Chapter 7

306 7 0
                                    

Chapter 7

"HOY MANONG! Siyete."

Buyset. Kanina pa ako dito sa waiting shed at walang pumapara na jeep dahil puno na lahat.

Kinamot ko ulo ko. "Hay. Kainis."

"Babe, kanina ka pa diyan ah?!"

Napalingon ako sa sumigaw na lalaki. Tama nga ang hinala ko. Si Jayson.

Linapitan niya ako at inakbayan.

"Alam mo babe, namiss kaagad kita. Alam mo babe, gusto kitang makasama. Alam mo babe-"

"Takte! Ang daldal mo. San ka ba natutong tumawag sakin na babe? Hello? Feeling close ka?"

"Psh. Tampo tuloy ako." Nag-cross arms pa. Psh.

Nakatalikod siya kaya di niya ako makikita. At timing na may bakanteng jeep. Hehe. Iiwan ko tong baliw.

Pinara ko yung jeep tskaka pumasok sa loob. Haha. Nagulat si Jayson nang lumingon siya. Hahahaha.

"Babe!" Ew. So kader der.

---

"Bayad po kuya." Inabot ko yung pamasahe ko sa katabi.

Nakatingin siya sa labas pero napalingon naman siya nung inabot ko yung pamasahe ko.

Siyete. Yan yung lalaki na nakasabay kaninang umaga.

Ngumiti siya sa akin at kinuha yung pamasahe ko. Wow. Feeling cute teh.

Pagkatapos niyang iabot sa driver ay tumingin siya sa akin. Nang matagal.

"Bakit po? May kailangan po kayo? Bibili po ba kayo ng mansanas? Naku sampu lang." Sarkastiko kong sinabi.

Tinawanan niya lang ako. Amputek. Ang hot ng tawa. Parang nasususnog ako. (Ang corny.)

Pinilit kong hindi na siya pansinin. Baka lang mabaliw ako rito. Buyset.

○●○●○●○●

"Ma! I'm ho- ARAAAAAAYY!" Sinambunutan agad ako ni ate.

"Aba aba aba. Ang kapal din ng mukha mo! Pano mo naging boyfriend si Prince Jayson ha?!"

Hala sira ulo tong matandang to.

"Ano bang pinagsadabi mo! Put*k! Bitawan mo nga ako! Aray!"

Hinigpitan pa niya yung buhok ko. "Huwag ka nang magmaang-maangan pa. Kumakalat na kaya sa facebook! Ang kapal mo!"

P*tek. Pati ba naman sa internet sikat siya?!

"Buyset! Sayong sayo na yung sirang ulo yun! Takte! Bitaw!!"

"Tomboy ka! Pano mo nakuha si Jayson! Panooo! Sa itsura mong yan!"

Aba kung masuntok ko to.

"Kung pakita ko kaya sayo na tomboy ako." Sinambunutan ko rin siya.

"Hello po Tita." May bumati sa pintuan. Napatingin kaming dalawa ni ate habang nagsasambunutan parin.

Ah. Si Luke. Bestfriend ni ate. Naku close kami neto.

Tinakbuhan ko si kuya Luke. "Uwaah! Kuya Luke! Si ate oh! Sinasambunutan ako. Uwaah!" Umiyak ako.

"Oh. Kawawa naman si little sister." Hinimas niya ulo ko. "Keira kasi. Bat mo ginaganun si lil sis?"

"Hmph. Drama queen talaga. Kung ikaw lokohin mo yung Prince Jayson ko? Patayin kita."

Ano daw? Ako lolokohin si Jayson? Eh loko loko lang naman yung relationship namin ni Jayson. At teka, 'Prince Jayson ko'? Really?

Hindi na ako umiyak kasi wala na akong mada-dramahan kasi wala na si ate. Hehe.

"Si Jayson boyfriend mo? Himala." Nagsalita uli si kuya Luke.

"Ha?"

"Himala na nahulog siya sa matino. Akalain mo ngayon lang nagka-girlfriend yun."

"Ano ngayon lang? Haller? Marami nang syota nun."

"Eh bakit ka nagpaligaw?"

"Psh. Napilitan lang. Saka hindi ako mahuhulog dun. Walang puso yun." Umakyat na ako.

Narinig ko ulit si Luke. "Mag-ingat ingat ka Kennedy. Mabilis yun mahulog sa mga tulad mo. Sana naman saluhin mo siya. "

Ha? Ansabe niya?

○●○●○●○●

Ilang araw na ang dumaan at Friday na. Pansin niyo? Yung lalaki na akala ko na nagkataon lang na nakasabay ko ay palagi ko nang kasabay. Pati na rin sa pag-uwi.

At ngayon nandito ako sa jeep at kaharap ko si kuya Feeling. Oo. Yan ang tawag ko sa kanya sa isip ko. Ang feeling kasi.

Pumara ako at bumaba. Sumabay rin si kuya Feeling. Kainis na to ah. Hindi to nagkataon lang eh ilang araw na lagi siyang ganito.

"Kuya, ano pong trip niyo?" Tanong ko.

"Ha?" Shet. Naka-head phone pala. At ang husky ng boses niya. Hoy Kennedy, marunong ka nang lumandi ah.

"Yung totoo? Bakit ba sunod nang sunod ka sa akin papunta dito at pag-uwi ko? Stalker ka ba?" Sagot ko na walang nang isip isip.

Ngumiti siya na cute. Buyset. Ang kyut nga.

"Hahaha. Stalker ako? Hahaha."

"Anong nakakatawa?"

"Eh kasi malapit lang kasi diyan yung building namin." Tinuro niya yung katabi na building na malaki. "Palagi akong pumupunta dun kaya ang akala mo ay sinusundan kita palagi."

Sori po at nagmukha akog assuming. Naninigurado lang po.

"Ikaw? Nagtatrabaho na? Eh naka-civilian ka lang naman eh."

"It's my mom's business. I just go on visiting her everyday."

Nakapameywang ako. "Yun lang ginagawa mo? Di ka ba nag-aaral? Sabagay mayaman naman na kayo."

"Yeah that's what I thought. Pero naisip ko na kailangan ko na ring mag-aral just in case you know."

Tapos tumingin ulit siya sa school namin.

"Ah yun. School namin? Naku wag na. Lalabas ka diyan na hindi ka na tao."

Tumawa siya.

Syet. Ang hot nang boses niya. Takte.

I Don't Believe in LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon