Chapter 18
"Pass your assignments to the front."
Pinasa ko yung sakin sa harapan. Napatingin ako kay Marian kasi parang may hinahalukot siya sa bag niya.
Ang ingay pa naman yung nilalaman ng bag niya. Akalain mo, mostly mga bote yung nasa bag niya. Bote ng mga pabango.
"Anong problema?" Tanong ko habang nagkakalkal siya sa bag niya.
"Shet. Yung assignment ko. Nakalimutan ko sa locker." Namumutla pa siya.
"Ako nang kukuha habang hindi pa nagsasabi si maam kung sino yung hindi nagpasa." Bulong ko. Nagningning naman ang mata nito. Tss. Alam ko yan.
"Salamat ah. Bilisan mo rin please. Ayokong pagbungangaan nanaman ako ni Malificent." Pagmamakaawa niya at binigay sa akin yung susi ng locker niya.
Pumunta ako sa may desk ng guro. "Maam, may I go the washroom?"
"May assignment ka ba?" Yung mata niya parang nag-aapoy. Nakakatakot dre.
"O-opo. Andyan na."
"Sige. Go."
Lumabas ako at bumaba sa locker room.
○●○●○●○●
Kailangan kong bilisan! Para to kay Marian!
*Boogsh*
"Aray! Kasi eh!" Inis na sigaw ko. Nakisabay kasi sa pagtakbo tong lalaki.
"Uh sorry." Inalalayan niya ako.
Napatingala ako. Mukhang mga mid 30s tong kuya pero may itsura naman siya. Nakatuxedo pa nga eh. Mukhang businessman to or should I say mayaman.
"Sige. Sorry din. Una na ako."
"Miss, may kilala ka bang Jayson Clarke dito? Di kaya si Kendall Reid?"
"Meron. Kilala ko silang dalawa. Pero kuya nagamamadali kasi ako. Punta ka nalang sa principal's office. Nandun sa third door ng kaliwa." Tinuro ko.
"Sige. Thank you." Nauna na siya.
Napalingon ulit ako sa kanya. Parang may kamukha siya. Parang si Jayson na parang si Kendall. Ay ewan.
○●○●○●○●
"Salamat bes! Napasa ko rin yung assignment!" Niyakap ako ni Marian ng mahigpit. Buti nalang talaga mabilis yung pagtakbo ko papunta ng classroom kanina.
Nakita ko si Kendall na nakaupo sa isang bench. Nilapitan ko siya.
"Kendall, may naghanap sa inyo ni Jayson kanina. Ewan ko kung sino yun pero mukhang sosyal."
Ngumiti siya sa akin. "Thanks. Just forget about it. Nakausap ko na siya kanina."
At dahil isa akong curious na pusa, di ko tuloy maiwasan magtanong. "Sino siya?"
"Nevermind it." Pansin ko na parang may lungkot sa boses niya. Sino kaya yung lalaking yun? Ay bahala na. Baka masyadong confidential sa kanya.
"Sige. Una na me." Nagpaalam na ako sa kanya.
Sino ba yun? Mahalagang tao ba yun kay Kendall at Jayson? Baka naman kamag-anak nila. Kahawig niya talaga yung dalawa eh.
"KENNY!!!!"
Putakte! Mabubutas yung tenga ko sa sigaw niya! Sarap buhusan ng asido yung bibig!
"Ano ba!" Inis na nilingon ko siya. Kala mo naman kasi narerape na babae kung makasigaw.
"Date tayo bukas, tutal saturday naman." Masayang inakbayan niya ako. Masyado naman tong natuwa.
"Hindi naman halatang joyful ka ngayon eh no?" Pangisi-ngising sabi ko.
Mabilis naman siyang humarap sa akin habang nakangiti na parang mapupunit na yung labi. "Siyempre. May gusto ka sa akin." Sabay peace sign. Psh.
"Weh? May sinabi ba ako?"
Binehlatan niya lang ako.
Napapangiti nalang ako. Ngayon ko napagtantong na ang cute ni Jayson. Akala mo bad boy dahil sa looks niya pero pag kilalanin mo ang isang to ay parang bata na naglalaro.
Tinignan ko lang siya. Sumasabay ang buhok niya sa simoy ng hangin at ang mukha niya ay naaninag ng araw.
Siya pala. Siya pala yung sinasabi ni Marian. Sa bilyun-bilyong tao sa mundo, siya yung nagbago sa akin at sa bilyun-bilyong tao sa mundo, ako ang nagbago sa kanya.
"He improved a lot." Sabi sa akin ni Harold. Nandito kami ngayon sa osang bench ng soccer field. May training kasi sila ngayon at pinatawag niya ako.
"Improved a lot? Ano yun?"
"Um-enhance." Sarkastikong sagot niya. Mukha ba akong tanga na hindi maintindihan yung improve?
Sinamaan ko lang siya ng tingin. "Hahaha. Okay okay. I meant na malaking pinagbago niya. Alam kong alam mo na playboy yan si Jayson. Pero minsan lang yan makita na seryoso at ganung ka-energetic na parang nasobrahan ng adrenaline. Lalo na sa love."
Nginitian ko siya. Malaki ba talaga ang pinagbago ni Jayson? Tingin ko nga.
"Kennedy, alagaan mo siya ah? He needs it."
Out of curiousity, natanong ko ito kay Harold. "Ano ba yung nangyari kay Jayson sa past?"
"Di ko sasabihin sayo. Di ako chismoso." Tumayo na siya at tumakbo papunta sa soccer field para mag-training.
Nakatungo lang ako kay Jayson. Ano nga ba ang pinagdaanan ng lalaking to? Mahirap ba yung pinagdaanan niya na hindi nila masabi?
"Ano? Hatid na kita sa inyo." Di ko na pala napansin na malayo na si Jayson sa akin. Sinabayan ko siya sa pag-uwi.
Someday, malalaman ko rin ang totoo
![](https://img.wattpad.com/cover/9571396-288-k902706.jpg)
BINABASA MO ANG
I Don't Believe in Love
Genç KurguMan-hater. Yan si Kennedy Jimenez. Galit na galit siya sa mga lalaki. Ayaw niyang masktan. Pero hindi naman maiwasang mahulog sa isang tao diba? Sino kaya ang magpapalambot sa puso niya?