wendy's"Uy sorry na! Nung nalaman namin na buntis ka hindi na kami makapag-hintay kaya nagplano kaming ikasal kayo!" Pagsusuyo ni Joy sakin.
Nandito kami sa iisang table na magbabarkada.
"Alam niyo bang hindi ako makapag-isip ng maayos!!" Kung alam lang nila pinagdaanan ko.
Tumingin naman ako kay Yoongi oppa at tinuro siya.
"Ikaw! Bakit ka naman pumayag!?" Ngumisi lang ang loko.
Hinawakan naman ni Vinz ang kamay ko.
"Honey, wag ka masyado magalit baka ma-istress ka, alam mong hindi pwede ma-istress ang buntis." Sinamaan ko lang ng tingin si Vinz.
"Wag ka mangielam dito Vinz, mamaya ka na humirit sakin." With that dahan-dahan niya inalis ang kamay niya sa kamay ko.
"Ano!? Hindi ka sasagot?" Tanong ko kay Yoongi oppa.
"Wendy naman, sa tingin mo ba gusto ko din? Tumulong lang naman ako dahil dalawa kayong importante sakin ang nakasalalay eh." Sagot niya.
"Patawarin mo na kami Wendy, atleast diba kasal na kayo?" Dagdag ni Namjoon.
"Oo na, hindi naman ako galit sainyo. Actually thankful ako dahil iniisip niyo kami pero wag niyo naman idamay pamilya ko, alam niyo bang natakot ako!?"
"Yes yes, hindi na mauulit." Comment ni Jin oppa.
"Pero hindi ko ineexpect ah, Hoseok at Seulgi!? Myghad baka maging super galing ang anak niyo sa pag-sayaw!" Simula ni Irene unnie.
"Well talagang ganun, expect the unexpected daw eh, paano ba yan si Namjoon at Yoongi na lang single?" Pang-aasar ni Jin oppa. Kahit kailan talaga.
"Excuse me pero may girlfriend ako at nandito siya ngayon!" Nagulat naman kami sa sinabi ni Namjoon.
May girlfriend siya??
"Hyung wag mong sabihin siya?" Turo ni Jungkook kaya napatingin naman kami.
Nakaturo siya kay Jin oppa. Nagtawanan naman kaming lahat.
"HINDI!! I MEAN SIYA!!" Tumingin naman kami sa direksyon ng turo ni Namjoon.
"JENNIE!?" Sabay-sabay naming sigaw.
Ngumiti naman siya at binati kami at umupo sa tabi ni Namjoon.
"Kung may girlfriend ka na Namjoon oppa paano naman si Yoongi oppa?" Sabi ni Yeri.
"Ahh meron din ako guys, meet my girlfriend." Bigla siyang may hinawakan sa may bewang at pagkatingin namin nakatayo na si Jimin. (Hekhek yoonmin)
"Joke lang, hindi ko muna kailangan ng girlfriend. Dadating din yan." Tumawa na lang kami.
"Atsaka brokenhearted pa ako dahil jan sa dalawang naka wedding attire." Nagulat naman kami sa sinabi niya.
"Well, we wish na mahanap mo na siya for sure anjan lang sa tabi-tabi yun Yoongi hyung!" Pag che-cheer-up ni Hoseok.
"Psst." Biglang sitsit sa akin ni Vinz.
"Alis muna tayo, iwanan natin sila may gusto akong makita mo." Nagulat naman ako.
Bigla siyang tumayo at hinawakan ang kamay ko at tumakbo.
"Hoy mamaya na honeymoon!!" Sigaw nila mula sa likod.
Dinilaan lang sila ni Vinz, napaka-isip bata talaga.
Hindi ko padin alam saan ako dadalin ni Vinz. Bigla akong may nakitang hagdanan at umakyat kami dito.
Pagkadating namin sa tuktok ay napakaganda ng view. Kitang-kita ang pagka-asul ng tubig.
"Wendy, tandaan mo na mahal na mahal kita."
I chuckled, dinala niya ba ako dito para sabihin lang yun?"Alam ko Vinz and tandaan mo din na mahal na mahal kita." Nilapit ko ang mukha ko sakanya kaya magkaharapan kami ngayon.
"Alam mo bang sobrang saya ko ngayon." Sa sobrang lapit namin naririnig ko na yung tibok ng puso niya kasabay ng akin.
"I know, ako din Wendy." Hinalikan niya ulit ako and this time it was a slow and passionate kiss.
It tastes so sweet, damang-dama ko.
"Ang swerte natin sa kaibigan natin noh? Ginawa nila toh lahat para sa atin." Sabi niya habang magkalapit padin ang mga mukha namin.
"Oo naman hahaha, ang swerte natin."
-