Chapter 16
Isang week na ang nakalipas at break na kami ni Jayson. Hindi naman halata kasi mas naging sweet siya sa akin.
Lagi niya akong pinapakain. Tingin ko nga tumaba na ako ngayon dahil sa mga chocolates. Caring siya palagi. Pinaparemind niya sa akin yung mga assignments at hinahatid niya ako at sinusundo.
Bwiset! Laging nakabuntot sa akin kahit saan ako magpunta.
Pinagalitan ko siya pagkatapos nun di na siya pumasok.
Ewan ko pero namimiss ko yung pangungulit niya. Nasanay yata ako sa presensya niya.
Out of the blue na kinausap ako ni Depris. Ang nag-iisang member na ayaw na ayaw sa akin ay kinakausap ako ngayon.
"We need to talk to you." Sabi niya na walang expression.
Sinunod ko siya. Dinala niya ako sa tambayan ng Fourge. Di ko naman nakita si Jayson.
Pinaupo ako sa harapan nila. Hala. May kasalanan ba ako?
"This is for our best friend." Pagsisimula ni Harold. Ano daw? Rerapin ba nila ako!
"Ilang araw na siyang nagmamaktol dahil lang sayo. Sinasabihan ko nga siya na marami pang babae diyan. Pero kahit anong gawin namin ikaw at ikaw parin." Dagdag niya.
Si Brandon naman. "Okay. Hindi dapat namin to sasabihin sayo pero... Crush ka niya matagal na."
Okay. Joke ba yun?
"Actually di niya alam ang pangalan mo. Maganda ka raw, simple at masungit na parang araw araw meron ka. Di ka raw nauubusan." Napatawa pa silang lahat.
"Ano kamo?" Sigaw ko.
"So yeah. Nung nalaman niya pangalan mo, nagpa-feeling close na siya sayo." Sabi ni Brandon. Kaya pala.
Hinawakan ni Harold kamay ko na ikinagulat ko. Tinignan niya ako nang mariin. Jusme! Natutunaw ako! Gwapo rin kaya siya! Magseryoso muna bago landi Kennedy!
"Mahal na mahal ka niya. This is the second time na naging seryoso siya sa isang babae and once in a chocolate moon lang to."
Hahaha. Once in a chocolate moon?
"Mahalin mo naman siya, for the sake of our best friend."
Hindi lang ako umimik. Second time? Eh sino yung first? At saka for our best friend? Magpapakamatay ba siya?
Tumayo silang lahat at nagpaalam na.
Si Depris naman ay naiwan kasama ko. Parang gusto kong solohin to. Solohin sa pagbugbog.
Pinaningkitan ko siya. "Ba't di ka pa umaalis?"
"Alam mong ayaw na ayaw ko sa pagmumukha mo." Sabi niya.
Aba. Sosolohin na talaga to.
"But.." Napatigil naman ako. "For Jayson, titiisin ko nalang. Jayson have been through many risks already. Intindihin mo sana siya."
"Paano ko siya iintindihin eh puro mga ka-ek ekan pinagsasabi niyo. Di niyo sinasabi yung dahilan."
Tumayo na siya. "Malalaman mo rin sooner or later. To make it short, Jayson had no one to run to but us. Kami yung nagpalakas sa kanya."
Bago siya makaalis, nagsalita pa siya. "You have no idea how it feels to be pushed around. So make your choice now or you'll regret it."
Natulala lang ako.
○●○●○●○●
Oo. Sige na. Ako na yung manhid. Di ko pinapansin mga ginagawa ni Jayson sa akin. Pero kinikilig din ako no!
I admit, nahulog na ako kay Jayson. Kaya heto ako ngayon sa bahay nila.
"Clarke residence. Who is this?" Sabi nung lalaki sa speaker. Jusme. May paganon ganon pa talaga sa pamamahay nila?
"Ako po si Kennedy Jimenez. Kaklase ni Jayson. May mga requirements po na kailangan niyang gawin. Pakibigay nalang po sa kanya."
"Ah. Ms. Kennedy Jimenez.Girlfriend ni master. Pasok po kayo." Sariling bumukas ang malaking gate.
Sinalubong ako ng isa sa mga katulong. "Ang ganda ganda niyo pala gaya nung sinabi ni master."
Che. Feeling close naman tong yaya. Pero pati ba naman dito pinag-uusapan ni Jayson ang tungkol samin?
~~~
"Dito na po yung room ng master. Kumatok nalang po kayo. Inaasahan ka niya."
Kumatok ako at may sumabi na "Come in." Si Jayson yun.
Pumasok ako at nakita kong nakaupo siya sa study table.
"Hoy lalaki. Maraming requirements ang pinapadala. Marami rin ang assignments at seatworks na hindi mo nagawa. Bakit ba hindi ka pumasok?"
Tinarayan niya ako. "Bakit? Miss me?"
"Concerned citizen lang po." Linagay ko yung papel sa study table niya.
"Anong ginagawa mo?" Tukoy ko yung mga drawing sa study table niya.
"Ikaw. Dinodrawing kita. Di ka kasi maalis sa isipan ko kaya para di kita mamiss, idodrawing nalang kita."
Napangiti ako. Gayang gaya niya yung panget kong mukha. Maganda yung pagkagawa niya.
"I like you Kenny." Napatingin naman ako sa kanya. Mukha namang sincere siya. Pero I still don't trust him.
"Alam mo Jayson? Tigilan mo na nga to. Di ka ba napapagod? Kahit anong gawin mo magbabago at magbabago din iyang nararamdaman mo."
Tumayo siya at hinarap ako. "Napapagod rin ako pero hindi dahil sayo."
"Just stop it. Hindi kita mahal." Ang totoo ay mahal kiya. Natatakot lang ako. Tinalikuran ko na siya at nagpatuloy na lumabas.
"Ano bang problema! May pagkukulang ba ako sayo? Mahal kita!"
Napahinto ako sa sinabi niya. Totoo ba to? Ang Jayson na babaero at nakakainis ay umiiyak sa harapan ko at sinabihan ako na mahal niya ako?
Lumuhod siya sa harapan ko. "Napapagod rin ako Kennedy. I'm tired of being pushed around.
Pagod na akong masaktan. Naiisip ko parin siya at ikaw nalang ang kailangan ko. Please don't do this to me too. "
Lumingon ako sa kanya. Nagmamakaawa siya. Totoo na ba yung mga sinasabi niya? Maniniwala na sana ako pero sino 'siya'?
BINABASA MO ANG
I Don't Believe in Love
Teen FictionMan-hater. Yan si Kennedy Jimenez. Galit na galit siya sa mga lalaki. Ayaw niyang masktan. Pero hindi naman maiwasang mahulog sa isang tao diba? Sino kaya ang magpapalambot sa puso niya?