wendy'sNandito ang tatlong ugok sa dorm namin dahil dinala nila ang ulam.
Si Seokjin oppa nakikipagdaldalan kela Joy at Seulgi.
Si Hoseok naman kausap si Irene unnie, ewan ko nagtatawanan ang mga loko. Si Yeri nasa date pa niya.
Si Vinz naman, eto kasama ko mag-isa sa kusina.
Ewan ko ano trip neto. "Oy bakit ka ba nandito?"
"Ayaw mo? Babe time." Hinampas ko siya at tinawanan lang ako.
"Eto naman, hindi ka talaga mabiro. Namiss lang naman kita eh." Hindi ko alam pero kinilig nanaman ako sa sinabi niya. Inirapan ko lang siya.
Ewan ko ba pero kung curious kayo sa nangyari nung birthday party ko at kung ano talaga kami ni Hoseok, ikwekwento ko sainyo.
Simula first year, kinukulit na ako ni Hoseok. Binibigyan ng kung ano-ano like flowers, chocolates, love letters and such. Ewan ko ba, ang lakas ng tama sa akin.
HIRAP MAGING MAGANDA HAYS.
Hanggang dumating kami ng third year, may nag transfer. Si Kim Vinz yon.
Naging katropa siya ni Hoseok kaya naman lagi ko siya nakikita.
Lagi ako napapatingin sakanya at bigla ko na lang nalaman na may gusto ako sakanya.
Sinabi ko yun kay Hoseok, kaya naman nasaktan siya ng sobra. Pero hindi nagtagal tinanggap niya toh at sinabing mag-iintay siya.
Kaso, nalaman ko na si Irene unnie pala at siya na. KASO ulit, hindi sila nagtagal kasi inamin sa akin ni unnie na si Seokjin oppa talga ang gusto niya.
Edi sinabi ko na din kay unnie yung nararamdaman ko kay Vinz. Nagulat siya syempre at nag sorry sa akin.
Ngayong fourth year, nakipag deal ako sakanya. Alam toh ni Hoseok kaya naman tinulungan niya ako, pero binalaan niya ako nung birthday ko na habang tumatagal, mas may masasaktan sa amin.
Alam kong ang sama ko dahil ginagamit ko si Hoseok para sa nararamdaman ko at nag sisinungaling ako kay Vinz.
Pero mahal ko talaga siya, gusto kong mapalapit sakanya.
Hindi alam ni Irene unnie na nakipag deal lang ako kay Vinz. Natatakot ako, na kapag nalaman ni Vinz lahat.
Iiwan niya ako. Kagaya ng ginawa niya.
Kagaya ng ginawa ni Yoongi sa akin. Nakakagulat ba?
Ang gulo ba?? Hindi ako malandi.
Naging kami ni Yoongi noong second year kami. Si Yoongi ang unang umamin samin, na attract ako sa kapag mysterious niya. Sa likod ng poker face niya, sobra siyang magmahal, sobrang siyang maalaga. Kaya nga sobra akong nasaktan nung nakipag break siya sa akin. Hanggang ngayon, hindi ko padin alam ang dahilan kung bakit niya ako iniwan.
Pero wala na akong balak alamin dahil si Vinz na ang gusto ko ngayon.
Alam din to ni Hoseok, dun nga siya tumigil eh.Pero nung nag break din kami, bumalik nanaman siya. Loyal saakin masyado.
Ang gulo ng buhay ko. Umiikot lang toh sa iisang barkada.
Ang sama ko. Sobrang sama ko kay Vinz, ang dami kong tinatago sakanya.
Sobrang sama ko kay Hoseok dahil ginagamit ko ang nararamdaman niya para sa akin.
Ang sama ko kay Irene unnie at sa iba pa, kasi niloloko ko lang sila.
Tinignan ko si Vinz na nasa living room na, nakikipag kulitan kela Joy at ang iba.
Habang tinitignan ko siya.
Mas matagal kong napagmamasdan ang mata niya na punong-puno ng pagmamahal na nakatingin kay Irene unnie.
"Wendy, ang epal mo talaga. Ang dami mo ng nasasaktan."
Tumunog ang phone ko at nakita kong nag text si mama.
"Umalis na lang kaya ako?"
-
insert yoongi bale love hexagon na toH loL kasama si joy eh hakhak