.Chapter 30 (Special Chapter)

191 6 2
                                    

Hey. Hello. Hi. XD

Eto. Special chapter para kay Peaches. Gusto niya kasing may makatulyan siya kaya eto. Bitin effect sa dulo eh. XD

○●○●○●○●

Chapter 30 (Special Chapter)

Peaches

Napatingin ako sa bintana ng Starbucks. The wind is breezing calmly. There's a girl riding a bicycle, a guy talking on his phone , and a couple holding hands while waiting for a jeep.

Nakakalungkot naman.

It has been 5 days since umalis si Jayson. Hindi na namin siya pinigilan pati na rin ni Kennedy..

We thought na magkakaayos na sila nung pinuntahan siya ni Jayson. Hindi pala.

Well, nandito pa naman kami ni Audie sa Phil. Ginawa na naming bakasyon pagpunta dito tutal wala na si Jayson.

"Hey." A guy sat infront of me. "Layo ng iniisip mo ah."

Bumuntong hinga ako. "Yeah, Harold. Nakakalungkot lang these past few days."

Tumango siya. "Oo nga. Sayang plano natin no?"

"I know." Tumalikod sa view ko yung lalaking may kausap sa phone. Si Depris yun ah.

A woman, holding a kid beside her, came near him. Kinausap siya pero di ko marinig dahil sa glass. I'm suddenly felt curious in knowing who that woman is.

"Sino tinitignan mo?"

Nagising ako sa pagmumuni nang tawagin ako ni Harold. "S-sinong kasama ni Depris?"

Tumingin rin siya sa labas. "Ah. That's Debi. Kapatid niya. She was the reason nagkahiwalay sila ni Jennifer."

Napataas ako ng kilay. "Siya?"

He nodded. "Yep. Prinotektahan niya si Debi from her boyfriend but Jennifer thought of it the wrong way. Akala niya gf ni Depris si Debi at siya yung nakabuntis." Ngumisi si Harold.

"That's... unbelievable. Ganyan ba kababaw yung tingin ni Jennifer kay Depris?" I said bemused.

I know I felt deep inside na mabait na tao si Depris disregarding ang pagkasuplado niya.

"Sige, Peaches. May training pa kami sa field. Catch you later." I waved him goodbye as he exited the resto.

Maya-maya, pumasok din si Depris looking cool and cold at the same time. Gosh. Ang hot niya.

Napatingin siya sa gawi ko. Nag-order muna siya saka lumapit sakin.

Pagkaupo niya, tumingin siya sa bintana kung saan nakita ko kanina sila ng kaparid niya. "Nakita mo ako?"

"Uhh. Yes. Pero okay lang. I'm not gonna say anything about-"

"She needed me."

Nagulat ako. Is he trying to open up with me? I just didn't respond. Hinintay ko siyang magsalita.

"Pero Jayson needed me also. Ayiesha broke up with him. Pareho silang mahalaga sakin pero I can't choose."

"Siyempre maawa ka and the fact natrauma siya nung bata pa kami. Bumabalik ulit sa kanya ang mga sakit." Sumipsip muna siya ng kape.

"Then I called my sister. Sinagot niya, umiiyak. She was raped. Agad akong pumunta at binugbog yung lalaki na kasama niya nung gabing yun."

"She was my step sister kaya akala ng marami I was the one who raped her. Di nila alam na may ibang pamilya si dad pero he died then mom followed. They left me. Siya nalang ang pamilya ko."

I held his hand. Naiintindihan ko siya. "I'm so sorry. Nandito lang ako kung kailangan mo ako. Pwede mo akong kausapin."

Tinignan niya ako sa mga mata. "Yeah whatever." Bumalik nanaman ang pagkasuplado niya. Napangiti nalang ako. Parang kanina lang padrama-drama siya.

"Ngiti ngiti mo dyan?" Iritang bulyaw niya sakin.

"Wala lang. Grabe ka kasi makapag-moodswings."

Inirapan niya lang ako. Kita ko na nakangiti siya... ng konti. Konti lang naman. Alam niyo namang minsan ko lang makita tong ngumiti.

"Psh. Feeling ko tuloy parang si Jayson lang ako. Broken family na nga, broken hearted pa." Bumalik nanaman ang kadramahan niya. Malapit na akong mapatawa sa moodswing niya.

"Yan kasi. Ang landi." Bulong ko sabay inom ng kape.

"Hoy! Anong malandi ka dyan?"

Malapit na akong masamid. Pati ba naman yun narinig niya?! "Wala akong sinasabi ah!"

"Tss. Never akong nagka-girlfriend nung naghiwalay kami ni Jennifer. Si Jayson kamo yung malandi! Maraming syota yun!"

"Oy! Defensive! Halata na ah!" Parang nasa korte kami sa kakaprotesta. Nagtinginan tuloy lahat ng tao.

"Gaya rin ni Jayson, nahanap niya yung totoo niyang mahal." Dagdag pa niya.

Ouch ah. Parang may kumirot sa dibdib ko. "S-sino naman yan?"

"Nauutal. Halata na, Peaches ah." Sinundot niya yung tagiliran sabay taas-baba ng kilay. Ngayon lang siya naging mapaglaro ah.

"A-anong pinagsasabi mo?! Feeler much?!"

Biglang humagalpak sa tawa ang isang to. Yung tawa na as in tawang tawa siya sa sinabi ko. Sige nalang. Pagbigyan na natin. Atleast napasaya ko rin siya.

"Look me in the eyes." Utos niya. Sinunod ko naman. Biglang parang nagka-background music sa paligid. Ang ganda talaga ng nga mata niya. Kumikinang. Nakakainlove.

*Flick*

"ARAAY!" Napahawak ako sa noo ko.

"Hahahaha."

"That freaking hurts!"

Huminto siya sa pagtawa. "I hope you understood what my eyes said." At diretso na siyang lumabas.

Natulala ako. Ano daw? Di ko gets. I thought eyes were for seeing?

It's a figure of speech, Peaches.

Nasapok ko bigla yung sarili ko.

His eyes.

Kita ko ang lungkot, happiness, sincerity, halo-halong moods.

Mixed emotions.

Is it love that I saw?

Ako ba yung binabanggit niya?

I hurriedly held my bagstrap at hinabol siya. "W-wait! Depris!"

○●○●○●○●

Boto ba kayo kay Harold and Peaches o Depris and Peaches? :D

I Don't Believe in LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon