Chapter 5

388 7 1
                                    

Chapter 5

Nagtinginan lang kaming dalawa. Nagulat ako nang may sumigaw sa likuran ko.

Sinalubong ako ni Leila. "Uy bespren! Baka malate na tayo. May flag raising pa naman." Patakbo siya papunta sa akin.

Napatingin siya sa lalaki na nasa likod ko.

"Sino yung gwapo?" Bulong niya sa akin.

Tinignan ko yung lalaki na nakatingin parin samin tsaka tumigin ulit kay Leila na nakakunot yung noo. "E-ewan ko ba. Tara na nga." Hinablot ko kamay ni Leila at pumasok na sa gate.

Lumingon ulit ako sa lalaki. Nakangiti siya tapos tumalikod at umalis na. Ang weird naman nun.

"Huy!" Binalik ko yung tingin ko kay Leila.

"T-tara na." Yaya ko sa kanya.

"Uy. Sino yun? Boyfriend mo ba yun? Infairness, gwaps yung dating niya ah. Mukhang mabait siya at mukhang mestizo. Sinundo ka ba niya? Naku, ang swerte mo naman sa kanya. Siguro nainlove ka rin sa-" Sunod sunod na sinabi ni Leila na muntik ko nang hindi maintindihan.

"Wait wait wait lang." Pagputol ko sa kanya. "Wala akong sinasabi kung ka-ano ano ko yung lalaki. Ni hindi ko nga kilala yun eh. Nagkataon lang na nakasakay rin siya sa nasakyan ko at parang ang weird niya na parang ewan."

Naglakad kami papunta sa room ko.

"Siguro secret admirer mo. Kung makangiti kanina eh parang gusto ka." Sabi ni Leila.

"Hay naku. Tigilan mo na nga ako diyan. Siyempre lumalandi lang yata yun. As if na maakit ako sa kanya. Atsaka hindi ko naman makikita yun ulit. Nagkataon lang yun." Linagay ko yung bag ko sa upuan ko.

"Psh. Oo nga. Baka nagkataon lang." Sabi niya. "Pero kakaiba yung ngiti niya! Para bang may pagnanasa sayo!" Pasigaw pa siya.

"Hays. Pumunta ka nga sa classroom niyo at baka mahigh blood ako sayo." Biro ko sa kanya. Lumabas na rin siya.

Ako lang ang nandito sa room. Malamang maaga pa eh. Kala niyo malelate ako kanina. Hindi pa. 6:45 palang at 7:00 yung flag raising.

Palabas na sana ako sa room ng malapit na mag-seven. Hinarangan ako ng hinayupak na buyset.

"Sino yung may pagnanasa sayo? Di mo ba naalala na girlfriend kita!" Sigaw niya na parang may karapatan siya sa akin.

Ano daw? Girlfriend?

"Anong girlfriend?! At chismoso ka rin no?!"

"You forgotten the deal?  Di mo kasi binigay yung video kaya permanent girlfriend kita for a week."

"Hoy! Binigay ko sayo yun pero hindi mo tinanggap!"

"Eh di sana pinilit mo sa akin. Pareho parin yun. Hindi napunta sa akin yung vid kaya girlfriend kita ngayon at pagsisilbihan mo ako." Linapit pa niya yung mukha niya sa akin.

"Che." Tinalikuran ko siya.

"Baka ayaw mo namang ma-expel rito. Diba bawal yung bullying at cyber bullying lalo na sa akin?"

Napahinto ako sa sinabi niya. Patay. Nga pala, tita ni Jayson yung may ari ng school na to at masyadong protecrive siya kay Jayson kaya isang sabi lang ni Jayson sa tita niya eh masusunod kaagad ito.

Humarap ako sa kanya at huminga nang malalim. "Okay. Mukhang nagamit mo yung pang-bablack mail mo sakin." Nagcross arms ako.

Ngumiti siya nang malapad. "Yeah I know." Lumapit siya sa akin at bumulong sa tenga ko. "This is gonna be fun." Tsaka hinalikan ako sa pisngi.

Amput*k! Ang kapal nang make-up nito! Ang sarap bugbugin to ulit!

Susuntukin ko sana siya pero nakaiwas agad siya.

Nag-smirk siya sakin. "You thought I didn't know? Kenny, dapat masanay ka na kasi girlfriend na kita at kahit anong gusto kong gawin ay susundin mo."

Nagsidatingan yung mga babae at nagchichika nanaman tungkol nung video. Buti nalang di nila nakita kami ni Jayson.

Inakbayan niya ako at dinala ako padaan sa mga maarteng babae. Nakita nila kami. Argh! Makakalat nanaman to sa school!

○●○●○●

Lunch na at pinabili ako nang halimaw nang makakain niya. Okay din no? Girlfriend niya inuutos utosan niya.

Wait lang. Ano bang iniisip mo Kennedy?! Hindi ka naman girlfriend niya eh! Siyempre ginagawa niya lang akong yaya.

Dala ko na yung pagkain ni Jayson. Dinaanan ko sina Marian at Leila.

"Para kanino yan bes?" Tanong ni Marian.

"Para sa Prince Halimaw. Bigay ko muna sa kanya to." Sabi ko at mukhang nalito si Leila pero nawala agad yun at sumunod ang ngiti niya.

Pinatong ko yung tray sa table nila.

"Oh. Ayan na yung dalawang fried chicken with rice, Coke, Juice, Burger, Chocolate bar,  Salad, at cake." Inisa isa ko pa yung pinabili niya sa akin. "May kailangan pa po kayo?"

Ngumiti siya na nakakakilabot. "Wala na. Upo ka nalang rito at tulungan mo akong kainin yang lahat." Tinuro niya yung upuan sa tabi niya.

"Dun ako kina Marian. Ubusin mo yang lahat. Ikaw nga yung nagpabili eh." Tinalikuran ko na siya.

Hinablot niya braso ko. "Be patient my girlfriend." Alam kong bina-black mail niya nanaman ako. Hay. Kung pwede lang ay masusuntok ko ulit to sa pagmumukha niya.

"Payn." Umupo nalang ako sa tabi niya.

Nakapalibot ako ng Fourge. Lahat sila nakatingin sa akin. Habang ngumunguya nga eh titig na titig sakin. Ano? May tae ba ako sa mukha?

Inakbayan ako ni Jayson.

"Guys, she is officialy my girlfriend." Sabi niya pero yung tono parang nagpaparinig sa mga tao. Takte. Hindi naman halata na nahihihiya ako no?

Tumayo siya at nag-announce pa. "So from this day on, walang mang-aagaw sa kanya. Okie?" Sabay peace sign.

Nakita ko ang pagsmirk niya sakin. Alam ko ang binabalak niya.

○●○●○●○●

Pwee. Sori ngayon lang nakapag-update. Nahihirapan kasi ako sa bagong school ko. Alam niyo naman yug out of place diba? Marami pa ang hindi ko maintindiha kaya wala akong oras makapag-update.

Atleast worth it kasi mahaba yung chapter! Heehee..

I Don't Believe in LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon