lasa nito?"
Hindi siya pinansin nung nurse at dumiretso siya sa mga estudyanteng puro sugat.
"Mabuti nga yan sayo eh. Para malason ka at madaliang mamatay." Pabulong kong sinabi.
"Aha!" Bigla siyang sumigaw. Mukhang hindi niya narinig yung sinabi ko. "Kiss mo nalang sugat ko sa lips para di na sumakit. Pweaaaase?" Makapag-please may accent pa talaga?
"Eto kamao ko. Good kisser to. Di kaya gusto mong maging times two yung sugat mo?" Ginesture ko yung fist ko sa mukha niya.
"Ansama mo talaga Kenny." Nagpout siya. Ano daw? Kenny? I-Kenny ko kaya yung mukha mo.
May naisip akong nakakatuwang ideya. Kinuha ko yung alchohol sa side table.
"Oh eto alchohol." Binuhos ko ito sa bibig ni Jayson.
"OOOOOOOUUUUCH!! AAAAAAAAAHHHH!!"
Sapul! Paikot ikot na tumakbo si Jayson dahil sa sakit. Hahahaha! Ang sarap videohan.
Linabas ko yung cp ko at vinedeohan ang paikot ikot na sira ulo.
"MWAHAHAHA!" Tawa ko at diretsong tumakbo palabas.
"Humanda ka sa akin Kenny!" Yun ang last words na narinig ko kay Jayson
BINABASA MO ANG
I Don't Believe in Love
Teen FictionMan-hater. Yan si Kennedy Jimenez. Galit na galit siya sa mga lalaki. Ayaw niyang masktan. Pero hindi naman maiwasang mahulog sa isang tao diba? Sino kaya ang magpapalambot sa puso niya?