68;

168 11 1
                                    


wendy's

"Ano kayo na!? Tangi-" Biglang tinakpan ni Yeri yung bibig ni Jungkook.

Nandito kami lahat sa cafeteria para sabihin ang kalagayan namin ni Vinz ngayon, kumpleto kami lahat pati si Hoseok at Seulgi kasama.

Sinabi nanamin sakanila lahat pati yung nangyari dati, syempre nagulat sila at yung iba nagtatampo sa amin ngayon.

"All this time akala ko- Jusko! Sarap niyong pag untugin!!" Sabi ni Irene unnie samin habang nakahawak sa noo niya.

"Hehehe sorry na, alam kong magulo pero sana maging masaya kayo kasi mutual kami hihi." Singit ni Vinz kaya naman binatukan ko. Seryoso kami lahat dito tapos tatawa pa siya.

"Im sorry, alam kong nagulat kayo lahat sana intindihin niyo kami." Sabi ko.

Tumingin sakin si Hoseok atsaka ngumiti sinagot ko naman din ito ng ngiti.

"Ano pa ba magagawa namin kung tanga yung mga kaibigan namin?" Sabi ni Namjoon, grabe siya hindi naman kami tanga.

"Sige na, naiintindihan namin kayo dahil lahat naman ng umiibig nag papakatanga." Sabi ni Irene unnie, grabe tanga ba talaga kami. Sakit nun ah.

Ngumiti na lang ako sakanila.
Tumayo na yung iba para kumuha ng pagkain, yung mga lalake na lang ang kumuha para sa amin at naiwan kaming anim na babae dito kasama si Frances na girlfriend ni Jimin dahil barkada din namin siya, originally dati pa kaya close na close kami.

"Sorry talaga, alam kong nagulat kayo." Hinawakan lang ni Yeri ang kamay ko.

"Okay lang yun unnie! Naiintindihan namin kayo ni Vinz oppa, though may nasaktan na iba sa barkada okay lang naman samin. Pero infairness ang taray ng love story niyo ah! Nagsimula sa lokohan!" Sagot ni Joy.

Nagkatinginan naman kami ni Seulgi.

"Wendy, in sorry too." Ngumiti naman ako sakanya.

"Okay lang hahaha! Alam ko naman para sa akin din ang ginawa mo."

"Tama na nga drama! Namiss ko na kayo huhuhu, gumala naman tayong girls!!" Sabi ni Irene unnie kaya naman napatawa kaming lima.

"Tama! Para naman makalayas din tayo sa mga problema natin ng kahit saglit." Dagdag ni Frances.

Nabawasan ng isa ang problema ko pero actually may dalawa pa.

"Girls may sasabihin din pala ako sainyo." Tumingin naman sila lahat sakin kaya naman sinimulan ko na ang pagkwento.

"ANO!?" Sabay-sabay nilang sinabi ng pasigaw.

-

erroneous ⇝ wenvWhere stories live. Discover now