wendy's
"Sige bye, aalis na ako. Pumasok ka na bukas kundi lagot ka sakin!" Sigaw ko habang papalabas ng pinto nila Vinz.
"Teka! May nakalimutan ka!" Napalingon naman ako.
"Ha? Meron ba?" Bigla niyang nilapit ang mukha niya sakin at hinalikan ang labi ko atsaka tumakbo.
Goodbye kiss gaming pala. Tumunog naman phone ko at nakita kong siya ang nagtext.
Vinz💙
9:56pm
Umuwi ka agad, love you. Goodbye kiss palagi paguuwi ka na tas galing bahay hehe. Love you ulit! :*Sweet talaga kahit kailan, swerte ko hihi. Siguro marami ng inggit sakin ngayon.
Sumakay akong taxi at nakarating sa apartment pagkatapos ng 15 minutes. Medyo malapit lang naman bahay ni Vinz sa nirentan kong apartment.
Pumasok na ako at may nakita akong nakalagay sa mail compartment ko.
Ano naman kaya toh? Tinignan ko kung saan galing at naklagay from Canada, siguro galing kayla Mama.
Nilapag ko ang bag ko sa lamesa at binuksan ito. Letter??
"Wendy anak, pinadala ko ito sayo para makapag desisyon ka na. Alam kong hindi madali ito para saiyo pero sana pag-isipan mo, nakapili na kami ng lalakeng mapapang-asawa mo at nakatira din siya sa Pilipinas at parehas kayo ng pinapasukan. Kilalang-kilala mo siya kaya sana naman pumayag ka na. May kasamang litrato itong telegrama, tignan mo na lang kung sino siya, feel ko matutuwa ka naman hihi. Ingat ka jan. Love you, miss ka nanamin."
Wth?? Tinignan ko ulit yung lalagyan ng letter at may nakita akong picture. Kinuha ko naman ito at ikinagulat ko ang nakita ko.
Siya?? Bakit siya??
-
hulaan niyo sino~