Solstice #4

802 28 0
                                    

Solstice #4

-Krishna-

Isinusuot na sa akin ngayon ni Queen Alijah ang mangala sootra --isang kwintas na sumisimbolo sa mga babaeng bampira na sila'y ganap nang may asawa. Uhh..is it necessary to wear this? I mean, hindi naman talaga 'ko bampira 'di ba? Hayss. Medyo nahihirapan akong maka-catch up ng simbolismo dito sa kasal namin, hindi pa kasi namin nata-tacle 'to sa vampire class ko.

Napatingin ako kay Raven. Mula nang magpalit sa kulay pula ang mga mata niya ay hindi na siya umimik. Napakaseryoso niyang tignan. Para tuloy..ugh. Nevermind.

Matapos kong isuot ang kwintas ay ganap na ipinroklama ni mommy ang pagtanggap niya sa pamilya Ishvara bilang parte na rin ng aming pamilya. Katabi niya ang dalawa kong stepsisters na todo ang outfit para sa kasal. I wonder kung hindi ba sila nawi-wirdohan sa kasalang ito. Pero ang sabi sa'kin ng elders baka raw after ng reception tanggalan din sila ng alaala. Oh well papel..

Nasa ganoon akong isipin nang bigla akong may maamoy na kakaiba. Shit, ano 'yun? Amoy cotton candy na ewan. Basta. Ang bango niya. Mahalimuyak sa tamis. Nagpalinga-linga ako para hanapin kung saan ito nagmumula ngunit sinita ako ni Queen Alijah.

"Ituon mo ang iyong atensyon sa kasal."

Napalunok ako dahil pakiramdam ko ay napagalitan ako ng reyna. Hindi ko alam kung ako lang ba 'yun, pero pakiramdam ko parang ayaw sa'kin ni Queen Alijah. Siguro, tulad ko ay hindi pa rin siya makapaniwalang ikakasal na agad ang anak niya. Sinunod ko ang sinabi ng reyna at nag-focus na lang ako sa aking kasal. Isinagawa na namin ang Vivaha-Homa, kung saan nagsindi ng sagradong apoy ang Purohit. May mga binigkas siyang salita na hindi ko maintindihan at panay tango lamang ang isinagot namin ni Raven. Dito ay bumalik na sa lila ang kulay ng mga mata niya.

"Yun. 'Kala ko, 'di na ko makakabalik eh," he murmured, na hindi ko naman naintindihan. Nang tinanong ko siya kung anong ibig niyang sabihin ay ngumiti lang siya at hinawakan ang kamay ko. Ngayon na lang ulit siya ngumiti mula nang naging pula ang mata niya.

Sunod na seremonya ang Shilahoran at Laaja Homa. Dito ay nakatakda kaming umakyat sa malaking bato, simbolo na kahit anong pagsubok ay malalagpasan naming mag-asawa. Habang palabas kami ng palasyo para puntahan ang malaking bato sa hardin ay mas lumalakas ang naaamoy ko kanina pa.

Siniko ko si Raven. "Naaamoy ba yun?"

"Alin?"

"Yung mabango?"

"Ang talas naman ng pang-amoy. Ang layo ng kusina dito sa palasyo, naamoy mo pa yung mga handa? Aba matinde."

Inirapan ko na lang si Raven dahil sa inis. Bwiset. Ako lang ba talaga nakakaamoy nun? Ba't ganun?

***

Puno nang pagnanasang tinitigan ng Pagâla si Noknok. Tulad nang iniutos sa kanya ay pinahirapan niya ito ng lubos. Ang binata ay duguan mula sa kanyang pagkakakagat at anumang oras ay malapit na rin itong maging kanyang kauri. Sa loob-loob ng Pagâla ay ayaw niyang maging katulad niya ang biktima. Mas gusto niyang ubusin ang dugo nito hanggang sa tuluyan itong maagnas at maabo. Napakabango. Nakakagutom. Kaunti na lamang at baka hindi na makapagpigil ang Pagâla na tuluyang ubusin ang dugo ng binata.

"Putragis hindi ko na kaya!"

Akmang susunggaban na ng Pagâla si Noknok ngunit biglang may tumusok dito na isang pulang sibat. Nagkikisay ang Pagâla sa madamong hardin, tumirik ang mata, natuyo at naging abo.

Lumipad pabalik sa kamay ni Caleb ang lance at dali-dali nilang pinuntahan ni Saber ang kaawa-awang si Noknok. "Nahuli na yata tayo," wika ni Saber nang maabutan ang lagay ng binata.

