wendy's"Wendy! Wendy!" Aish.
"Hoseok may naririnig ka ba?" Tinignan lang ako ni Hoseok na nagtataka.
"Wendy, pansinin mo naman yung tao." Sagot niya.
Bigla akong hinawakan ni Vinz sa kamay kaya napasigaw ako.
"Ano ba!?" Pinagtitingin kami sa hallway pero wala akong pakielam.
"Gu-gusto ko lang magsorry about kahapon. Nadala lang ako sa gulat dahil bigla kang umuwi." I stared at him at halata sa mukha niya na he felt sorry.
"Okay lang, I forgive you. Just don't bring back the past." Hinila ko si Hoseok at iniwan namin siya mag-isa.
"Wendy! Okay ka lang ba?" Napatigil ako at hinawakan ni Hoseok ang mukha ko.
"Is it really alright for you to say that? Sure ka bang okay ka lang?" Ngumiti naman ako sakanya at hinawakan din ang kamay niya na nakahawak sa mukha ko.
"Hoseok im fine. I just did what is needed. Wag kang mag-alala, totoo yung sinabi ko na pinapatawad ko na siya, atsaka magkakaroon ng gulo kung papatagalin ko pa." He smiled at pinisil ang pisngi ko.
"Ang sakit!" Tumawa lang siya and he patted my head.
"Tara na, next class si Sir Wu, baka pagalitan pa tayo." Nilahad niya ang kamay niya kaya naman binigay ko ang kamay ko.
Its normal, nililigawan niya naman kaya okay lang yung mga ganitong bagay.
Holding hands while walking, ginawa ba namin ni Vinz yun?
Haha, hindi ata.
-
