Sorry talaga tagal ng update. Busy kasii. (Weh? XD) Anyways, eto na yung chapter 27. ^^
○●○●○●○●
Chapter 27
Kennedy's POV
*Ding dong*
Napatayo ako sa tunog ng doorbell. Kaistorbo naman nito. Etong nanonood ako ng drama saka siyang mang-iistorbo.
Binuksan ko yung gate. Bumungad sa akin si kuya Luke na ayos na ayos at pormal ang suot. Ang gwapo gwapo nga niya eh. May dala pa siyang roses.
"Oh? Anong kailangan ng isang prinsipe sa aming pamamahay at napakagwapo niya ngayon?" Exaherada kong sinabi sa kanya.
Ngumiti siya sa akin. "Umm. Little sister, kasiii." Napakamot siya sa ulo.
Napakunot tuloy ako ng noo. "Ba't parang naiilang ka dyan?"
"N-nanliligaw ako."
Biglang nanlaki ang aking eyes. Nanliligaw siya sa akin? Really? This is so good to be true?! De joke. Hahaha XD
"Ako? Nanliligaw ka sa akin?"
Binatukan ba naman ako. "Che. Magtino ka nga dyan. Yung ate mo. Andyan ba siya?"
Okay. Medyo nadisappoint ako. Joke nga lang! Ano ba kayo! "Sa loob. Time mo na ituu!"
Hinila ko siya papasok at dinala kung saan si ate.
Nang marating namin si ate, tinulak ko siya. "Gora na!"
Dahan dahang lumapit si kuya Luke at kinalubit si ate. "Uh, Keira. Para sayo."
Lumingon si ate. "Oh Luke. Naparito ka?"
Iniwan ko na sila. Kailangan nila ng privacy. Baka lang mainggit ako sa kanila kahit inggit naman talaga ako.
"KEIRA! HALIKA DI--" Biglang tinakpan ko yung bibig ni mama.
"Shhh. Mama kasi. Nanliligaw si kuya Luke. Bigyan mo sila ng time."
"Talaga? Si Luke? Right about time! Sabi ko na nga may pagtingin yun sa ate mo."
"Yeah." Napatingin uli ako sa kanila. Ang saya naman. Kelan kaya may manliligaw sa akin na ganun?
~~~
"Sorry umalis ako sa resto. I just can't take it." Sumipsip si Jennifer ng kape.
"Psh. Okay lang yun! Tinirahan ko kaya siya nang umalis ka!" Sabi ko.
Tumawa siya sa akin. "Yung nakilala ko sa New York? Kinausap ako sa Skype noong nakaraang araw."
"Talaga?" Mas lumapit ako sa kanya. "Kwento ka dalii. Gwapo ba?"
"Siyempre. Brittish accent pa! Aantayin niya daw ako dun. Mahal niya daw ako." Nagblush pa siya.
"Kilig naman!" Pagpalakpak ko.
"Anyways," Nawala kaagad yung saya niya kanina at tinarayan ako. "Si Ian kagabi lasing na lasing galing sa bar. Sinusumbat pangalan mo. Anyare sa inyo?"
Si Ian naglasing? Dahil ba sakin? "Okay na ba siya ngayon?"
"Oo. Don't change the topic. Now. Tell. Me. What. Happened." Inisa-isa niya pa.
Napabuntong hininga nalang ako. Nakakahigh blood naman ito. "Ano kasi si Ian. Hinalikan ako."
"So nagtapat na nga siya." Sumandal siya sa upuan niya.
"Anong nagtapat?"
Nag-roll eyes siya. "Kennedy, di ba obvious? Umuwi kami para sayo. Ian likes you. Alam mo bang baliw na baliw na yun sa London kasi miss na miss ka na niya."
Tumawa ako. "Hahahaha. Matawa ka nga dyan. Si Ian? Magkagusto sa akin? Weh? Hahaha."
"Kennedy, stop being so dense." Diretsong sabi ni Jen.
Napatigil ako. Ikalawa ko nang narinig yan. Ganun din yung naramdaman ni Jayson so ikatlo na yata. Ganun ba talaga ako?