"No. He's still breathing," ani Caleb matapos itong pulsohan. "Pero magiging Pagâla siya pag hinayaan natin siyang ganito."

"Kailangan natin siyang patayin bago siya maging ganap na Pagâla!" Biglang tumayo si Saber at pinalabas ang Excalibur. Aktong bubunutin na niya ito sa lupa ngunit pinigilan siya ni Caleb.

"Sandali.. May paraan pa."

Sandaling tinitigan ni Caleb si Noknok na kasalukuyan nang nagde-deliryo. Nagsisimula na itong magkikisay at tumitirik na rin ang mga mata nitong unti-unting nagiging kulay dilaw.

"Lancer, ano na!? Magiging Pagâla na siya!" untag ni Saber na nakaamba na ang Excalibur sa dibdib ni Noknok. Tila wala namang narinig si Caleb na nakatitig pa rin sa kaibigan ni Krishna. Nasa ganoon silang sitwasyon nang biglang may tatlong Pagâlang nagsulputan sa likod ng mga puno.

"Get the fuck off!" Caleb swore nang pareho sila ni Saber dinambahan sa likod ng dalawang Pagâla. Ang isang Pagâla naman ay inagaw kay Saber ang hawak na Excalibur. "Hindi niyo siya pwedeng patayin! Nakatakdang sirain ng binatang ito ang kasal!" asik ng Pagâla sabay tapon ng Excalibur sa di kalayuan. Halos masakal na ang dalawang SangReal sa ginagawa ng dalawang Pagâlang nakadamba sa kanilang likuran. Ngunit may nakalimutan ang Pagâlang ito. Lingid sa kanyang kaalaman ay---

"ARRGGGHHHH!" Bigla na lamang bumagsak sa damuhan ang Pagâlang nasa likod kanina ni Saber. Nakatusok na rito ang pulang sibat ni Caleb. Iyon ang nakalimutan ng Pagâla. Ang Lance!

"Ngwarkkkkk..."

Naalarma ang dalawang royal blood sa boses na iyon ni Noknok. Kagat-labing napapikit si Caleb habang nilalabanan ang Pagâlang nakadamba pa rin sa kanyang likuran. Batid ng prinsipe na mahalaga si Noknok kay Krishna at alam niya ring labis itong malulungkot kapag nalamang nitong naging Pagâla si Noknok.

At ayaw niyang malungkot si Krishna..

"Saber! Madali ka! Iligtas mo si Noknok!"

Samantala ay nagmamadali namang pinulot ni Saber ang Excalibur. "Wala nang pag-asa 'to! Kailangan na siyang mapatay bago maging ganap na Pagâla!"

"M-Meron pa!" nahihirapang sambit ni Caleb habang nilalaban ang dalawa pang natitirang Pagâla. "Kagatin m-mo! Gawin mong bampira!"

Natigilan si Saber sa narinig na iniuutos sa kanya ng Lancer. Tila nanumbalik sa kanya ang lahat. Ang hirap.. Ang sakit.. Ang paghihinagpis. Bakit? Bakit nga ba kailangang maulit ng lahat?

"Ngwaaaarrrrkkkk!"

"What the hell, Saber! Bilisan mo na!"

Tila walang naririnig si Saber. Nakatitig lang siya sa nagkikikisay na si Noknok. Ang kaliwang mata nito'y ganap nang kulay dilaw. Kung kanina'y mabango pa ang naaamoy nilang dugo ngayon ay nakakasuka na ito sa sobrang sangsang na umaalingasaw rito. Kaunti na lamang at ganap na itong magiging Pagâla.

Mariing napapikit si Saber. Pagmulat niya ng mata ay bakas ditong nakapagdesisyon na siya dahil mula sa itim ay naging pula na ang kulay ng mga mata niya.

"Dalian mo na!" sigaw sa kanya ni Caleb na sa wakas ay nakawala sa pagkakadamba ng Pagâlang nasa likuran nito. Mabilis na sinibat ni Caleb ang Pagâla na mabilis naman nitong ikinamatay.

Samantala ay unti-unti namang lumalapit si Saber sa ngayon ay nagwawala nang si Noknok. Nang malapitan niya ito ay agad niyang hinawakan ang binata sa magkabilang braso.

"Mauulit na naman ba? Ha, Heroj?"

"Grrgghhh! Ngwaaaark!"

Naluluhang napakagat-labi na lamang si Saber. Humaba ang kanyang pangil at sa isang iglap umalingawngaw ang palahaw ni Noknok sa buong palasyo.

Midnight FairytaleTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon