Chapter 22

186 6 0
                                    

Chapter 22

"Huy Kennedy." *Poke*

"Keeeen." *Poke.*

"Kennedyyyy." *Poke Poke Poke*

Enebeyen! T_T Naalala ko tuloy nung magpartner kami ni Jayson sa Values at poke ng poke siya sa akin.

"Ano?" Inis na sabi ko kay Marian.

"Sorry sa nangyari sayo. Kalat na sa buong school na break na daw kayo ni Jayson."

May namumuo nanamang luha sa mga mata ko. Marami talagang chismosa dito kaya kumalat na yung usapan.

"So?" I bursted out of the place. Di ko na kaya. Akala ko ba magiging matatag na ako? Bat apektado parin ako sa nangyari?

At minalas nga naman. May nabangga akong lalaki. "Sorry." Sabi ko sabay tingin. Guess who? Tingdingding! Si Jayson kasama yung Fourge.

"Sorry din." Sabi niya na may malamig na tono at diretso silang naglakad.

Di niya man lang napansin yung hitsura ko? Di man lang siya apektado sa nangyari? Napakamanhid talaga!

Bago pa sila makalayo, sinigawan ko siya. "Napakamanhid mo! Tignan mo lang, I will make you suffer! Mararamdaman mo rin yung nararamdaman ko!"

Huminga ako ng malalim at tinalikuran sila.

~~~

School Intrams at School Festival. Malapit na ang araw na yun. Wednesday hanggang Friday ang event so ibig sabihin I have 2 days to prepare. Kasali kasi ako sa volleyball team.

Napangalumababa ako dito sa classroom. Mga studyante ngayon busy para sa School Festival kaya hindi masyadong seryoso yung mga klase.

After nung 'kissing scene' namin ni Ian, umalis kaagad ako ng maaga. Ni hindi ko na siya kinausap pagkatapos nun.

Pero bakit niya ako hinalikan? Bakit ba ako pinaglalaruan ng mga lalaki? 

Biglang may kumatok sa pintuan ng classroom. Napatingin ako.

"Ano kailangan mo? Nawawala ka ata." Sabi ko sa mataray na tono.

Inayos-ayos pa niya yung curly hair niya. Sarap sambunutan tong rambutan! "Oh well. Hinahanap ko lang naman si Jayson. Seen him anywhere?"

"Nasa pwet ko nagkakape."

Tumawa pa siya. "What a loser. Do you know sarcasm is the lowest form of wit? No wonder ayaw na sayo ni Jayson."

"Aba. Hoy englishera! Yung lowest form of wit eh yung pang-aagaw mo! You don't know where your limitation is!"

Nag-roll eyes lang siya. Aba tusukin ko kayang mga mata mong punong-puno ng eyeshade! "I didn't steal him. Siya mismo yung lumapit sa akin."

"Kung sabagay. Give your used trash to someone less fortunate. On second thought, to someone like a slut like you!"

Sinampal ba naman ako! Kala mo ah! Mas malakas ako sayo! Lagi kong kinakalaban si ate! Sinusuntok ko pa nga yun!

Sinambunutan ko siya ng malakas. "Ouch!" Sigaw niya.

"Buti nga sayo!"

Sasampalin ko na sana siya ng may  pumigil sa kamay ko.

"Stop it." Sabi ni Jayson tapos inalalayan niya yung slut na yun.

Hindi ako iiyak. Hindi nga. Hindi ako naapektuhan. Hindi nga!

May tumulong luha sa mata ko pero pinigilan ko ito at ngumiti. "Haay. San mo kaya napulot yang basura, Jayson? Sa junkshop?"

"I SAID STOP IT! RESPETO NAMAN, KENNEDY!"

Wow. That's the first time he shouted at minsan ko lang marinig ang buong first name ko sa kanya.

"Respeto? Bakit, Jayson? Binigyan mo ako nun? Diba wala? Diba pinaasa mo lang ako? Diba pinagmukha mo akong tanga nun?"

"Kennedy, move on na! Uso yun!" Lumabas na sila ng room.

Naninikip dibdib ko. Napakuyumos mga kamay ko. Wag na nga yan. Kapagod na umiyak. Malakas naman ako. Kaya ko to.

Maraming tao ang mas malala ang problema kesa sakin tapos iiyak lang ako? No way. He's not worth it.

I Don't Believe in LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon