#29
Namumugto pa ang mata ko habang tinatahak ang isang eskinita sa isang tagong lugar dito sa Sudura. Hawak ko sa aking kanang kamay ang sulat nina fairy grandfather. Unti-unti nang lumalabo ang dugong ginamit na panulat dito tanda na malapit nang mabura ang eksistensya nila sa mundo ayon na rin sa paliwanag ni Saber. Hangga't naroon pa raw kasi ang dugo sa sulat, ibig sabihin hindi pa sila ganap na nawawala. I wonder kung nasaan sila ngayon..
Ayon sa sulat ay inilipat nila sa pangalan ni Noknok ang lahat ng kanilang ari-arian. Hindi na 'ko nagtaka na hindi nila 'ko binigyan dahil alam nilang hindi ko tatanggapin iyon. Magkaganun man ay may isang napakahalagang impormasyon naman silang iniwan sa'kin. At hindi iyon matutumbasan ng kahit anong kayamanan.
"Eto na yata 'yun," wika ni Saber nang tumigil kami sa paglalakad. Pinakatitigan ko ang lugar. Ito na nga.
Ang sabi sa sulat, nakita raw ng tauhan nina fairy grandfather ang aking ama dito mismo sa pagaawang ito ng mga sapatos nito lang mga nakaraang araw. Pumasok daw rito sa shop si Daddy kasama ang isang mama na sobrang laki ng katawan.
"Berseker?" biglang nasambit ni Saber nang may lumabas sa shop na isang mama. Tunay ngang napakalaki ng katawan nito. At parang pamilyar siya sa'kin..
"Kilala mo siya?" tanong ko.
Tila wala sa sariling umiling si Saber. Nagkibit balikat lang ako habang sinusundan ng tingin iyong mama. Grabe sa laki ng katawan.. "Siya siguro yung lalakeng kasama ni Daddy na binanggit din sa sulat."
Hinihintay ko ang pagtango ni Saber ngunit nakatingin pa rin siya ro'n sa mama. Siguro na-stun din siya sa tangkad at laki ng katawan ng mamang iyon. Naalala ko tuloy 'yung lalake at batang babaeng nakasalubong namin ni Noknok sa elevator noong nasa ospital kami ng mga bampira. Hindi kaya ito rin 'yung mamang iyon?
"Krishna, sa tingin ko kailangan na nating umalis dito." hinawakan ni Saber ang kamay ko at tinangka akong kaladkarin.
"Teka, hindi ako aalis dito hangga't hindi ko nakikita si Dad!" Magpupumiglas pa sana ako pero nagulat na lang kami nang biglang umulan ng matutulis na yelo. Ang nakakapagtaka pa rito ay walang reaksyon ang mga tao. Hindi ba nila 'yon nakikita?
Napakapabilis ng mga pangyayari dahil nasumpungan ko na lang ang sarili na nasa loob ng restaurant malapit doon sa shop. Tss..Kinaladkad na naman ako ni Saber.
"May sumusunod sa'tin." nangangamba niyang wika habang nakasilip sa bintana.
"Gaano ka naman nakasisigurong tayo ang puntirya nun?" tanong ko pero hindi siya sumagot. Pinapanood niya lang ang nangyayari sa labas. Nagtuloy-tuloy ang pagbagsak ng matutulis na yelo mula sa kung saanman.
"Tulong! May inatake sa puso!"
May isang matandang lalake ang bigla na lang natumba sa gitna ng daan. Kitang kita ko ang yelo na nakatusok sa kanyang dibdib.
"Masama ito.." sambit ni Saber. Maging ako ay nanlumo sa aking nakikita. Ang mga tao.. Hindi nila alam na namatay ang matanda dahil sa tinamaan ito ng yelo at hindi dahil sa atake sa puso. Napakagat ako sa labi nang maaninag ko na ang thread of life ng matanda. Diyos ko..
"Sa tingin ko hindi lang ikaw ang naghahanap sa daddy mo Krishna.."
Napatingin ako kay Saber. "A-Anong ibig mong sabihin?"
"Ang may pakana nito. Handa siyang pumatay ng tao mahanap lang ang iyong ama.."
"Pero bakit?"
Nagkibit balikat lang si Saber. Nakakaasar. Bakit ba lagi na lang akong kulang sa impormasyon? Ilang sandali pa at tumigil na rin ang pag-ulan ng yelo.
BINABASA MO ANG
Midnight Fairytale
VampirosIto ang fairytale na walang fairy pero puro bampira. Lels.