wendy'sAfter a long day nakauwi na ako sa apartment complex ko. Sa totoo lang I feel like shit dahil sa dami ng nangyari ngayon.
Hindi tuloy muna ako nakapunta kayla Vinz. I need a rest.
Kinuha ko ang envelope at tinitigan lang ito. Anong gagawin ko dito?
Biglang narinig kong may kumatok sa pintuan kaya naman tumayo ako para buksan ito.
Pagkabukas ko biglang na lang pumasok yung tao at hinila ako.
"Aray! Ano ba ginagawa mo dito!?" Tanong ko sakanya.
"Sa tingin mo matutuwa ako pagkatapos ko malaman ang dahilan kaya mo tinanggihan ang marriage proposal mo sakin?" Inirapan ko lang siya.
"Pake mo ba? Atsaka bakit ka ba nandito!?" Inalis ko yung kamay ko sa pagkakahawak niya.
"Mag-impake ka na." Ha??
"Teka ano ba pinagsasabi mo??" Tanong ko at naka-nganga na ako dito sa gulat.
"Pupunta na tayong Canada, ibabalik kita doon para ayusin na natin ang kasal."
TANG*NA.
"Teka excuse me? Ang pagkakaalam ko tinanggihan ko yung kasal? So bakit mo ako sapilitan na dadalin sa Canada?"
Tumingin lang siya sakin."Dahil gusto ko, atsaka wala ka ng magagawa. Sa kasal na ito nakasalalay ang ikabubuhay ng pamilya mo, Wendy." Bigla ako napatigil.
Tama ba pagkakarinig ko? Ikabubuhay ng pamilya ko madadamy dito?
Hindi pwede, ayokong makita ang pinaghirapan nila Mama at Papa na mawala ng ganun kadali lang.
"Ano ba plinaplano mo!?"
Tumingin lang siya sakin at ngumiti.
"Sa ayaw at sa gusto mo, sasama ka sakin." Hindi na ako makapag-salita.
Paano na si Vinz? Paano na kami??
Lumapit siya sakin at hinawakan ang mukha ko.
"Wag ka mag-alala, ako tatayong ama ng dinadala mo."
-