53;

184 13 1
                                    


wendy's

"So, okay ka na?" Inabutan ko si Hoseok na nakaupo sa waiting bench dito sa pet clinic.

Okay naman si Mickey, na sobrahan sa pagkain kaya hindi maganda pakiramdam sabi ng doktor.

"Oo, salamat ulit Wendy."

"Wala yun, sabi ng doktor bukas mo pa daw makukuha si Mickey dahil kailangan niya ng pahinga." Sagot ko.

"Kaya tara na at pakainin mo ako dahil kanina pa tapos hapunan dahil sa pag-antay natin kanina sa linya ng isang oras at kalahati." Ngumiti naman siya and patted my head.

Bakit ba ang hilig niya hawakan ang ulo ko, baka sa ulo ko siya may gusto.

"Opo mam, tara na at kumain tayo."

Nandito kami ngayon sa restaurant na paborito naming barkada dati.

"Taray talaga ng sasakyan mo Hoseok, pang ilan na yan."

"Regalo sakin ni Papa yan dahil hindi siya nakapunta nung birthday ko last month." Napaka rich kid talaga nito.

"Btw, this seems like a date. Kinikilig tuloy ako!" Natawa naman ako sakanya dahil para siyang bata.

"Haha sige lang. Date toh, kaya kiligin ka lang."

Sinerve na ang pagkain naman. I ordered a burger steak with mashed potato as a side dish while Hoseok ordered steak with salad as a side dish.

"Wends?" Napatingin ako sa tumawag sakin.

"Ikaw nga! Hala, ano ginagawa niyo dito? Nagdadate din ba kayo?" Ngumiti naman ako kay Seulgi at tumango.

"Aba akalain mo may kadate ka din pala." Sinamaan ko ng tingin si Vinz.

"Kakain pa lang kami and there were no seats available, mind if we join?"

At dahil mabait si Hoseok pumayag naman siya.

But why is it so awkward. Kaharapan ko si Vinz?

Ang panget ng arrangement. Tsk.

-
to be continued.. 😉

erroneous ⇝ wenvWhere stories live. Discover now