Chapter 17
"Hahaha. Tapos naalala ko pa nun tinulak ko si Jaco sa swimming pool." Tawa ako nang tawa nang maalala ko yung mga nakaraan namin.
Sumimangot si Jaco. "Malapit na akong mamatay nun! Sama mo talaga."
Tumawa rin sila Ian, Jennifer at Marian. Lunch na at bumisita sila sa school para daw makita si Marian at ako. Ang saya talaga ng barkada namin.
"Naalala ko naman yung umiyak ka nun kasi hindi ka sinusulpot ni Ian. Tapos sinet-up ka namin ni Jen. Iyak ka parin ng iyak ng makita mo si Ian.
Hindi ka tumigil sa pag-iyak kaya kiniss ka nun ni Ian." Tumawa naman si Jaco sa sinabi niya.
Walang umimik sa amin. Na-awkward tuloy ako. Sa pisngi lang naman yun eh. Sobrang kilig ko nung moment na yun pero gumuho ang lahat ng sabihin yun sa akin ni Ian....
"Ang kulit mo naman. Oh diba? Tumahan ka? Ganun din ginawa ko kay Michelle. Na-shock pa nga siya. Sorry di na kita sinasamahan." Ginulo niya yung buhok ko.
"I was taking my time para mapahanga ko naman si Michelle. Diba naalala mo yung babae na palagi kong sinasabi sayo? I want to court her, Kenny Rogers." Nakangiti siya habang nagkukwento siya.
Nakatunganga lang ako. Akala ko ba naman totoong kiss na yun. Pero friendly kiss lang pala.
I don't want to ruin his happiness. Para na rin to sa friendship namin. I need to accept it.
Ngumiti ako nang malapad. "Wow! Swerte naman niya! Sigurado akong sasagutin ka nun!" Sana hindi niya mahalata.
Tinignan niya ako nang malungkot. "Kenny Rogers, sorry talaga. I'm sorry for hurting your feelings. I'm so sorry.. I just.."
I cried still smiling. "Ano ka ba. Okay lang yan. Mawawala din to."
Ngumiti siya at niyakap ako ng mahigpit. "Hayaan mo. Liligawan kita kung di niya ako sagutin."
I finally came back to reality nang tinapik ako ni Marian. "Hoy. Masyado namang matagal iyang pag-flashback mo."
"Tss." Sinubo ko yung huling pagkain ko.
"Ang torpe mo kasi Ian! Ligawan mo na si Kennedy! Diba sabi mo break na sila! Ikaw naman Kennedy, andito na si Ian oh! Sagutin mo na!" Sulpot pa ng donut na tong Jaco.
"Che! Marinig ka pa ng mga tao dito." Pagsaway ko sa kanya.
Nag-roll eyes lang si Jennifer. "Nga pala, si Leila?"
Ngumiwi si Marian. "Ew. Nang marinig ko lang pangalan niya nasusuka ako." OA naman nito. Hahaha.
"Kayo lang muna mag-usap. Kunin ko lang yung assignment ko sa locker." Tumayo na ako.
"Samahan na kita Kenny Rogers." Masayang inakbayan ako ni Ian. Problema nito?
Naglalakad na kami papunta sa locker
Ang awkward naman nire. Tanging hakbang lang namin ang naririnig ko.
Binuksan ko yung locker at kinuha yung notebook ko nang magsalita si Ian habang kinakamot yung batok niya. "Ken may sasabihin sana ako. Yung tungkol kanina."
Napaisip ako. "Ah yun. Kalimutan mo na yun. The past is in the past sabi pa ni Elsa." Biro ko.
○●○●○●○●
Ian's POV
I tried to laugh at her joke but I think she noticed so I just continued. "Break na kayo ni Jayson right?" I asked and assuming her answer is yes.
"Oo." Simpleng sabi niya na ikinatuwa ko deep inside.
May sasabihin sana ako pero inunahan niya ako. "Pero alam mo, nagbago na siya. Sincere na siya sa akin. Si Michelle nga pala. Sinagot ka ba?"
Nakayuko lang ako. "Nah. She didn't."
"Hayaan mo. Marami pa ang nandyan." She joked. This girl never stops joking around.
I wanted to tell her na pwede ko na siyang ligawan kasi di ako sinagot ni Michelle gaya ng sinabi ko nung una. But I changed my mind.
"Mahal mo ba si Jayson?" Was the question I want to ask.
Nag-isip muna siya. "Parang ganun na nga. Ngayon ko lang napansin kung gano siya kagwapo. Haha. Napansin ko na seryoso pala siya sa akin."
Wala na. Wala na pala akong pag-asa.
"I was just blinded by my hatred. Masyado kasi akong man-hater. Ikaw kasi. Kaya ako nagkaganito kasi sinaktan mo ako. Ang sama sama mo. Haha." Tinapik niya ako sa braso.
I just fake laughed. I never wanted to hurt you Kennedy.
"Pero kalimutan mo na yun. Nawala na yung crush ko sayo kahit awkward parin. Hahaha."
Yumuko siya at bumulong sa sarili. "Mahal ko na siya."
That's when I got tongue-tied. I'd rather not tell her. This is for the sake of our friendship at para hindi na malito si Kennedy. I'll let this pass.
I just looked at her while we are walking.
Bakit ngayon ko lang napansin? Bakit ngayon ko lang naisipan tong nararamdaman ko? Bakit kung kelan handa na akong magtapat saka naman may mahal na siyang iba?
Akala ko talaga wala na sila pero yun pala yung time na minahal siya ni Kennedy.
Actually, the reason we went back here is because I finally made up my mind. Mahal ko na si Kennedy.
Not because hindi ako sinagot ni Michelle, but because totoo na ang nararamdaman ko kay Kennedy. She was the one who was always beside me.
Yung totoo nga eh hindi ko pinatuloy ligawan si Michelle kasi ayaw kong magkulang ng oras kay Kennedy. Gusto ko kay Kennedy lang mapupunta ang mga oras ko.
I told everything to Jen and Jaco.
They understood my feelings and that's the time we went back here to tell her what I truly feel. But I was too late. I was too comfortable na wala pa namang manliligaw sa kanya.
I guess this will just remain as a lesson for me.
"Mahal kita Kennedy." I whispered as she was walking away from me.
Napaligon siya sa akin. "Ha?"
Umiling lang ako. "Wala." At sinabayan ko na siyang maglakad. Hinawakan ko kamay niya na ikinabigla niya pero hinayaan niya nalang.
This'll be the last.
○●○●○●○●
Hey hey hey. Late update nanaman. Nakakaumay. Hehe. Sorry. ^^ Pramis mag-uupdate ulit ako nang maaga.
BINABASA MO ANG
I Don't Believe in Love
Roman pour AdolescentsMan-hater. Yan si Kennedy Jimenez. Galit na galit siya sa mga lalaki. Ayaw niyang masktan. Pero hindi naman maiwasang mahulog sa isang tao diba? Sino kaya ang magpapalambot sa puso niya?