wendy's"So? Bakit mo ako niyaya??" Kaming dalawa lang dito sa bahay nila.
Its weird alam ko pero dito niya ako niyaya. Nagluto pa siya and ang paborito ko ang niluto niya.
Ang weird niya talaga. Tapos ang bongga pa ng preparation, parang bagong plate and glass ang pinapagamit niya sa akin ngayon.
With matching music pa ang setting namin, pinaglagyan pa niya ako ng apple juice sa baso kanina and inassist niya ako sa pag-upo.
Super weird niya.
"Wala lang. Masama na ba magyaya ng dinner sa isang kaibigan?" I smiled.
Sa totoo niyan hindi ako matulog kagabi dahil natakot ako na baka maramdaman ko ulit yung dati.
But buti na lang, kaibigan na tingin niya sa akin ngayon dahil ayoko ng gulo. Ayoko saktan si Seulgi, Hoseok at sarili ko.
"Wala naman, pero ang weird mo talaga Vinz. Para bang may kasalanan kang ginawa sa akin kaya ang bait-bait mo ngayon." Tumawa naman siya.
"Wendy normal lang sa akin toh. Maybe hindi ko pa nagagawa sayo toh pero kilala ako nila Hoseok hyung na ganito. Atsaka parang hindi ako mabait sa paningin mo." Sinubo ko ang last piece of meat sa plato ko.
"Siguro nga normal sayo, I don't know kasi matagal din akong nawala. Kamusta naman kayo ni Seul? Any news?" Tinaasan ko siya ng kilay na parang nang aasar.
He dropped his spoon and looked at me na parang nagulat.
"W-wala na kami..." I almost dropped my jaw on the floor.
Naka-nganga lang ako habang nakatingin sakanya with matching parang naluluwa na ang mata sa gulat.
"W-wait! Ang bilis naman ata? Diba magkasama lang kayo parang kahapon at ang sweet niyo pa tapos wala na? Break na???" He nodded.
"Ha!? Teka- anong dahilan? Like ang bilis talaga! Don't tell me may kinalaman ako sa pag hiwalay niyo?" Bigla niya hinawakan ang kamay ko.
"Wendy, I have something to say-" Tinapik ko ang kamay niya.
Tumayo ako at kinuha ko ang bag ko.
Sh*t wrong move. Arghhh!
Umiiwas ako sa ganito bakit pa ako nagsalita!!?
"Wendy wait!" He grabbed my hand, hindi ako makabitaw dahil sobrang higpit ng hawak niya.
I need to call Hoseok.
Kinuha ko ang phone ko kahit hawak niya ang isang kamay ko and dialled Hoseok.
Nakita niya ito kaya bigla niyang kinuha ang cellphone ko at pinatay ito.
"Kim Vinz ano ba!? Ano nanaman bang gulo toh!?"
He looked hurt nung sinigawan ko siya.
"Wendy, I love you...I really do..."
Nilapit niya ang mukha niya sa akin at hinalikan ako.
And its a deep one.
I know its wrong pero hindi ko siya tinulak.
Cause I really liked it.
-