#25
Wala siyang pangalan..
"Hindi ka nila mahal."
"Wala silang pake sayo."
"Mas mahal nila si Sven.."
Napahawak siya sa kanyang sentido. Naririnig niya na naman ang boses ng Caster sa kanyang isip.
"Kami lang ang nakakaalam ng eksistensya mo. Sa amin ka lang pwedeng magtiwala.."
"Hindi ka ba nagagalit sa kanila? Ikinulong ka nila sa painting na iyon sa mahabang panahon."
"Tutulungan ka namin.."
Mariin siyang napapikit. Napakasakit maalala ng lahat. Bakit nga ba kailangan niya pa itong maalala?
"Tutal naman pinangalanan ka na rin lang ng awtoridad na Black Raven, Raven na lang rin ang itatawag namin sayo."
"Magaling Raven.. Ganyan nga."
Nasuntok niya ang sinandalang pader.
"Ang Caster, wala siyang balak tulungan ka! Ginagamit ka lang niya!"
Nagdugo ang kanyang kamay ngunit hindi niya ito ininda. Patuloy niyang pinagsusuntok ang inosenteng pader na sumasalo ng kanyang galit.
"Pumapalag ka na? Hawak kita sa leeg. Bubuoin mo ang holy grail sa ayaw o sa gusto mo."
"Wala ka nang magagawa. Kailangan mong sumunod kung ayaw mong mapahamak ang babaeng iyon.."
Tuloy tuloy siya sa pagsuntok ng pader.Wala siyang pake kung magdugo man ang kanyang kamao. Halu-halong pawis, luha at tilamsik ng dugo ang nasa kanyang mukha. Ilang sandali pa at tumigil na rin ang mga pesteng alaala. Huminto na rin ang nakakarinding boses ng Caster at iba pang kasamahan nito sa kanyang isip.
Napaupo siya at muling napasandal sa pader. Kung alam niya lang.. Kung maaga niya lang sanang nalaman ang lahat.
"Ang tanga ko.." wala sa sariling nasambit ni Raven.
Napatingin siya sa sugatang kamao. Paniguradong magtataka na naman si Sven kapag nakita iyon ngunit ipinagkibit balikat niya na lamang ito. Batid niyang may ideya na rin ang kanyang alter sa mga nangyayari. Maya-maya pa ay nakarinig siya ng marahang katok sa pinto.
"Kamahalan.. Nakarinig po kami ng mga kalabog sa inyong silid. Nais lang po naming masiguro ang inyong kalagayan." tinig iyon ng isang babae na malamang ay royal maid ng palasyo.
"Ayos lang ako," sagot ni Raven, ngunit nakikinita niyang mamaya ay hindi magiging maayos ang lagay ni Sven dahil sa ginawa niya sa kanilang kamao.
"Nais din po naming ipaalala ang magaganap na Equinox ball mamaya," wikang muli ng babae. Muntik na 'yong makalimutan ni Raven. Mabuti na lang at may nagpaalala sa kanya.
Nang maramdaman niyang umalis na ang royal maid ay inayos niya na ang sarili pati ang pader na kanyang sinira. Gamit ang alkemiya na kasulukuyan niya pa ring pinag-aaralan sa pagtuturo ng Caster ay binuo niya ng walang kahirap hirap ang nagcrack na pader.
Sinimulan niya nang maghanda para sa Equinox ball. May usapan sila ng Caster na mas maigi kung si Sven ang dadalo sa kasiyahan ngunit hindi siya magdadalawang isip lumitaw mamaya kung sakaling galawin na naman nila si Krishna.
Ang babaeng iyon.. Napangiti si Raven nang maalala si Krishna.
"Bilang ganti sa pagpapalaya mo sa'kin, gagawin ko lahat para protektahan ka.."
***
Okay. Sige. Ako na ang mukhang tuod dito na nakakapit lang sa railings at hindi sinusubukang mag-skate!
BINABASA MO ANG
Midnight Fairytale
مصاص دماءIto ang fairytale na walang fairy pero puro bampira. Lels.