wendy'sOkay ano ganap, ang tanga ko talaga kahit kailan.
Biruin mo nadapa ako sa hagdanan kanina kasi nag joke si Hoseok.
Eto kamusta tuhod ko, nagdudugo halatang-halata dahil ang puti ko.
Kahit kailan talaga Son Wendy! Reyna ka ata ng katangahan!
"Wendy sorry talaga, hindi ko sinasadya.." Si Hoseok pang one thousand na sorry na niya yan pero joke lang mga pang ten lang.
"Wala kang kasalanan Hoseok, ako yung may kasalanan kasi ang tanga ko masyado akong natuwa sa joke mo kaya ayan nadapa ako sa hagdan buti na lang sa tuhod hindi sa mukha kundi kawawa ang beautiful face ko!"
Papunta kami ngayon sa clinic at inaalalayan ako ni Hoseok.
"Nga pala may favor ako sayo Wendy."
"Hmm? Ano naman yon?" Tanong ko.
"Birthday ko kasi next week, baka pwede namin sarili mo ang iregalo mo sa ak- Aray!! U-uy teka Wendy! Joke lang naman!" Sinipa ko ang paa niya at pumunta sa clinic dahil ang lapit na nanaman namin.
Iniwan ko siya sa hallway. Bahala siya.
Binuksan ko ang pintuan at dirediretso pumasok.
Wala si nurse? Tsk. Ako na lang magagamot nito.
Binuksan ko ang cabinet at kinuha ang betadine at bulak.
"Babe, please lang umuwi ka na."
Shit ano yun!? May tao pala dito!?
"Babe okay lang ako, wag ka mag-alala kaya bumalik ka na sa klase mo." Nag-aaway ba yun?
Atsaka pamilyar ang boses ah.
Sinilip ko yung isang kama wala namang tao, tatlo kasi kama dito.
Yung pangalawa naman wala din.
Hinawakan ko ang kurtina sa pang huling kama para silipin to ng biglang-
"Wendy!" Nagulat ako kay Hoseok kaya naman bigla kong nahila yung kurtina at bumagsak toh.
Aish! Nakasira pa ako ng wala sa oras! Jung Hoseok kahi kailan talaga!
"W-wendy??" Napatingin ako sa harap ko at nakita ko si Seulgi at isang Vinz na nakahiga.
Nagkatingin kami ni Vinz pero umiwas agad ako.
So babe pala tawagan nila, haha. Parang kami lang dati ah.
Aish ang bitter ko padin!
"Oh Seulgi at Vinz, kayo pala yan haha." Teka ang awkward, nasira ko na nga yung kurtina tumatawa pa ako.
"S-sorry ah, nagulat kasi ako kay Hoseok kaya nahila ko yung kurtina hehe." Tinignan ko naman ng masama si Hoseok.
"Wendy! Yung sugat mo, okay ka na ba!?" Lumapit si Hoseok at hinawakan ang tuhod ko.
"O-okay na, nilagyan ko na ng betadine, kaso hindi ko makita yung benda." Sagot ko.
"Hala okay ka lang ba? Halika dito, alam ko kung nasan nakalagay yun." Tumayo si Seulgi sa pagkaka-upo niya at hinawakan ang kamay ko.
Pinaupo naman niya ako at kumuha siya ng benda.
"Seul, salamat haha." Ang bait talaga ni Seulgi kahit kailan.
"Ano ka ba Wendy, okay lang toh haha. Ano ba kasi nangyari sayo?"
Lumuhod siya para lagyan ang tuhod ko ng biglang kinuha toh ni Hoseok.
"Seulgi, ako na bahala kay Wendy tutal kasalanan ko din kaya nagka ganyan siya. Sa tingin ko kailangan ka ni Vinz."
Tumingin naman sa akin Seulgi, nginitian ko lang siya.
"Tama si Hoseok, okay lang ako, salamat ulit." Pumunta na si Seulgi kay Vinz at iniwan kami ni Hoseok.
Lumuhod si Hoseok sa harap ko at nilagyan ng benda ang sugat ko.
"Look wag mo na ulit susugatan ang sarili mo, tignan mo nakita mo tuloy sila." Tiwanan ko lang si Hoseok na nag popout. Ang cute niya haha.
"Hoseok okay lang ako, atsaka hindi ko problema na nakita ko sila. Diba nanjan ka naman?" Nagulat si Hoseok at tumingin sakin.
Nakangiti lang ako sakanya.
Hinampas niya ako bigla, aray ah!
"Kinilig ako don ah!" Ay babae lang?
Pero actually hindi ko maalis sa isip ko yung kanina.
I mean, nung nalaglag ko yung kurtina at nakita ko sila.
May iba kay Vinz.
Ngumiti siya habang nakatingin sakin.
-