Prologue

5.8K 79 29
                                    

Prologue

Ito na ang pinakahihintay na pagkakataon ni Inspector Neru. Sa wakas. Ngayong gabi ay mahuhuli niya na rin ang pinakamadulas na magnanakaw sa buong Sudura.

"Bumaba ka na dyan Black Raven! Napapaligiran ka na namin!"

Tulad ng mga pulis at ng mga taong usisero ay nakatingala rin si Inspector Neru sa taas, inaabangan ang susunod na gagawin ng Black Raven na kasalukuyang nakatungtong sa tutok ng malaking orasan ng tore. Nagkalat ang mga pulis sa paligid ng tore at may ilan na ring pumasok sa loob. Sa madaling salita ay na-corner na nila ang mandarambong. Ito ang unang pagkakataon na makita nila nang matagalan ang Black Raven. Lagi kasi sila nitong natatakasan bago pa man nila ito mahuli.

Isang mamahaling sapatos ang ninakaw ngayon ng Black Raven na nagkakahalaga ng labinlimang libong rupya. Ang sapatos ay sinasabing dinisenyo ni Primrose, ang pinakatanyag na shoe designer ng Sudura noong unang panahon. Sinasabing may malaking amethyst na naka-disensyo sa sapatos at para sa isang bansang salat sa mga mamahaling bato at dyamante ay napakalaking kawalan kung mapupunta sa masamang kamay ang sapatos.

Kahit malayo ay tanaw ng inspector ang puting kasuotan ng kanilang tinutugis. May suot itong puting kapa, isama pa ang puting maskara na tinatakpan ang mga mata

nito. Di yata't masipag maglaba ang magnanakaw dahil alagang-alaga sa pagkaputi ang kanyang costume, sa isip-isip ng inspector. Taliwas ang kasuotan nito sa

bansag na Black Raven. Kung sabagay, sila lang naman ang nagbigay ng alyas na 'yon dahil tuwing--

Natigilan ang inspector nang mag-landing mismo sa harapan niya ang isang itim na balahibo.

Balahibo ng ibong Ravena..

Ang bagay na ito ang dahilan kung bakit iyon ang alyas na itinawag nila sa mandarambong. A raven's black feather. Black Raven.

Tinitigang mabuti ni Inspector Neru ang balahibong lumapag sa kanyang harapan. Nagpapakita lamang ang ganitong balahibo sensyales na ganap nang nakatakas ang Black Raven.

Nalintikan na!

Agad na pinulot ng inspector ang balahibo. Kasabay ng muli niyang pagtayo ay nakarinig siya pagsabog mula sa taas at nang tumingala siya sa langit ay bumungad sa kanya ang napakagandang fireworks.

Ngunit imbis na mamangha sa fireworks ay biglang sumama ang kutob ng inspector. At hindi nga siya nagkamali ng hinala..

..dahil nang ibaling niyang muli ang tingin sa may

tore ay wala na roon ang Black Raven.

======================================

AUTHOR'S NOTE:

Hello! Yey! After two months ng pahinga, I'm finally back on writing!Midnight Fairytale is my first fantasy story. Nangangapa pa po ako sa genre kaya pagpasensyahan na

kung hindi man pumatok sa lasa niyo ang paraan ng aking pagsusulat. Gusto kong i-challenge ang aking sarili kung kaya ko bang sumulat ng fantasy, at the

same time para i-pleasure na rin ang aking sarili. Yes, I write for pleasure and not for pressure.

Medyo informal ang datingan ng pagsusulat ko (lalo na sa umpisa). Medyo na-stress kasi talaga 'ko sa

nakaraan kong story. Masyadong seryoso, eh may saltik pa naman akong tao kaya namiss ko talagang sumulat ng kalokohan. Wag kayong mag-alala, pag sinabi ko namang medyo informal eh hindi naman jejemon type ang tinutukoy ko. Basta. Baliw-baliwan mode. 'Yun. Gusto ko nga itong i-sub-genre ng Humor kaya lang hindi naman kasi Humor ang kwento hanggang ending. Magseseryoso rin tayo habang tumatagal, tutuklas ng misteryo at luluha ng dugo. Lels. First person point of view po ang gagamitin ko sa simula. Hindi niyo ma-a-appreciate ang katalandian at kaloka-han ni Krishna pag nilagay ko sa 3rd person. Masyado kasing seryoso pag 3rd person, chill chill lang muna tayo sa simula. Ayun, sana kahit may sayad ang simula ay kumapit pa rin ang readers hanggang dulo. Mahaba-habang kwentuhan din kasi 'to. Maiikli lang ang mga unang chapters. Technique ko 'yun para mapabilis ang sulat ko. Mehehe.

Gusto ko nga palang magpasalamat kay Direk_Whamba. Dedicated ang prologue sa kanya dahil super nainspire ako ng kanyang ForMad series. Sa totoo lang hindi naman talaga ako fan ng mga bampira. Pero dahil sa ForMad gusto ko nang maging bampira! Ewan ko ba. Dahil kay direk kaya naengganyo akong pasukin ang mundo nila. Salamat talaga sa pang-i-inspire direk!

O siya tama na ang satsat. Let's get it on! \m/

-asktherisk*

Midnight FairytaleTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon