Chapter 23

196 6 0
                                    

Sorry matagal yung update. Marami kasi akong ginagawa (Kahit wala.. Hehe. Peace! XD). Eto na. Dalawang chapters para masaya. Haha.

○●○●○●○●

Chapter 23

Volleyball.

Dalawang araw kaming nagtraining para bukas. Dito ko nalang ilalabas lahat ng galit ko.

Kanina ko pang pinapalo yung bola sa pader. Ang sarap sa pakiramdam na mailabas yung galit.

"Kennedyyy!"

Nabaling yung tingin ko kay Marian.

"Hmm?"

"Binilhan ako ni mama ng magazine. Tignan mo." Iniharap niya sa akin yung magazine.

"Kendall Reid? Fan ka ba niya?" Tinaas ko pa kilay ko. Si Marian ba naman maging isang fan girl? Totoo ba ito?

"Binilhan nga ako!"

"Sus. Nagpabili kamo!" Pang asar ko.

"Che! Basta basahin natin all about him." Tumango lang ako.

Yung first page, puro mga pics ni Kendall.

"Ohmy! Ang hot niya dito!" Turo ni Marian sa pic ni Kendall na nakashirtless siya.

Napailing nalang ako

Yung second page naman, biography ni Kendall.

---

Name: Kendall Northen V. Reid

Age: 17

Birthday: September 12, 1997

---

Northen second name niya?

Pareho kaming birthday?

"Pareho kayong birthday?" Inulit niya lang inisip ko. Enebeyen.

"Oo. Ano ngayon?"

"Destiny! Omygas. Para sa isa't isa kayo. Do you believe in soulmates?"

"Ewan ko sayuu." Tbh, sasambunutan ko na tong Marian Rivera. * Ubo ubo* Ehem ehem. Marian lang pala. Hahaha.

Tinignan niya uli yung magazine. "Ano favorites mo Ken?"

Nag-isip muna ako. "Adobo, spaghetti, iced tea, music, magbasa ng libro." Mmm. Sarap ng adobo.

"Really?! Gayang gaya niya din oh!"

Nanlaki mata ko. Weh? Di nga? Imposible yun no!

Inagaw ko yung mag kay Marian at totoo nga mga manong. Kuhang kuha niya yung favorites ko.

"Nagkataon lang yan." Sabi ko habang hinampas sa kanya yung magazine.

"Nagkataon? Destined talaga kayo!"

Tumayo ulit ako. Ayokong mag-expect. Nakakamatay yun.

Tinira ko yung bola sa pader. Sana talaga mukha nung malanding babae yung pader. Napakafake niya.

"Ken uwi na tayo. Mamaya magsara na yung school." Tugon ni Marian. Sumunod naman ako sa kanya.

Palabas na sana kami nang nakasalubong namin si Kendall. Oh the irony. Kanina pinag-uusapan lang namin siya at ngayon kaharap na namin siya.

"Hi Kennedy, Marian."

Si Marian naman hindi makagalaw sa kinatatayuan niya. Malamang na-on nanaman yung fangirl mode niya.

I Don't Believe in LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon