wendy's"Ano? Kumain ka nga jan!" Bulong ko kay Vinz dahil sinisipa niya yung paa ko.
Kanina ng kumakain kami, kami lang ni Seulgi nag-uusap. Puro kutsara at tinidor lang maririnig sa dalawa.
Papansin kasi tong si Vinz, kainis. Buti si Seulgi nag c.r tas si Hoseok naman kinuha wallet niya sa sasakyan dahil naiwan niya doon.
"Tapos na ako, baka ikaw gusto mo pa kumain? Tutal alam ko namang gutom ka pa." Sinipa ko ang paa niya ng malakas sa inis.
"Aray!!" Napatayo siya kaya pinagtitinginan kami dito sa restaurant.
"Vinz? Ano nangyari sayo!? Okay ka lang ba?" Sakto dumating si Seulgi at Hoseok.
"Nagbayad na ako sa counter." Salubong sa akin ni Hoseok.
"Ahh, alis na tayo?" Tanong ko.
Nag nod naman siya.
"Seulgi at Vinz, una na kami ni Hoseok. Mag-ingat kayo ah, enjoy." Ngumiti naman si Seul at nag beso ako sakanya bago umalis, si Vinz ayun dinidilaan ako habang paalis kami.
Gupitin ko dila niya eh. Napaka brat talaga.
Sumakay na kami sa sasakyan at hindi nagsasalita si Hoseok.
"Hoseok, okay ka lang ba?" Hindi niya ako sinagot at patuloy parin sa pag drive.
"Hoseok, pansinin mo naman ako." Wala pading imik.
Hinawakan ko ang kamay niya at bigla niyang tinabi ang sasakyan.
"Wendy, seryoso ka ba na pinapayagan mo akong ligawan ka?"
"Ofcourse! Seryoso ako Hoseok, hindi kita pinapaasa, wag mo sabihing iniisip mo na niloloko lang kita?" He sighed and looked at me.
"Wendy, kitang-kita ko paano ka tumingin kay Vinz. Matagal na kitang tinitignan kaya kabisado ko ang kilos mo. Alam kong mahal mo pa siya, Wendy please, wag mo naman ako saktan."
Nasaktan ako. Nasaktan ako kasi hindi ko alam na nakakasakit na pala ako.
"Hoseok no, wag mo isipin yan. Hindi ko na mahal si Vinz. Pinayagan kita ligawan ako kasi alam kong hindi ka mahirap mahalin. I like you, Hoseok."
Hinawakan ko ang kamay niya.
"Please wait for me, konti na lang. Alam ko gaano ka katagal naghintay and im willing to gave you what you deserve."
"I know, im sorry. Hahatid na kita pauwi, salamat sa araw na toh." Ngumiti ako sakanya at hinigpitan ang hawak ko sa kamay niya.
Im sorry Hoseok. Im sorry for making you wait for too long and not noticing how you feel.
"Salamat sa paghatid. Mag-iingat ka." He smiled at me and kissed my hand bago umalis.
Papasok na ako ng bahay ng biglang may humila ng kamay ko.
Hindi ko makita kung sino siya dahil nakablack siyang hoodie and pants.
"Bitawan mo nga ako! Sino ka ba!? Nasasaktan ako!" Hindi niya ako sinasagot. Hinihila parin niya ako.
Its 11pm and tingin ko wala ng tao dito sa kalsada.
"Bro, kapag sinabi ng babae na bitawan mo siya. Sundin mo, kaya ka iniwan eh." Tumingin ako sa nagsalita.
Sinapak niya yung lalakeng ng hihila sa akin at hinawakan ang kamay ko.
"Mag-ingat ka kasi, napaka defenseless mo talaga kahit kailan." Hindi ako makapagsalita.
Bakit siya nandito??
"Look, Wendy. I--"
"Please don't, Vinz. Wag na wag mo itutuloy ang sasabihin mo."
I grabbed my keys at pumasok sa bahay.
Umakyat agad ako at pumunta sa kwarto.
Hahaha, bakit ba ako umiiyak.
-