#16
Nakarinig ako ng putok ng baril sa malapit. Pareho kaming nagulat, at bigla na lang akong hinila ng magnanakaw na 'to sa kalapit na eskinita.
"What do you think you're---" he covered again my lips as he pinned me against the wall. Naririnig ko ang mga yabag ng pulis sa dulo ng eskinita. Gumawa lang kami ng ingay ay tiyak na maririnig nila kami.
O Diyos ko, bakit ba ako nadamay rito?
Nang mawala na ang mga pulis ay tinanggal niya na rin ang kamay niya sa bibig ko. Pwew! Pinagpawisan ako ro'n ha!
Doon ko lang napansin na tinititigan niya pala 'ko. Err? Alam kong magnanakaw siya, pero wag niyong sabihing rapist din siya?!
"I knew it. Magkikita't magkikita talaga tayo," he grinned, na siyang ikinalito ko. Anong pinagsasabi niya?
Bago pa 'ko makapagsalita ay bigla siya yumuko sa harap ko at isinuot sa'kin ang dala niyang sapatos.
Deja vu?
"It fits," wika niya at tumingala sa'kin. That lavender eyes again. Saan ko nga ba 'to nakita?
Hilahin ko kaya yung maskara niya?
Pero bago pa 'ko makabuo ng plano ay tumayo na siya at tumalon. Holy moses! Napunta siya sa bubong nung bahay na katapat namin!
"T-Teka, yung sapatos!" I shouted.
"Sayo na yan," sagot niya sabay may pinakitang dyamante sa kamay niya. "Nakuha ko na ang kailangan ko."
Muli siyang tumalon at ayun, nawala na siya sa paningin ko.
***
"Okay ka lang?" tanong sa'kin ni Caleb.
"A-Ayos lang ako.." I forced a smile. Darn. Am I that obvious from being tensed? Or he could also read minds?
"Madulas talaga ang Black Raven na yun. He really did a tactical escape," saad naman ni Caleb sabay abot sa'kin ng isa pang helmet. Sinuot ko yun at pareho kaming sumakay na ng motor.
Kung itatanong niyo kung nasaan yung sapatos, iniwan ko 'yun sa may eskinita. Mahirap na, baka mamaya mapagbintangan pa 'ko ng kung anu-anong paratang. Baka nga paghinalaan pa 'kong kasabwat ng Black Raven na 'yun e. Tch.. That weird thief. Bakit kaya gano'n na lang ang interes sa kanya ng mga tao?
Wala rin akong binanggit na kahit ano kay Caleb. Basta bumalik lang ako dito sa pinag-iwanan niya sa'kin and acted like nothing happened.
Mga sampung minuto pa bago kami nakarating sa bahay. Pasado alas diyes na kaya alam kong tulog na ang mag-iina. Wala nang mang-i-interrogate kung sinong kasama ko, mehehe.
"Anong gusto mo? Juice? Coffee? Water?" pang-aalok ko. Nakangiti lang siyang umiling. Uhh..dapat ba nag-offer ako ng dugo?
"Hindi ka ba natatakot sa'kin?" out of the blue niyang tanong.
"Why would I?" I asked back. "Kakagatin mo ba 'ko?"
Natawa lang siya. "Nothing. People are just..you know. They freak out when they find out that we're vampires. Pero ikaw, eto ka. Pinapasok mo 'ko sa bahay mo kahit kaka-kilala lang natin...at kahit alam mong bampira ako."
"Uhm..because you seem nice?" sagot ko.
"Look," biglang sumeryoso ang mukha niya. "hindi sa tinatakot kita, pero kung ganyan ka kabilis magtiwala, maaari kang malagay sa panganib."
Alam ko, may laman ang mga katagang binitiwan niya. Ano kaya ibig sabihin ni Caleb?
"Ahh.. Kukunin lang saglit yung jacket mo." na-awkward-an na 'ko sa eksena kaya hindi ko na hinintay ang reaksyon niya. Nagmadaling na 'kong pumasok sa kwarto para kunin ang jacket.
Now tell me. Mali nga bang nagpapasok ako ng bampira dito sa bahay?
***
Nagising ako sa malakas na katok sa pinto. Nang sulyapan ko ang orasan ay alas sinco pa lang ng umaga. Tss..
"Krishna gumising ka muna dyan, may ibibilin ako sayo!" sigaw ni mommy sa likod ng pinto habang patuloy na kumakatok.
"Wait lang!" Pupungas pungas akong tumungo sa may pinto. Nang buksan ko ito ay nakapamaywang na si mommy.
"Ba't ba ang hirap mong gisingin?!" bungad niya sa'kin. "Di bale may ibibilin lang naman ako sayo. Kapag may naghanap sa'kin sabihin mo hindi ako dito nakatira. Maliwanag?"
"Mmm mmm.." inaantok kong sagot. Gahd. Ginising niya ko para lang bilinan ng ganun?
Isinara niya rin agad ang pinto pagtapos niyang magbilin. Dumeretso na rin naman ako sa kama para ipagpatuloy ang tulog ko. Pinuyat ako ni Caleb kagabi eh...pinuyat sa kwentuhan.
May mga tinanong ako tungkol sa pagiging bampira niya. Kung totoo bang imortal sila.. Kung umiinom ba sila ng dugo ng tao.. Mga gano'n. Totoo rin daw na imortal silang mga bampira. Pero kahit imortal sila, pwede pa rin daw silang mamatay kung sila'y papaslangin. Tumatanda rin sila depende kung iinom sila ng dugo ng tao. Meron din siyang binanggit na gamot ng mga bampira para hindi tumanda kaya lang nakalimutan ko na kung anong tawag.
Kaya niya rin pala nalaman ang pangalan ko dahil nabasa niya sa I.D. ko. Limang beses na mas malinaw ang mata ng bampira kaysa mata ng normal na tao. Likas din silang mabibilis. Ang iba pa nga raw ay nalalabanan ang gravity. Bukod pa rito ang natatagong kakayahan ng isang bampira, lalo na ng mga pure bloods. Binigay niyang halimbawa si Ms.Elizalde, ang directress ng V.U.. Sinabi niyang galing ito sa angkan ng mga Rayearth kung kaya't may kakayahan itong makabasa ng isip.
Marami pa sana akong gustong malaman sa kanya kagabi kaya lang nagpasya na siyang umuwi bandang alas dose. Napansin niya rin kasing inaantok na 'ko kaya nagpaalam na rin siya. Maganda ang tulog ko dahil isang napakagwapong nilalang ang huli kong nakita bago matapos ang araw.
Pero eto naman ako ngayon, ginising ng peste kong madrasta.Bwisit. Hindi ko na tuloy mahagilap ang antok.
Sa totoo lang naghihinala na talaga ako dito sa madrasta ko. Saan nga kaya siya lagi nagpupunta? May alam kaya dito ang anak niya?
Matagal rin akong nakatitig sa kisame at nagisip ng mga bagay bagay. Kung nandito lang sana si Daddy, siguro mas maginhawa ang buhay ko ngayon. Ibinaling ko ang tingin ko sa picture frame na nakapatong sa drawer katabi ng aking kama ngunit nahagip ng paningin ko ang bintana. Ba't buksan yun?
Tumayo ako lumapit sa bintana para isara ito. Nakakapagtaka, sa pagkakatanda ko sarado naman ito kagabi.
Pero bago ko maisara ang bintana ay may nakita ako sa ibaba nito na isang itim na balahibo ng ibon.
Shocks.. Ina-aswang yata ako?!
BINABASA MO ANG
Midnight Fairytale
VampirIto ang fairytale na walang fairy pero puro bampira. Lels.