Yep. I'm short in readers XD. Pero kahit na, magpapatuloy parin ako. Tiwala lang!! (^-^)/
PS: Exam namin bukas XD.
~~~
"Anong ginagawa mo dito?" Si Marian yung humarap sa kanya. Siyempre galit din siya kay Leila.
"I'm here for Ken's birthday." Englishera na pala siya. Di gaya nung una parang baliw kung magsalita.
Pero infairness. Gumanda siya. Nagpaganda yata siya kasama yung mabahong Perfume Girls. Arte arte. Sarap sprayan ng Baygon sa mukha.
Masama parin ang tingin ni Marian kay Leila. Ako naman, hindi ko alam kung matutuwa ba ako o maiinis.
"But anyway. I'm just here to deliver my gift." Isang kulay pula na box ang binigay niya sakin. "Happy birthday Ken." Ngumiti siya sa akin saka nang umalis.
Ano kayang binabalak niya?
~~~
After nung party...
Lumabas ako at umupo sa isang bench. Ang sarap ng simoy ng hangin. Hawak-hawak ko parin yung box. Hindi ko pa ito nabubuksan pero parang iba yung kutob ko dito.
"Did you enjoy the party?"
Napaangat ako ng tingin kay Kendall. "Oo naman. Ikaw ba?."
Tumabi siya sa akin. "Siyempre. It's your birthday."
Napatitig ako sa kanya. "Eh birthday celebrant ka rin naman ah!" Depensa ko.
Ngumisi siya. "Of course I am. We're twins aren't we?" Marahan niyang siniko yung braso ko.
"Ang weird nga eh." Sabay ko inalis yung tingin ko. Totoo nga naman. Awkward, weird, abnormal yung feeling na kakambal mo pala yung may gusto sayo.
"Indeed." Kinalubit niya ako kaya napalingon ulit ako sa kanya. "I, too, felt weird. I mean I fell inlove with my twin sister! What a coincidence!"
Sinapak ko siya sa ulo. "Huwag ka ngang mag-inenglish dyan! May painlove-inlive ka pang nalalaman! Nandidiri ako!"
Umangat bigla yung kilay niya. "Who wouldn't?" Sinapak ko ulit siya at nakitawa narin ako.
Maya maya nawala na yu.ng tawang aura. Ayun tuloy, naalala ko si Jayson.
"So ikaw nga yung kapatid ni Jayson?" Alam kong wala akong karapatan sa family life nila pero gusto ko ring malaman.
"Yep. He is my brother." Tumingin siya sa langit. "We were so close. Napakaprotective yun ni kuya. But everything changed when that tragic night happened. I-I don't want to talk about it."
Tumango lang ako. I understand him. Kahit di ko alam yung naranasan niya iintindihin ko parin yung nararamdaman niya.
Tumingin siya sa akin na may ngiti na mukha. Haay. Alam ko naman na pinipilit niyang ngumiti."Tara sa park."
"Saang park?"
"Sa park noong nagconfess ako sa pagmamahal ko sayo." Kumindat siya.
Alam niya na nandun ako sa park nung ininterview siya?!
~~~
Naglakad lakad lang kami sa park. Nagkwentuhan, nagchikahan lang kami.
"Look! Icecream!" Turo niya sa may bandang dulo.
"San?" Napatingin ako sa sorbetero. "Eh sorbetes naman yan eh!"
"Oo nga. It's my favorite." Hinila niya ako papunta dun.
"Two please. Yung isa puro icecream lang." Hanudaw? Puro icecream?
Napatunganga yung mamang matanda sa kanya. "Puro icecream, iho?"
"Opo. Yung nasa cup."
Napa-'ahh' kaming dalawa ng mama. Ayun naman pala eh.
Nang makuha namin yung sorbetes, umupo kami sa bench. Napagod din kami sa kakalakad. Pinagmasdam ko yung mga batang naglalaro.
"You thought I didn't know na nandun ka sa interview ko." Sumubo siya ng sorbetes. Mukhang sarap na sarap.
"Yeah. Pero pake ko. Opinion mo yun eh."
Kumunot bigla yung noo niya. "You didn't care?! Not just a bit?!"
Napatawa ako. "Oo. Nang malaman ko na kambal tayo. Wala na akong pake."
Nag-pout siya. "Argh. Bakit nga ba naging kambal pa tayo? Mas gwapo naman ako sayo?"
Binatukan ko yung isang to. Aba! Pasalamat nga siya maganda yung kambal niya.
Napabuntong hininga siya. "Fate is really playing with us."
Hinaplos ko yung likod niya. "Pasalamat nga tayo na nagkakilala pa tayo. Ang astig nga may kakambal ka."
Bumuntong hininga siya. "Yeah. I guess." Umusog siya palayo sakin. "Just stay away from me. Parang nakakairita ka kasi. So itchy." Kumamot kamot siya sa braso na kala mo may rashes. Ang kapal ah!
"Batukan kaya kita!" Binelatan niya lang ako.
"Tara na. Maybe they're already waiting for us." Tumayo na kaming dalawa.
Nakita namin si Audie. "Hey guys."
Nakaisip ako bigla ng plano. Napangiti ako ng mapanloko.
"Umm, Audie. Samahan mo nga si Kendall."
"What?!" Tinitigan ako ni Kendall.
"Sige naa!" Tinulak ko silang palayo. Dami pang satsat eh!
"I'm not going if you're not going." Nagcross-arms si Kendall na parang batang ayaw sumama.
Sinamaan ko siya ng tingin. "Di ba pwedeng makapagsenti ako ng mag-isa?"
Umiling si Audie. Aba eh kasabwat din pala ito. "Nope. You need both of us."
Tumango si Kendall. Ilingan at tanguan nalang tayo dito? Magha-hand gestures naman ako para masaya. XD. "Yep. She's right."
Napa-facepalm nalang ako. Talagang yung mga english spokening pa yung makakasama ko ngayon.
"Hey guys!" Biglang sumulpot naman si Peaches sa kung saan. Argh! Gusto kong mapag-isa ano ba!!!
May tatlo pang mga mushroom ang sumulpot. Ang Fourge. "Heyaaaa!" Ngiting ngiti si Brandon. Dahil chinito siya, parang nakapikit na siya sa kakangiti.
"Yow." Si Harold naman na mukhang galing sa training dahil sa ligo ng pawis. (Pero infairness.. Mabango parin XD hehehe. jowk.)
At si Depris mukhang glowing. Anyare? Parang may bago ah.
"Happy birthdaaaayyy!!" Sabay sabay silang sumigaw sakin.
Double facepalm. Pusang gala naman oh! Imbes na mag-isa lang ako ngayon sa park mas lalong dumami yung mga sumulpot na mushroom!
BINABASA MO ANG
I Don't Believe in Love
Teen FictionMan-hater. Yan si Kennedy Jimenez. Galit na galit siya sa mga lalaki. Ayaw niyang masktan. Pero hindi naman maiwasang mahulog sa isang tao diba? Sino kaya ang magpapalambot sa puso niya?