Chapter 11

264 3 0
                                    

Chapter 11

"Masarap din palang tagilat na to." Sabi ko tapos sumubo ng tinidor na may pasta.

Tumawa si Jayson. "Tagilat? Ano ka taga-probinsya?"

"Ay sori po. Pers taym eh." Sabay subo nung pasta. "Ang sarap din ng desserts nila at yung drinks. Basta lahat na!"

Tumawa lang uli si Jayson. Hindi niya iniiwasan yung tingin niya sa akin. Hindi ko maiwasang tanungin siya. "May tae ba mukha ko?"

Nag-roll eyes lang siya at napasandal sa upuan niya. Dumating na yung waiter para sa bill. Kinuha ko ito at may gulay. 6500 pesos para lang sa isang kain! Makakabili na ako ng maraming chickenjoy nito!

Inagaw ni Jayson yung bill. "Huwag kang mag-aalala. Ako yung magbabayad. Dapat special date natin no." Linagay na niya yung pera tapos hinila nanaman ako palabas ng restaurant.

"Saan nanaman tayo?"

"Let's just have fun shall we, babe?"

Wews. Ba't parang first time kong matunaw eh makarami niya naman akong tinatawag na babe? Argh.

~~~

"This was a great day Kenny." Kiniss niya ako sa pisngi.

"Ah oo nga." Nakatayo parin ako. Napansin ko na mukhang shocked si Jayson. Problema nito?

"Wait lang." Tinignan niya ako. "Ikaw ba si Kenny?"

"Ha?" Di ko magets eh.

"Okay lang na kiniss kita sa cheeks?!"

Nanlaki mata ko. Oo nga no. Kiniss niya ako at wala akong ginawa. KINISS NIYA AKO!

Napahawak ako sa pisngi ko. "Takte! Di na ako virgin!"

"You're overreacting." Bumulong pa siya. "Ako din naman ang kukuha niyan sayo." Narinig ko yun ah!

Sinuntok ko siya sa braso. "Aba!Manyak ka talaga!"

Tumawa lang siya.

"Goodnight Kenny."

"Night." Tinalikuran ko na siya. Baka kung ano magawa ko.

"Mahal kita." Napalingon ako. Nginitian niya ako at pumasok na sa kotse niya. Nakatingin parin ako sa kanya hanggang makaalis na siya.

Tama ba narinig ko o hindi na ako nakapaglinis ng tenga ko?

○●○●○●○●

Papasok na ako sa school nang makita ko may rally ng mga estudyante sa loob ng gate. Anyare?

Nakita ko na may maggarang kotse sa gate at may lumabas na gwapong nilalang. Jusme. Yun lang pala yung rally.

Naka-shades siya. Lalong nagkabaliw yung mga babae nang tanggalin niya yung shades niya.

I narrowed my eyes to get a better glimpse of him. Siya nga. Si kuya feeling. Natameme ako. Ang gwapo niya. Lalo nang naka-uniform na siya.

At timing naman na dumating yung Fourge. Ayun naghiyawan din. Lumabas na din yung members at siyempre andun si Jayson.

Unang nakita ako ni kuya feeling kaya nilapitan niya ako. Naglakad ako nang mabilis pero naabutan niya parin ako. Sori ang ikli ng legs ko. Hinawakan niya wrist ko.

"I didn't know you're name. I forgot to ask. You are?"

Napatingin ako kay Jayson. Mukhang gusto niyang pagbugbugin to. Hahaha. Ang kyut ng istura niya.

"Ah malelate na ako."

"It's like 20 minutes till classes start."

"Kennedy." Tinanggal ko kamay niya at naglakad papasok ng gate.

Napahinto ako nang nagsigawan yung mga tao. Napatingin ako sa nangyayari.

Hinahawakan ni Jayson kwelyo ni kuya feeling.

"I'm giving you a warning, pre."

I Don't Believe in LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon