wendy's"Noona! Namiss kita huhu! Ang ganda mo na ngayon noona, may chocolates ka ba jan?" Salubong sa akin ni Jungkook. Mambobola habol lang pala pasalubong.
Inabot ko sakanya yung paper bag na puro chocolates.
"Para sa inyong pito yan! Subukan mo lang solohin lagot ka sakin!" Sita ko.
Kasama ko ngayon si Hoseok at Jungkook sa guidance office dahil nagpasama ako sakanila para kunin ang uniform ko.
At hindi ko pa nga pala nasasabi, sa Seoul Arts and Music University kami nag-aaral. Branch siya ng Korea dito sa Pilipinas, kaya ang mga estudyante dito ay karamihan gusto maging performer, chef, designer, etc.
Actually si Hoseok lang talaga kasama ko kaso nakita kami ni Jungkook kaya eto kasama namin.
Pagkabigay sa akin ng uniform ko ay agad akong pumunta sa c.r para isuot ito.
Excited kasi ako pake niyo ba.
"Woot! Ganda mo talaga Wendy! Bagay na bagay! Yung waist line, yung mapuputi mong legs kitang-kita at syempre bakat na bakat ang dib-" Hinampas ko si Hoseok ng malakas dahil sumosobra na ang sinasabi niya.
"Kook! Anong ginagawa mo dito? Hinahanap kita--teka!? Unnie!?" Niyakap ako ni Yeri nung nakita niya ako.
"Omg unnie!! Kelan pa!? Alam mo bang miss na miss na kita! Huhu ikwento mo samin nila unnies ang nangyari sayo ah!" Ngumiti lang ako kay Yeri.
Kinuha ko yung isang paper bag na pinahawak ko kay Hoseok at inabot kay Yeri.
"Yeri sainyo yan, may mga pangalan na yan kaya ibigay mo na lang sakanila." Sabi ko. Kinuha ko ang bag ko na bitbit ni Hoseok at iniwan ang dalawa.
"Unnie! Kain tayo mamayang lunch sumabay ka samin ha!" Sigaw ni Yeri, ngumiti nanaman ako pero wala akong balak.
Lalo ng alam kong may makikita akong di ka nais-nais kaya wag na lang.
"Wendy, kung nahihirapan ka lang wag kang mahiyang magtanong sakin ah. Parehas naman tayong schedules kaya lagi mo akong kasama." Tumingin ako kay Hoseok at niyakap siya.
"Sobrang salamat Hoseok, hindi ko alam ang gagawin ko kung wala ka." Halata ko naman na na-ilang siya sa ginawa ko kaya bumitaw agad ako sa pagkakayakap.
Kahit kailan talaga Hoseok, ang hina mo pagdating sakin haha.
"We-wendy! Alam mo bang foul play yun! Sabihan mo ako para makapag ready naman ako!" Tinawanan ko lang siya.
"Btw, diba ibang course si Yeri? Bakit nandito siya sa building natin?"
"Ahh, magkatabi lang kasi ang fine arts building at culinary arts building. Kaya okay lang kahit tumambay pa si Yeri dito." Ahh so fine arts pala kinuha ni Yeri.
Nakarating na din kami sa classroom namin para sa unang schedule.
"Si Jungkook? Iba ba schedule niya?" Tumango naman si Hoseok.
Pumasok naman na ang Prof namin na nagpakilala Junmyeon.
Bigla naman bumakas ang pinto ng napakalas.
"Ikaw nanaman!? Ilang beses ka bang magiging late sa klase ko ha? Mr. Kim? Nandun ka nanaman ba kay Ms.Kang sa fine arts building kaya late ka!? " Galit na sinabi ni Prof.Junmyeon.
So fine arts din pala si Seulgi, sabagay it suits her dahil sa talent niya sa drawing and visualizing.
Tumawa lang siya at pinapasok din Prof.
Ganyan ba siya palagi? Tss. Mani laude muna bago landi.Teka--
Tumingin ako kay Hoseok na para bang wala lang sakanya yung nangyari kanina.
Tumingin din siya sa akin.
"Relax Wendy, hindi natin maiiwasan na may parehas tayong schedule sakanya." Relax!? Alam ba niyang ayokong makita si Kim Vinz!
"Ilang schedule ang parehas natin siya?" Bulong kong tinanong kay Hoseok.
"Tatlo, kaya chill ka lang. Out of eleven subjects, tatlong beses mo lang siya makikita at yung isa doon once a week lang." Inirapan ko parin siya.
Tumingin naman ako kay Vinz na papa-upo.
Humanda ka saking lalake ka, pero teka ang gwap- EHEM.
Paparamdam ko sayo gaano nagbago yung sinayang mo.
-