Chapter 19

221 4 0
                                    

After the long wait, he finally came back. My waiting is probably worth it.

Char! Drama teh. Hahaha! But seriously, sorry for the long wait! Chapter 19 kumakaway! Hihi! (^_^)/

PAALALA: MAY DRAMA ANG CHAPTER NA ITO. MEDYO OA, MEDYO BADUY. :)

~~~

Chapter 19

"Ate pleeeeease!" Patuloy ko pa ring kinakatok yung pintuan ni ate. Malapit na yatang masira to dahil sa malalakas kong katok. Hehe.

"Eh?! Palibhasa hindi ka bumibili ng sayo!" Sigaw naman niya sa loob.

Ginulo ko buhok ko nang dahil sa inis. Kanina pa ako ritong nagmamakaawa sa kanya na pahiramin ako ng dress.

Buong magdamag di ako nakatulog nang dahil lang sa lesheng date na yan. Buti nalang di ako nagka-eyebags o pimples.

Hindi na ako kumatok. Nakakapagod din no. Nagdadamage na yung precious kamay ko dahil sa kakakatok. "Yeesh! Manghihiram lang eh. Ngayon nga lang ako magde-dress eh."

Pabalik na sana ako sa kwarto ko nang marinig kong bumukas yung pinto ni ate. "Oo nga no? First time mag-dress ang isang tomboy na katulad mo kaya dapat i-celebrate natin yan."

Sinamaan ko siya ng tingin. At talagang tinawag pa akong tomboy? Porke hindi nagde-dress tomboy agad? Kung sambunutan kaya kita?

Hinila niya ako sa kwarto sabay palakpak nang makapasok na kami. "Hindi lang kita pahihiramin, bibigyan pa kita!"

○●○●○●○●

Enebeyen! Parang feeling ko anytime mahahanginan yung palda na to. Masyadong maikli!

"Ate! Prostitute ka ba na gantio kaiksi yung nga damit mo!" Pilit kong binababa yung skirt.

Bintaukan naman ako ni ate. "Hoy. Maii-stretch yan. Dinadamage mo pa at hindi ako prostitute no! Batukan kita diyan! Palibhasa tomboy ka kaya hindi ka sanay!"

Sumimangot lang ako. Kainis. Tomboy na kung tomboy. Taga-bukid na kung taga-bukid. Pers taym eh! "Eh! Wala ka na bang iba?"

"Yan na yung pinakamaganda sa mga damit ko. Pasalamat ka at hindi ko pa yan ginamit. Ganun ka-special ang araw mo ngayon!"

"Che!"

"Tignan mo nga muna ang sarili mo. Sabat ka nang sabat. Yan nga yung pinakamagandang dress ko."

Tumingin ako sa salamin. Maganda nga. Bagay na bagay sa akin yung kulay at design ng damit.

Sige na nga. Paminsan lang naman to at para narin maganda ako sa paningin ni Jayson. Eew. Paningin ni Jayson? Ang baduy.

Second date, here I come!

○●○●○●○●

My gad. First time kong kabahan ng todo. Ang hirap huminga tapos ang sama ng pakiramdam ko. Pinagpapawisan ako kahit malamig ang panahon ngayon. Parang anytime mahihimatay ako. OA na kung OA eh sa kinakabahan ako sa date!

Pano kung makita ako ni Jayson at tumakbo siya dahil ang panget ng suot ko? Pano kung girlaloush pala siya? Pano kung may sususlpot na gorilla? OA ko na masyado.

Parang nakita ko si Leila may kasamang lalaki. "Leila?" Bulong ko. At teka. Si Depris ba yung kasama niya?

Parang nag-uusap silang dalawa. Nagkakatuwaan sila at nagkukulitan. Naglalandian ba ang mga ito?

Umiling ako. Hindi pwede yun. Hindi yan magagawa ni Leila. Magagawa nga ba niya?

Lalapitan ko sana sila nang makita ko si Jayson sa coffee shop kung saan kami magkikita.

