Chapter 20

201 5 1
                                    

Chapter 20

Hindi ko alam kung saan ako papunta ngayon. Dire-diretso lang kasi ako dala sa galit.

Binaling ko nalang atensyon ko sa malaking plaza sa may kanto. Dun nalang ako pupunta para makapagsenti.

At kung minalas nga naman, maraming tao ang nagsisiksikan. Parang may pinapanood sila. Makikisali na nga lang ako.

Takte. Wala akong makita! Ang tangkad ng kuya sa harap ko! Parang poste!

"So how was your stay here?" May nagsalita sa malaking speaker. Mukhang may interview sa harapan. Sikat kaya yung tao na ganito karami yung fans?

"Umm." Nagtilian yung mga fans kahit wala pang sinasabi yung tinanong. "It was fun. My fans here in the Philippines are very supportive. I'm really thankful I came home."

At lumakas pa ang mga tili ng mga babae.

Napatingin ako sa isang malaking screen. Andun yung interviewer at yung lalaking iniinterview. Si Kendall Reid. Siya yung pinagkakaguluhan dito. Kaya pala.

"There is one question that all your fans wants you to answer. Can you answer it so everything will be clear to your fans?"

Nag-smile si Kendall at tumango. "Yeah. Bring it to me." Again, tumili yung mga babae.

"You said you never want to go school here and you just want to help your mom in your business. What motivated you to go to school here in the Phil.?"

Iniwas ni Kendall yung tingin niya sa mga audience. Parang nahihiya siya. "It's really confidential." Ngumisi pa siya.

Nag-"Aaaw." yung crowd na para bang nabitin sila sa sinagot ni Kendall.

"We want to hear the answer. Right, fans?" Sabi nung interviewer at sumigaw ng malakas yung mga fans.

Tumawa lang si Kendall. "Well, it was a Monday morning and I was supposed to visit mom. I rode this jeepney and I was completely caught off gaurd when a student entered the jeep.

She sat beside me. She was not that pretty nor hot but her simplicity caught my eye. She was beautiful."

Wait a minute kaping mainit. Ako ba yung pinag-uusapan niya? Hindi naman ako feeler pero Monday yun nung nagkita kami at nakatabi ko siya sa jeep.

Ewan ko kung mafa-flatter ba ako o maiinis dahil ang sabi niya 'I'm not pretty nor hot'. Kung buhusan ko siya ng kinukulong tubig para alam niya ang hot?

Nagpatuloy pa si Kendall. "Days have past, lagi na kaming nagsasabay sa jeep. She even got mad at me. She was really cute with her brows furrowed." Tumawa siya na parang iniisip niya yung scene na yun.

"Then, I realized I wanted to know this certain girl. I wanted to know her name, everything about her. That's why I entered that exact school she was in."

Natahimik bigla yung crowd. Shocked kumbaga. Sigurado akong patay yung babaeng yun pag makilala nila.

"Whoah. So are you inlove to be exact?" Tanong ng interviewer. Ngumiti lang si Kendall. Makatili naman yung mga tao kala mo siguradong yes yung sagot.

Yung iba kinikilig, yung iba naman galit na galit dahil may gusto nang iba ang idol nila.

"Can you name this lucky girl?" Huwag. No. Wag mong sasabihin. Kakaladkarin kita diyan sa stage at bubugbugin kita ng di oras.

"I'm sorry but I want to keep her safe. It's not my story to tell. She's not capable in my world. And besides, I don't have the right because..." Yumuko siya. "She's with somebody else now."

Nagsitahimik nanaman yung mga tao. Ang awkward tuloy. Parang walang tao sa paligid dahil sa tahimik. "Oh." Yun lang nasabi nung interviewer. "Why won't you sing her a song if ever she's here?"

Ngumiti si Kendall at kinuha niya yung gitara. "I always called you Masungit girl because you are so masungit. I hope you won't get mad but take this song as my love instead." Kinilig yung mga tao.

Naalala ko tuloy yung tawag ko sa kanya. Kuya Feeling. Nakakamiss rin pala. Yung times na nagkasabay kami at yung mga ngiti niya. Haay. Ang bilis nga naman ng panahon.

Nagsimula na siyang tumugtog.

(Song is Ever Enough by A Rocket to the Moon)

No I'm never gonna leave you darling

No I'm never gonna go regardless

Everything inside of me is living in your heartbeat

Even when all the lights are fading

Even then if your hope was shaking

Im here holding on

Ang sarap pala sa tenga yung boses niya. Parang soft siya at melodic. Biglang naalala ko ulit si Jayson. Ay! Erase erase!

I will always be yours forever and more

Through the push and the pull

I still drown in your love

And drink 'til I'm drunk

And all that I've done

Is it ever enough

Naiiyak ako! T_T. Parang tumatagos yung kanta lalo na sa sarap ng boses ni Kendall.

I will write you this song to get back what's ours

Would that be enough

I will always be yours forerver and more

Through the push and the pull

I still drown in your love

And drink ' til I'm drunk

And all that I've done

Is it ever enough

~~~

Nang matapos siyang kumanta, nagsigawan lahat na tao at tumingin siya sa audience habang nakangiti. Nabigla ako nang magtama ang tingin namin.

Di naman yata ako yung tinititigan niya.

Pinunasan ko yung mga luha na galing sa pagkanta ni Kendall at naglakad palayo. Hindi naman ako napansin nun. Ang layo layo ko sa kanya.

I Don't Believe in LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon