Chapter 8
"Get your books and go to page 143 and answer all." Sabi ni mam at siya naman naka-laptop lang. Ang sarap talaga ng buhay niya.
"Elo babes. Huwag mo na akong iiwan tulad nung dati ah. Alam mo naman na kumirot yung puso ko nung palayo ka na." Bulong naman ni Jayson sakin.
Kunot noong tinignan siya. "Hoy. Iwasan mo na akong tawagan babes ha. May dalawang araw ka nalang at matatapos din ang pagiging impyerno ng buhay ko."
"Hmph. Sa tingin ko mae-extend yata yung offer ko."
May tupak din to.Sira ulo. Ilang araw ako naghirap bumili ng pagkain niya. Gamit ang pera ko at dahil dun nabawasan allowance ko.
Ilang araw din akong naghirap mag-akyat baba ng mga kagamitan ng leche na yun. At ie-extend niya yung paghihirap ko?! Ano siya?! Boss ko?!
"At bakit naman mae-extend aber? May kontrata tayo at yun matatapos na ang kabuyset an ng buhay ko after 2 days!" Sigaw ko na halata naman na napansin ni mam.
"Kennedy, shut your mouth."
"Sori po mam."
Tinignan ko si Jayson ng masama. Nag-answer na ako.
"Let's say there's a teeny tiny problem that you will have." Sabi niya.
"Psh. Bahala ka sa sasabihin mo basta mae-expire na ang kontrata mo."
"Good morning everyone." Biglang may pumasok sa classroom namin.
Napatayo yung teacher namin.
"Speak of the devil." Bulong ni Jayson sakin.
"Everyone, meet Mrs. Heidi Villaramos, the owner of the school you're entering." Pinakilala siya samin ni mam.
Yep. Speak of the devil nga. Nag-smirk si Jayson. Buyset ka talaga kahit kelan! Mukhang matatagalan tong pagtatrabaho ko! Sana hindi nalang ako pumsasok dito!
○●○●○●○●
Napahilamos ako ng mukha.
Pakshet naman oh! Kung kelan gagaan na pamumhay ko!
"Huy Ken, Ba't parang nasaniban ka diyan?"
"Argh!"
"Huy." Kinalubit ako ni Leila.
"Kasi-"
Biglang nagtilian yung mga babae. Hay. Araw araw na lang to. Kada daan nila ganun palagi. Nakakasawa na. Takte.
"Get out of my way." Hinablot kaagad ako ni Harold. Pinagsamaan ako ng tingin ng mga babae.
Sikat na pala ako sa buong campus. Pinag-uusapan na ako. Nagtataka sila nung dahil samin ni Jayson. Malandi daw ako. Bitch. Slut. Haysz. Sanay na po akong tawagan niyan.
"Hay naku. Pwede naman tawagin nalang sa cellphone. Kailangan pang mag-make a scene. Psh." Inis kong sinabi sa kanya.
Nakatawa lang si Brandon. Sira ulo din yata. Dinala niya ako sa garden.
"We have a surprise for you."
Wew. May table for two. Maraming rosas sa gilid.
"Ano nanamang pakulo to? Sabihin niyo nalang na nagpapabili kayo ng pagkain. Hay jusmiyo. Pinapamukha niyo naman sakin iyang date date niyo."
Maya maya ay nagpakita na si Jayson na may dalang boquet of roses. Naglakad siya papalapit sakin. Nag-roll eyes lang ako.
"Sabi ko pa nga ba. Ano? Ano kailangan mo?"
Ngumiti siya. "Kennedy Jimenez, I really had the best week of my life and I just learned that I wanted to spend more of the weeks with you." Sabay abot nung boquet.
Kaloka teh. Alam ko naman na pakulo niya lang to dahil mae-extend yung pagiging yaya ko.
Napahilamos ako ng mukha. "Kung minalas nga naman ako! Palibhasa pinae-extend mo yung pagiging yaya ko para lang may mautusan ka." Pasigaw ko at inis na inis na po ako.
Tinignan niya lang ako. Pansin ko na puno ng sincerity yung mga mata niya. Wait wait lang. ANONG SINABI KO?!
"Yun nga yung iniisip ko nung una. Pero patagal ng patagal parang lalo akong nao-obsessed sayo."
"Obsessed." Ulit ko. "Past tense po yun."
"Ano ba. Nagjojoke ka pa talaga sa oras na to? Okay okay. I admit parang may spark na sayo. Parang ewan. Nagkakagulo yung isip ko. Ewan ko nga panu namin to na-set up. Basta biglang nadikit ka na sa utak ko then..."
"BOOM!" Gulat naman ako teh. "Ikaw na. Ikaw na yung hinahanap ko at gustong makasama."
Tinitigan ko lang siya. Totoo ba to? Maniniwala ba ako sa kanya?
○●○●○●○●
Yep. Tagal ng update.
Ano sa tingin niyo? Sasagutin na ba ni Ken si Jayson? Kung aabagay di naman siya tinatanong hahaha!
I hope the update's worth a wait pohw! :3
![](https://img.wattpad.com/cover/9571396-288-k902706.jpg)
BINABASA MO ANG
I Don't Believe in Love
Teen FictionMan-hater. Yan si Kennedy Jimenez. Galit na galit siya sa mga lalaki. Ayaw niyang masktan. Pero hindi naman maiwasang mahulog sa isang tao diba? Sino kaya ang magpapalambot sa puso niya?