Chapter 13
Kennedy's POV
Gusto ko munang mapag-isa. Gusto kong pag-isipan ang mga nangyayari sa akin.
Pinunas ko yung luha ko na ngayong tuyo na at wag kayo. Alam kong tuyo na eh sa gusto kong punasan eh.
Pinukpok ko yung sarili ko. "Kennedy! Ano nanamang kadramahan to! Kailangan mo pang ipasa yung assignment mo kundi kakaladkarin ka nanaman ni mam!"
Yun talaga yung pinoproblema ko ngayon. Yun lang. Yun lang talaga!
Oo na! Si Jayson na yung problema ko.
Hindi naman sa ayaw ko sa kanya na nagdrama akong umalis sa school at hindi naman na nagdrama ako kasi inlab ako sa kanya. Tss.
Nabigla lang talaga ako. Nabigla ako na ginagawa niya sa akin to. Palagi ko siyang pinapagalitan, sinusungitan, binubusisingan at kahit anong gawin ko lagi siyang nagpapaka-sweet.
Nantitrip ka lang ba? Kasi hindi ka na nakakatawa. Makakasakit ka nang di oras.
At oo na, aaminin ko. Medyo, I mean konti, I mean kasing liit ng microbyo na nagkaka-crush na ako sa kanya. Unti unti na akong nagiging bading.
Tulad ng sinabi ko, isang mali lang ang gawin niya masasaktan niya ako.
Ayokong umasa. Baka sa huli masaktan ako kaya gusto ko nang iwasan mahulog sa kanya ng lubusan. Pero heto ako ngayon. Malapit nang madapa sa bangin mo.
"One week. Mukhang hindi na talaga magtatagal tong pagpapanggap natin." Tumawa ako nang hilaw.
"Siguro natutuwa ka ngayon na napaiyak mo ako. Natutuwa ka ngayon na unti unti mo na akong napapahulog. Madali mo na akong sirain."
Napatingala ako nang may anino sa harapan ko.
"Uy little sister. Bat andito ka?"
Finally, may makakausap na ako ngayon.
~~~
"Alam mo, people change. They should be given a chance to change. Hindi naman maiiwasan ang pagbabago diba?"
Sinabi ko lahat kay kuya Luke ang nangyari kanina. Ang tungkol samin ni Jayson.
"Pero I don't trust him. Tingin mo maniniwala ka sa rami rami nang babae na naging gf niya?"
Inayos niya yung pagkaupo niya. "Kennedy, alam nga natin ang past niya. Ngayon, ikaw yung present niya na pinagpapahalaghan niya. Why not give the future a try? Why not give him a chance?"
"Hindi ko nga siya mapagkakatiwalaan. Gaya ng sinabi mo alam na natin yung past niya at maraming beses na nangyari yun kaya may possibility na mangyari yun ulit." Ang kulit eh.
"You don't know his real past." Nakayuko na sabi ni kuya Luke.
"Well ano yung totoong past? Sabihin mo na para malinawan na ang lahat."
Nginitian lang niya ako at iniwan nalang ako nang basta basta sa park. Problema nun? Bakit parang mas may alam siya kay Jayson kesa sakin?
○●○●○●○●
"Matagal na tinatagong anak ni famous director, Wesley Reid, na si Kendall Reid ay balik sa Pilipinas kasama ang kanyang ina na si Dalia Reid. Napag-alaman na mag-aaral siya dito. Di namin alam ang buong detalye ng kanyang pagpalit ng desisyon. Ang sabi-"
*Click*
Pinatay ko yung tv . Asar na asar na ako. "Buset! Buset! Puro pagmumukha niya! Eh artista ka na teh! Ikaw na ang gwapo! "
*Rriiiing!*
Sinagot ko yung cp ko.
"Ano bang kailangan mo at nakikisabay ka sa pagsesenti ko!" Biglang sigaw ko sa caller. Ni hindi ko nga alam kung sino yung tumatawag.
"HOY BABAE!" At mas malakas pa ang boses niya sa akin. "Kanina pa kami dito sa airport! Di mo man lang kami susunduin!" Sabi ng baliw na to. I mean sigaw niya pala na parang lalamunin na ako.
"Elo Kenny Rogers!" May nagsalita naman sa background.
I recognize that voice. Siya lang ang tumatawag sakin non at halata naman na maiirita ka. Ikaw ba naman tawagin na restaurant?!
"AARGH! Ba't ka pa nakisabay?!"
Binaba ko na yung tawag tapos lumabas na ng bahay para sunduin yung mga lehugas na yun.
BINABASA MO ANG
I Don't Believe in Love
Fiksi RemajaMan-hater. Yan si Kennedy Jimenez. Galit na galit siya sa mga lalaki. Ayaw niyang masktan. Pero hindi naman maiwasang mahulog sa isang tao diba? Sino kaya ang magpapalambot sa puso niya?