vinz's"Vinz kumalma ka lang, alam kong babalik din si Wendy." Awat sakin ni Jin hyung.
Tang*na babalik!? Eh hindi nga siya sumasagot sa mga text, chat, at tawag ko!
Atsaka for f*cks sake two weeks na siyang nawawala!? Paano ako kakalma!!
"Sig-siguro iniwan na niya ako! Hahaha! Siguro nga! Kasi sino ba naman ako eh ako yung nakasakit sakanya dati. Ba-baka naghihiganti lang siya hahaha!" Sabi ko.
Bigla akong nakaramdam ng suntok mula kay Hoseok hyung.
"Gag* ka ba!? Ikaw ang pinili niya! Wag na wag mong sasabihin na iiwan ka niya, kilala mo si Wendy! Hindi niya kayang gawin sayo yun!" Napaiyak na lang ako sa sinabi niya.
"Pe-pero hyung nasan na siya? Bakit walang Wendy? Bakit hindi pa siya bumabalik??" Tanong ko sakanya habang nakahawak sa pantalon niya.
"Iniwan na niya ko! Siguro bumalik na siya sa Canada!!" Susuntukin pa ulit ako sana ni Hoseok hyung pero inawat siya nila Jimin.
"Tumayo ka nga jan, kung iniisip mong iniwan ka niya napaka-gag* mo Vinz. Hindi ka niya iniwan." Biglang nagsalita si Seulgi.
"Alam niyo ba kung nasan siya!? Alam niyo ba!?" Tanong ko.
"Nasa Canada si Wendy at hindi na siya babalik." Sagot niya.
"HA!? EDI INIWAN--"
"Hindi ka niya iniwan. May arranged marriage si Wendy kaya siya pumunta doon, hindi siya pwede tumaggi dahil ikabubuhay ng pamilya niya ang nakasalalay dito. Sa tingin mo kaya niyang tumaggi kung pamilya niya ang madadamay dito??"
"MAGPAPAKASAL!? KANINO!?" Sigaw ko.
"Sino ba ang wala dito bukod kay Wendy?" Napatigil ako.
"MIN YOONGI."
-