Chapter 24

195 7 3
                                    

Eto na yung side ni Jayson! ^^

○●○●○●○●

Chapter 24

Jayson's POV

Shet! Katatapos lang ng school intrams at bukas, school festival nanaman and I can't sleep!

Timecheck. 6:30.

Whadapak! Umaga na pala!

Dali-dali akong pumunta sa banyo para maligo. Nagdamit na rin ako at lumabas na ng bahay para sumakay ng jeep.

~~~

Pagkarating ko, maraming stand ang nakapalibot sa school. Maraming studyante ang nagbebenta ng mga kung ano-ano. May horror house, may wedding booth at marami pang iba.

Ang baduy naman. May pa-school festival pang nalalaman yung school na to.

Kaming 3rd year HS ay hinati sa dalawa. Yung isang group gagawa ng wedding booth, yung isa naman maid cafe at kami yung minalas na gumawa ng maid cafe.

Kaya ayun. Nakadamit kami na parang nasa anime na nasa maid cafe. Ako naman ay isang hamak na waiter.

Kaya napaaga ako kasi ako yung pinapaready dun sa cafe namin. Hindi kasi ako tumulong.

I was busy with Ayiesha. Pinupuntahan ko siya palagi nung nagpapractice siya para sa school intrams. Turns out hindi sila yung nanalo.

Kami yung nanalo and Kennedy took the last score.

"Uy Jays!" Sinalubong ako ni Brandon. Nakasuot siya ng butler outfit.

"Himala! Ang aga mo ah!" Sigaw ni Harold. Si Harold naman nakasuot na parang chef. Magaling kasi magbake tong lalaki kaya siya yung chef.

"Che! Palibhasa malapit bahay niyo sa school!" Tumawa lang sila.

"Galing talaga natin! Nanalo na nga tayo sa volleyball, nanalo pa tayo sa basketball! Galing ko talaga!"

"Psh. Kung ako sumali sa team niyo, nganga ka sakin." Singit ni Harold.

"Aish! Tumahimik na nga kayo at ayusin na natin yung maid cafe." Inis na bulyaw ko sa kanila.

"Oo nga! Let's do dis!"

"Uy Jays. Congrats pala." Sabi ni Harold.

"San?" Kunot noo kong tinanong.

"Ang galing talaga ng ex mo. Yang kasing girlfriend mo tatanga tanga. Haha." Tumakbo siya kaagad. Alam niya kasing babatukan ko siya. Tawaging tanga ba naman gf ko?

Pumunta na kami sa room kung saan yung cafe namin. Niready na namin yung mga upuan at yung room kung saan gagawin yung mga pagkain.

Nagsidatingan na rin yung ibang kagrupo namin. Nakaready na rin sila.

"Okay na nga kako yan! Hay nako Kennedy wag ka ngang maarte!" Narinig ko yung boses ni Marian.

"Eeeh ang iksi! May tuwalya ka ba dyan?"

"Sambunutan kita! Magdadala ba ako ng tuwalya sa school? Ano ako maliligo?"

Napaangat ako ng tingin. Kagrupo pala namin si Kennedy.

Everyone stared at her in silence.

She's beautiful. Ang kyut niya sa maid outift na yan. Ang laki ng pinagbago niya.

"Bro, karma oh." Bulong sakin ni Harold.

Yep. Tama siya. Ang bilis nga naman ng karma.

~~~

"Jayson! Yung order ng table number 8!"

"Jays! Asan na yung blueberry cake!"

"Jayson yung iced tea!"

Argh!! Ang raming order! Ako lang yung nagdadala ng mga pagkain sa table. Yung iba kasing waiter namin ewan kung saang lupalop napunta!

Maraming customer. Oo dapat masaya ako na mabenta kami pero ang raming trabaho!

"Jusmiyo Jayson! Natataranta ka na dyan!"

Napalingon ako. Si Kennedy.

"Ah eh kasii..." I was out of words.

"Tulungan nga kita dyan! Di tayo makakabenta neto!" Kinuha niya sa akin yung tray.

Isn't it weird? Yung taong sinaktan siya ay tinutulungan niya? Maybe she was just kind enough to help me.

"Ang ganda mo ngayon." I complemented. Hindi siya umimik kundi kinuha niya lang yung mga pagkain.

"Kenny, I'm sorry." Tinalikuran na niya ako at dinala na yung mga pagkain sa mga tables.

~~~

Hay. Nakahinga narin ako ng maluwang. Natapos na rin yung araw namin.

"Wooh! Ang galing talaga ng Fourge!" Sigaw ni Brandon.

"Che! Hindi lang kayo yung gumawa no! Eto ngang si Jayson hindi nakatulong!" Sumbat naman ng isang kaklase namin.

"Okay. Sorry. Sorry kung yung ibang kagrupo natin ay absent at hindi tumulong sa pagdadala ng mga pagkain!"

"Oo nga. Nag-absent pa kasi sila eh iilan lang naman tayo."

"Okay lang. Tumulong naman si Kennedy." Singit ni Marian.

Lahat napatingin kay Kennedy.

Okay. Awkward.

"Ehem ehem." Bwiset tong Harold! Mas lalong nag-awkward tuloy!

"What? Ano is de problem?" Sabi ni Kennedy.

"Chill na ba kayo?" Out of the blue na tanong nung kaklase namin. I suddenly feel guilty.

"I'm okay. Okay na din naman so Jayson."

"Yeah. Okay naman kami ni Ayiesha." It sounded like pinapatama ko siya.

Tumango lang siya. Right on que, dumating si Ayiesha.

"Jay! May concert sa baba. Nood tayo?" Aya niya sa akin.

"Tara."

Before I could leave, I glanced once again kay Kennedy. Nakayuko siya at napakuyom kamay niya. Naapektuhan parin siya...

At wala akong magawa kundi tignan lang siya na nasasaktan.

I Don't Believe in LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon