#22
Kruuuuuuu..
Pinilit kong hindi magpahalata ng reaksyon, pero ang totoo niyan ay tunog talaga iyon ng tiyan ko. Nagpalitan ng tingin ang mga seatmates ko habang ako naman ay kiber lang. Sana hindi nila mahalatang ako 'yun..
Sumubsob ako sa desk ko. Bukod sa nakakahilo ang mga equations na nakasulat sa white board ay nahihilo na rin talaga ako sa gutom. Bukod pa ro'n ay masakit din ang buong katawan ko. Dumating kasi kagabi si mommy. 'Yung dalawa niyang impaktitang anak ay nagsumbong na hindi raw ako nagluto ng hapunan nang araw na 'yon. Ipinaliwanag kong ubos na ang iniwan niyang budget pero nagalit pa rin si mommy sa'kin. Ayun, binugbog niya ko kagabi at hindi binigyan ng ano mang makakain ngayong araw. Kesyo bakit ko raw ginugutom ang anak niya, dapat raw tinipid ko 'yung iniwan niyang pera. Mga gano'ng bagay.
"Class dismiss.."
Nagsi-tayuan na ang mga kaklase ko pero ako, heto at hindi na makagalaw sa kinauupuan ko. Gusto kong tawagin si Caleb pero nagmamadali siyang umalis. Mukhang busy talaga sila sa SBO. Balita ko ay malapit na raw ang school fest.
Wala akong ideya kung gaano katagal na akong nakasubsob sa desk ko. Thirty minutes? One hour? Wala akong ideya kung gaano kahaba ang idlip ko pero medyo nakaipon na 'ko ng lakas kaya tumayo na 'ko at nagpasyang lumabas ng classroom. Makauwi na nga.
Wala nang masyadong estudyante sa hallway. Siguro nga'y napahaba nga 'ata talaga ang tulog ko. Pababa na sana ako ng hagdan kaya lang may nakita akong dalawang estudyanteng nag-uusap. Hindi muna ako tumuloy nang makita ko kung sinong nag-uusap..
"Ano bang nangyayari sayo Sven? Hindi ka naman dating ganyan."
"Iyon na nga eh. Hindi ako ganito dati. Kaya nga layuan mo muna ako habang tinutuklas ko kung ano bang nangyayari sa sarili ko."
"Pero bakit ko pa kailangang lumayo? Ayoko.."
"Makinig ka, Jiah.." nakita kong napabuntong hininga ang kamahalan. Nababasa ko sa ekspresyon niya na mukhang nag-aalangan siyang magsalita. "Look.. Malimit akong magkaron ng missing hours. At sa mga missing hours na iyon ay wala akong matandaan kung anong nangyari sa'kin. Hindi ko alam.. B-Baka mamaya mamamatay tao na pala 'ko sa mga missing hours ko."
"Sven.."
"Ayoko lang namang mapahamak ka.."
Wala nang umimik pagtapos no'n. Medyo hindi ko pa rin na-a-absorb ang mga narinig at nakita ko. Ang kamahalan...may missing hours?
Nang silipin ko ulit sila ay nakita ko silang magkayakap. Nagtago akong muli. Ewan ko ba, pero parang may isang parte ng sarili ko na ayaw silang makita sa ganoong posisyon. Awkward. Tama. Na-awkward-an lang siguro ako.
Ilang sandali pa at sumilip akong muli. Wala na sila kaya tuluyan na 'kong bumaba. Sa mga narinig at nasaksihan ko ay parang bumalik ako sa pagkahilo.
"Okay ka lang miss?" boses iyon ni manong guard nang palabas na 'ko ng campus. Nakita niya siguro akong namumutla. Tumango na lang ako at pilit na ngumiti para iparating na maayos lang ako. Pero sa totoo lang ay hindi talaga ako maayos. Ewan ko ba. Parang pagtapos kong mag-eavesdrop sa usapan ng crown prince at ni Jiah ay parang mas lumala ang lagay ko. Ang bigat sa pakiramdam..
Wala nang masyadong estudyante rito sa labas ng university kaya medyo alerto ako sa paligid. Baka mamaya bigla na lang may manghablot ng bag ko eh, mahirap na, lalo na't wala naman akong pera. Binilisan ko rin ang paglalakad dahil nararamdaman kong parang may mga matang nakatingin sa'kin.
Malapit na 'ko sa may sakayan ng jeep nang makaamoy ako ng isang napakatapang na pabango. Umaalingasaw ang halimuyak nito sa buong paligid. Nakaka-engganyong hanapin kung saan nagmumula ang amoy. Himalang nawala ang nararamdaman kong pagka-hilo. Napakabango talaga..
BINABASA MO ANG
Midnight Fairytale
VampireIto ang fairytale na walang fairy pero puro bampira. Lels.