24;

193 14 7
                                    


wendy's

Malamig na simoy ng hangin. Mamimiss ko ang Pilipinas.

Mamimiss ko sila. Lalo na siya.

"Bilisan mo! Ang drama nito oh!" Sigaw sa akin ng pinsa kong si Chanyeol.

Kahit kailan talaga ang sungit! Kinuha ko ang maleta ko mula sa kamay niya at tumakbo palayo.

"Salamat sa paghatid!! Mag-iingat kayo, mamimiss ko kayo!" Ngumiti lang ang loko at kumaway sa akin.

Tumalikod na ako at pumasok na ng airport.

Pagkapasok ko ay naramdaman ko na ang takot.

Babalik pa kaya ako? Ang dami kong hindi magandang nagawa sakanila.

Hindi man lang ako nagpaalam, pero atleast hindi na nila makikita yung sinungaling nilang kaibigan diba?

Pinagsisihan ko lahat ng ginawa ko. Tama naman si Vinz, loving me would be a mistake. A big mistake.

Sana sa pag punta ko sa Canada ay makalimutan na nila ako.

Kung hindi na ako babalik, sana maging masaya na sila sa buhay nila.

Kung babalik naman ako, sana hindi ko na ulitin ang mga ginawa ko ngayon at sana pagbalik ko.

Masaya na sila at siya.

Kinuha ko ang bagahe ko pagkatapos icheck. Dumiretso ako sa eroplano na sasakyan ko at sumakay na.

Umupo ako sa seat number ko at binuksan ang gallery sa phone ko.

Mga picture nila Vinz at ng barkada.
Mamimiss ko silang lahat.

Yung kakulitan ni Hoseok at Joy.
Yung katalinuhan ni Namjoon at Yoongi.
Yung kagandahan ni Irene at Yeri.
Yung kalandian nila Jimin, Jungkook at Seokjin.
Yung karisma at sayaw ni Seulgi.

Lahat yun mamimiss ko, lalo na si Vinz. Mamimiss ko yung pagtawag niya ng 'babe' sa akin.

Siguro kabayaran na din to sa mga nagawa ko, sana matutunan ko lahat sa Canada.

"Mamimiss ko kayo." Sa huling pagkakataon tinignan ko ang mga pictures sa gallery ko na over 5k.

Do you want to delete these photos?
Yes | No

"Bye Son Wendy. Let's find my new self sa Canada."

-

erroneous ⇝ wenvWhere stories live. Discover now