50;

209 16 2
                                    


wendy's

"Okay, bumunot kayo ng number at kung sino ang kaparehas niyo siya ang kapartner niyo for this semester's thesis."

Bumunot na ako at nakuha ko ay 12, basta ba matino yung kapartner ko masaya na ako.

"Wendy, ano number mo?" Pinakita ko ang papel ko sakanya at biglang napaluhod si Hoseok.

"H-hindi maari! 11 ako, plus 1 na lang bakit hindi pa nagawa ng tadhana! Huhuhuhu!" Luh siya.

Lumapit naman samin si Mr. Feeler na si Vinz.

"Ano number mo Vinz?" Tanong ni Hoseok.

Pinakita naman ni Vinz ang papel niya.

Fvk.

"Twelve!? Palit tayo Vinz sige na!" Nagpacute si Hoseok pero hindi pinansin ni Vinz.

"Ayoko nga! Si Wendy kapartner ko, matino siya kaya sure akong makakagawa kaming thesis! Blehh!" Dinilaan pa ni Vinz si Hoseok.

Si Hoseok naman parang namatayan na nagluluksa.

"Okay lang yan Hoseok, hanapin mo kaya muna kapartner mo bago ka magluksa jan." Saad ko.

Tumayo naman siya at umalis para tanungin ang mga number ng kaklase namin.

Naiwan kami ni Vinz dito.

"So makakasama kita for this semester? Nice."

Anong nice ka jan, walang nice!

"Aasahan ko na seseryosohin mo ang thesis natin Mr. Kim Vinz." Ngumiti lang siya sa akin and he patted my head.

Bigla niyang nilapit ang mukha niya sa akin at bumulong.

"Don't worry Ms. Son Wendy, ako yung lalakeng naaasahan, kapag sinabihan ginagawa ko agad." I slapped his hand na nakapatong padin sa ulo ko.

"Edi kung ganun, mas mabuti. Akala ko kasi hindi ka parin nagbabago Vinz. I thought ikaw padin yung lalakeng, kapag nag e-effort yung babae, wala kang pakielam kasi manhid ka." Sagot ko.

"Well sorry nagbago na ako Wendy, binago kasi ako ni Seulgi." He smirked at me.

"Good for you, buti at nabago ka pa. Akala ko kasi wala ka ng pag-asa." Nakatingin lang kami sa isa't-isa ng hindi kumukurap.

"Wendy! Si Nayeon kapartner ko hihi! Matino yung kapartner ko!" Biglang dumating si Hoseok kaya naputol yung titigan namin ni Vinz.

"Good for you." Ngiti ko.

Bigla naman tumunog ang cellphone ni Vinz.

"Hello? Babe?" Sagot niya, tumingin muna siya sa akin atsaka umalis.

Nanandya ba siya!?

Friends daw tapos ang lakas mang-asar!?

Friends niya mukha niya!!

"Hoseok halika na nga sa cafeteria!" Kinuha ko ang bag ko at hinila si Hoseok.

Nakita ko naman si Vinz sa labas na nakangiti habang may kinakausap sa phone kaya hindi niya kami napansin.

I felt a pang on my chest.

So kapag sakanya abot tenga ang ngiti, tas sa akin hindi?

Haha. Nice.

-

erroneous ⇝ wenvWhere stories live. Discover now