#28
"Daddy, is she pretty?"
"Oo anak. Pero..mas maganda ka pa rin."
"Mabait kaya yung mga magiging kapatid ko?"
"Kapag mabait ka sa kanila, magiging mabait din sila sayo."
Kinurot ni Daddy ang pisngi ko. Eeeh ang shakit! Ilang sandali pa at may dumating na isang babae na may kasamang dalawang bata.
"Anak, ito si Tita Hainra."
Lumapad ang ngiti ko no'ng makita ko na siya. Tama si Dad. Maganda nga siya. Kiniss ako ni Tita Hainra sa cheeks tapos may inabot siya sa'king gift. Teddy bear!
"This is your Kuya Rayan. At Ito naman si Yara." pagpapakilala ni Daddy do'n sa dalawang bata. Nginitian nila 'ko kaya nginitian ko rin sila.
Dumating ang waiter at sinerve ang mga inorder namin. Masaya kaming kumain. This is the family I've been wishing for.
"Krishna baby, mawawala lang saglit si Daddy ha?"
"Saan po kayo pupunta?"
"Malayo eh. Pero pramis, dadalhan kita ng pasalubong."
"Sama na lang ako daddy.."
"Hindi pwede eh. Andyan naman ang Mommy Hainra mo. Aalagaan ka niya."
Niyakap ako ni Daddy nang mahigpit. Matagal. Kaya niya pala ako dinala dito sa parke para lang makapagpaalam siya. Naramdaman kong parang nababasa yung braso ko. "Daddy umiiyak ka ba?"
"Hindi anak," sabi niya saka bumitaw sa yakap. "Basta. Pangako, babalik ako.."
"Wag ka na lang pong umalis..."
"Hindi pwede 'nak eh. May kailangang hanapin si Daddy." Ginulo ni Daddy ang buhok ko saka tumayo. Pinisil niya sa huling pagkakataon ang pisngi ko saka niya ko tuluyang tinalikuran.
"Dad! Wait! Sasama na lang ako! Dad! Dad!" hinabol ko si Daddy pero unti-unti na siyang kinain ng hamog. No! Kailangan ko siyang mahabol! Ayoko. Ayoko nang maiwan ulit! Dad!
"DAD!" bigla akong napamulat ng mata at bumungad sa'kin ang isang napaka pamilyar na lugar.. Ang aking kwarto.
Oo nga pala. Iniuwi na 'ko rito kanina ni Noknok at Saber. Okay na kami ni Saber, pero sila ni Noknok? Parang hindi 'ata talaga sila magiging okay. Hindi niyo ba maintindihan kung bakit? Ako rin eh.
I let out a heavy sigh. Napanaginipan ko na naman si Daddy. I really miss him.. Ayokong isipin na nagpaparamdam siya sa mga panaginip ko. Para sa'kin mga patay lang ang nagpaparamdam, at hindi pa patay ang Daddy ko.
BINABASA MO ANG
Midnight Fairytale
VampireIto ang fairytale na walang fairy pero puro bampira. Lels.