"Jays!" Sigaw ko. Di niya ako narinig. Parang may hinihintay siya. Ako naman talaga yung hinihintay niya! Ano ba tong pinag-iisip ko?!

Biglang sumulpot sa harapan ko si Harold at Brandon. Inakbayan ako ni Harold. "Let's go Kennedy."

Tinapik ko braso niya. "Anong let's go? Magdedate pa kami ni Jayson!"

Pilit niya akong nilalayo sa pinanggagalingan ni Jayson. "Ano ba!"

"Kennedy, huwag makulit. Tara na. Tayo nalang ang magdate." Nanlaki mata ko.

"Di ikaw ang gusto ko! Si Jayson!" Pinalo-palo ko yung chest niya. Nanananching lang. Hehe. Joke.

"Don't look." Hinawakan niya ulo ko at niyakap ako nang mahigpit. Nakatalikod siya kay Jayson. Anong don't look?

Nakita ko sa space ng braso ni Harold. Nakita ko si Jayson na may kahalik na maganda at sexing babae. Sino siya? Siya ba yung hinihintay ni Jayson at hindi ako?

Hinigpitan ni Harold yung yakap. Alam niya pala. Planado ba nila ito para saktan ako?

Nilakasan ko ang pagkawala sa yakap ni Harold at padabog na lumapit kay Jayson.

Di ko napansin na umiiyak na pala ako. Pinunasan ko ito. Ayokong ipakitang apektado ako pero huli na. Apektadong apektado ako dahil mahal ko si Jayson.

"Pano mo nagawa to sakin?!" Sigaw ko sa kanya.

"Bakit Kennedy? Wala ka naman talagang pakealam sa akin ah! Ayoko nang umasa! I'm tired of being pushed around! I'd rather go back to my past!" At siya pa ang galit. Aba tarantado pala to eh!

So yung babae ay yung ex niya? Ganun? Ganun lang kadali siyang balikan at ganun din akong kadaling palitan at kalimutan?

"Akala mo ikaw lang ang napapagod?! Ako rin naman ah?!"

Nakakakunot na ang noo niya. "Totoo naman diba? Di ka seryoso sa relasyong ito! Di mo ako mahal! Ikaw--"

Bigla ko siyang nasampal. Masyado na akong napuno sa pinagsasabi niya. Akala niya alam niya ang lahat. Akala niya hindi ako naapektuhan.

"Wala kang karapatang pagsabihan ako nang ganyan! Wala kang kaalam alam sa nararamdaman ko!" Nailabas ko na rin lahat.

Mas lumakas ang mga hikbi ko. "Akala ko pa naman ikaw na yung sinasabi nilang totoong magmamahal sa akin. Akala ko ikaw na yung para sa akin."

I fakely laughed. "Nakakatawa nga naman. Kung kelan nahulog na ako sayo saka mo naman akong sinaktan nang husto. Pinaglalaruan talaga ako ng tadhana."

Pumalakpak ako na parang nababaliw. Nakakabaliw nga ang saktan ka ng mahal mo. "Congratulations. Nakamit mo na ang matagal mo nang pinapangarap. Ang saktan ako, Prince Playboy. Well played."

"Kennedy, let's go." Hinila ako ni Harold. Nasampal ko rin siya ng di oras.

"At ang kapal din ng mukha mo! Talagang pinaglalaruan niyo lang ba ako?! Hindi na kayo nakakatuwa!"

"No, Ken I-"

"Oh shut the f*ck off." I cut him off. "You know what? I'm through with all this. Pare-pareho kayong lahat. I'm tired of all men's sh*t!"

Nagkaroon din ako nang lakas na magwalk-out. Bagong bukas to Kennedy. Sabi pa nila, learn from your mistakes. This'll make you a stronger and better person. And I am one of a hell a new stronger and better person.

~~~

I warned you didn't I? Nadala ba kayo sa galit ni Kennedy? Hehehe. ^^

I Don't Believe in LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon