14;

239 13 6
                                    

wendy's

Dinala ako ng tatlo sa bahay nila Vinz. Hindi ko alam bakit sila nagmamadali.

Bumaba ako sa sasakyan niya at nagulat ako sa laki ng bahay niya, first time ko kasi dito.

Bumaba ako sa sasakyan niya at nagulat ako sa laki ng bahay niya, first time ko kasi dito

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

Bigla naman ako blinind fold ni Joy na muling ikinagulat ko.

Maya-maya habang nilelead ako ni Joy ay sinabi na niyang pwede ko na itong tanggalin.

Pagka-tanggal ko ay sobrang natuwa ako sa nakita ko.

"Surprise!! Happy 19th birthday!!" Bati sa akin ng mga kaibigan ko at ang barkada ni Vinz.

Nakakatouch naman, kaya pala pinagmamadali ako kanina ni Irene unnie.

I feel so happy and special.

Sa living room nila ginanap ang surprise para sa akin. May naka hang pa nga na "Happy Birthday Son Wendy!♡"

Na may kasamang picture ko. Pina-tarpulin pa ng mga loko.

At take note, derp picture ko pa. True friends nga naman.

May mga balloons na ang dami at may mga cut-outs ng mga pictures ko simula dati pa kasama sila.

May mga balloons na ang dami at may mga cut-outs ng mga pictures ko simula dati pa kasama sila

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

Nakakatouch talaga, yung mga regalo naman nila nasa may isang mesa. May isa nga doon halata eh, sobrang laki. Feel ko teddy bear.

"Salamat sainyong lahat! Sobrang na touch ako, nakakaiyak! Salamat na salamat sainyo!!" At niyakap ko sila isa-isa. Pero syempre sa ibang lalake, walang malisya.

Napansin ko naman na kasama ni Jimin yung nililigawan niya. Binati ko naman kasi familiar ako sakanya, naging kaklase ko na kasi siya ng dalawang taon.

"Wag ka samin magpasalamat. Si Vinz nagplano ng lahat ng ito." Sabi sa akin ni Irene unnie.

Nagulat naman ako, si Vinz??

Hindi ko alam pero, kinilig ako ah.

Lumapit ako kay Vinz at nag open arms siya sa akin. Lumapit naman ako at niyakap ko siya.

KINIKILIG AKO BAKET!??

Inasar naman kami ng mga kaibigan namin, si Joy nga nagdradrama bakit daw puro lovebirds, siya na lang daw hindi taken sa aming lima, kahit ako lang naman ang taken? Oa talaga ni Joy.

Pero inaasar naman namin siya kay Suga oppa, hahahaha ang cute nila.

Kumain na kami kasi nagugutom na daw si Hoseok, hay gutumin talaga kahit kailan.

Nasa isang tabi si Vinz kaya naman nilapitan ko siya.

"Salamat Vinz, sobrang na touch ako. Hayaan mo, sa birthday mo isusurprise din kita haha." Tumawa lang si Vinz at ginulo ang buhok ko.

"Lol, okay lang yun Wendy. Atsaka may bonus pa ako! Nandito si Irene oh!" Hindi ko alam pero medyo sumakit yung dibdib ko.

Pero masaya ako kasi ginawa niya ito para sa akin kahit na ginawa din niya ito para makita niya ulit si unnie.

"Nga pala, yung regalo ko sayo. Yun yung pinakamalaki doon, sana magustuhan mo. Wag ka mag-alala sa ginastos ko para dito, alam mo namang babe kita kaya ko to ginawa." Sabi niya with matching kindat.

Hinataw ko naman siya kasi 'babe' nanaman tawag niya sa akin. "Alam ko namang gusto mo eh! Nako, tignan mo ohh, nakatingin si Irene sa atin. Nagseselos kaya siya??"

Ngumiti na lang ako sakanya at nagpaalam para pumunta muna akong cr. Ewan ko ba, lagi na lang ako biglang nawawalan ng mood kapag pinapasok niya sa usapan namin si Irene unnie.

Hindi naman ko nagseselos eh, bakit ba ako magseselos in the first place??

"Wendy birthday mo! Umayos ka nga!!" Sabi ko sa sarili ko habang nakatingin sa salamin.

Pagka labas ko, nakita ko na kausap na ni Vinz si Irene unnie. Yung ngiti niya nga abot tenga eh, pero kapag ako kasama laging magkasalubong kilay.

Actually nung sila pa dati, sobrang goals nila. Bagay na bagay silang dalawa. Cute pa naman nila, sayang lang talaga.

Bakit kasi sila nag break? Actually hindi ko alam bakit eh, pero hindi din naman niya alam bakit kami nag break ni Hoseok. So fair lang.

Pero bakit ba kasi nakapag deal pa ako? Epal ko talaga kahit kailan.

Pupunta sana ako kayla Seulgi dahil kasama niya si Joy na nagtatampisaw ng kanilang paa sa swimming pool at yung iba naman nag kakainin padin, kaso biglang may humila sa kamay ko.

Pagkatingin ko nagulat ako.

"Ho-hoseok??"

-
wenhopewenhope vs wenvwenv

erroneous ⇝ wenvWhere stories live. Discover now