"Oo lagi kang inaasar ni Ian pero can't you see? Nagpapapansin siya. He likes you nung una pa. Hindi niya niligawan si Michelle dahil sayo."
Magpoprotesta sana ako ng biglang nagring yung celpon ko.
*Jayson mamatay na sana panget poreber calling*
Sige ako na yung bitter dahil sa pangalan niya sa phone ko.
"Teka sagutin ko lang to." Tugon ko at lumabas para sagutin yung tawag.
Tumingin ako uli at huminga ng malalim saka ko sinagot yung tawag.
"H-hello?" At talagang nautal pa ako.
"Mag-usap tayo sa Monday. Gusto kong ma-closure ang lahat na to." Diba ako dapat yung nagsasabi nun? Diba ako dapat yung nanghihingi ng closure?
"Sige. Sa garden nalang." Ibaba ko na sana nang..
"Ken I miss you." Siya na ang bumaba.
Napatunganga tuloy ako. Ano ba Jayson? Nakakabobo kang mahalin alam mo? Di kita maintindihan. Ayoko na. Nakakapagod na.
Napatingala nalang ako sa langit.
"Bakit Kennedy? Wala ka naman talagang pakealam sa akin ah! Ayoko nang umasa! I'm tired of being pushed around! I'd rather go back to my past!"
"Sayo ko dinedicate yung kanta! Ikaw si Ms. Masungit! Ikaw yung matagal ko nang iniisip! God, Kennedy! Don't be so dense! "
"Kennedy, stop being so dense."
Masama bang maging protective sa nararamdaman ko? Ayoko lang naman umasa. Masama ba yun?
Masakit pag ang bait bait at ang sweet ng tao sayo at iisipin mo na may gusto siya sayo tapos hindi pala. Umasa ka lang sa kawalan.
Ginagamit ka lang nila dahil wala silang magawa sa buhay. Pinagtitripan lang yung nararamdaman mo.
*Boogsh!*
Pakshet to! Langya ang sakit! Etong nagsesenti ako tinamaan pa ako ng sapatos!
"Yung sapatos po para sa paa! Hindi sa mukha kong kay ganda!" Bulyaw ko sa babaeng bumato sakin.
"I'm so sorry." Sabay kuha nung sapatos.
Ah. Kaya pala. Bruhilda pala yung nambabato ng mamahaling sapatos.
"Nanadya ka ah! Ikaw kaya batuhin ko! Kala mo masarap yung feeling!"
Isinuot niya yung 5-inch heels niya na sana madapa siya mamaya. "Oh well. Akala ko kasi sahig yung mukha mo."
Lahat ng dugo ko nagsiakyat sa mukha ko. Sigurado akong pulang pula na ako sa kagag*han ng bruha na to.
"Okay that's it." Sinambunutan ko siya at hinagis.
"Sumosobra ka na ah! Nasayo na nga si Jayson, nanadya ka pa!"
Titirahin ko pa sana pero narinig ko ang hikbi niya. Biglang napalitan yung galit ko sa awa.
"Bakit mo siya inagaw sakin?! Anong ginawa mo sa kanya!"
Teka nga. Wow ah. Siya pa yung galit. Ako daw yung nang agaw. Sambunutan ko kaya uli to.
Nakakuyom yung kamay niya sa mukha. "Ginawa ko lahat. Nagpaganda ako, lahat lahat. Sino ka ba talaga sa kanya at nagkaganun siya!"
"A-anong sinasabi mo?"
"Akala ko ako yung dahilan kaya siya naglasing kagabi. Pero ikaw! Pangalan mo parin yung lumalabas sa bibig niya!"
Tumayo siya at inayos yung sarili niya. Humarap uli siya sa akin. "Pero di ako magpapatalo. Alam kong deep inside mahal parin ako ni Jayson."
Naglakad na siya palayo. Ibig sabihin mahal parin ako ni Jayson? Pero bakit naging sila kung mahal niya parin ako?
BINABASA MO ANG
I Don't Believe in Love
Novela JuvenilMan-hater. Yan si Kennedy Jimenez. Galit na galit siya sa mga lalaki. Ayaw niyang masktan. Pero hindi naman maiwasang mahulog sa isang tao diba? Sino kaya ang magpapalambot sa puso niya?