Equinox #12

1.1K 43 3
                                    

#12

Nakabusangot talaga ang mukha kong humarap kay Lola Luz.

"Bakit hindi niyo sinabing sa Vampire University niyo ko papag-aralin?!"

Ngumiti lang si Lola Luz. "Hija, ang sabi mo kasi hindi ka pwede magaral sa umaga. Nagkataon namang V.U. lang ang tanging pamantasan dito sa Sudura ang may pang-gabi na schedule kaya---"

"---kaya naisip niyong okay lang sa'kin na magaral doon kasama ang mga bampirang 'yun? No way!"

"Mababait sila Krishna," pangungumbinsi ni lola. "Para lang din silang mga tao."

Natawa ako, pero 'yung mapang-asar na tawa. "Oo nga naman, para lang din silang mga tao. Mga tao na humahaba ang pangil at napapalit-palit ng kulay ng mata. Gahd lola, tinakot nila 'ko!"

Kumuha si lola ng biskwit na nasa center table. No'n ko lang napansin, iyon 'yung brand ng biskwit na binahagi namin sa kanya ni Noknok dati. "Mga bampira sila. Normal lang na humaba ang pangil nila at magpalit sa pula ang kanilang mata sa oras na gustuhin nila," aniya pagkasubo ng biskwit.

"Pulang mata?"

"Oo. Bakit, hindi ba pula ang nakita mo?"

'Hindi.' gusto ko sanang sabihin pero pinili ko na lang manahimik. Nakakapagtaka. Sigurado ba si lola na pula lang ang mata ng mga bampira?

Naalala ko 'yung masquerade ball. Noong panahong 'yun lila ang mata ng prinsipe. Kahapon sa director's office, abo naman ang mga mata niya. Hanggang sa namilipit sa sakit ang prinsipe sa hindi malamang parte ng katawan, doon nagpabago-bago ang kulay ng mata niya na para bang hindi niya makontrol..hindi niya mapigilan.

Bakit ganun?

Magulo pa rin ang isip ko nang dumating na si fairy grandfather kasama si Noky boy. Sinamahan niya pala itong magenrol. Nag-fist bump agad kami ni Noknok pagkakita sa isa't isa.

"Ang ganda r'on sa pinapasukan kong academy!" bungad sa'kin ng kumag. Medyo nakaka-bitter ano po?

In fairness, nag-improve na talaga ang itsura ni Noknok. Nakaitim siyang t-shirt, skinny pants, chucks, at makapal na eyeliner. Pucha, emo?! Pero seryoso, ang cute niya.

Idinulog ko kay fairy grandfather ang reklamo ko. Tulad ni Lola Luz ay kinumbinsi niya lang ako na mababait ang mga bampira at parang tao lang din ang mga ito. Si Noknok naman ay nakanganga lang habang naguusap kami.

"Di nga?" bulalas ni Noknok. "Sa university ng mga bampira siya papasok?! Wow, parang online story!"

I raised an eyebrow. "Nagbabasa ka ng online story?"

"Oo, dito o." pinakita niya sa'kin ang bago niyang cellphone, eyephone X. "May weefee kasi ang kapitbahay, walang password."

Natawa ako sa weefee pero hindi ko na lang pinahalata. Mas nakuha kasi ng interes ko 'yung cellphone niya. Grabe, big time na talaga itong si Noky boy.

Sa pagtatapos ng usapan ay nakumbinsi rin ako nina Lola Luz na magaral sa V.U.. Magsumbong lang raw ako kung magkakaroon ng problema. Wala na 'kong nagawa kundi ang pumayag. Sino ba naman ako para magreklamo, eh libre na nga lang 'to di ba?

***

Pag-uwi ko sa bahay naabutan ko ang magkapatid sa sala. Pareho silang nakaharap sa tv, si Raya nagma-manicure habang si Yara kumakain ng chocolate.

"Nasan si mommy?" tanong ko.

"Hindi pa dumadating." si Yara ang sumagot. "Pwedeng paki-timpla naman ako ng juice?"

Dumeretso ako ng kusina at ipinagtimpla si Yara ng juice. Kahit mas matanda ako kay Yara ay sinusunod ko pa rin siya. Masama kasing magalit iyan pag hindi nasusunod ang utos lalo na sa pagkain. Ang takot ko lang pag dinaganan ako niyan 'no.

Nabahala lang ako na hanggang ngayon wala pa si mommy. Gabi na kasi, at napapansin ko lately lagi siyang umaalis. Hindi ako nagaalala ha, sadyang nagulo lang ni Ms.Elizalde ang utak ko sa sinabi niya noong orientation about sa assets ni daddy.

"Krishna! Ang tagal ng juice ko ano ba!" rinig kong sigaw ni Yara.

Minadali ko na ang pagtitimpla at lumabas ng kusina. Pagkabigay ko ng juice kay Yara ay aalis sana na agad ako r'on kaya lang bigla niya ulit akong tinawag.

"May balak ka bang patayin ako, ha?!" sigaw ni Yara sa'kin. Doon ko na-realize na strawberry juice pala ang naitimpla ko. May allergy nga pala siya sa strawberry.

"Naku s-sorry.. Ipagtitim---"

"---Isusumbong kita kay mommy!" pagbabanta niya pagtapos niyang isaboy sa pagmumukha ko 'yung juice.

Napatingin naman ako kay Raya na inilapag na ang cutics na hawak niya. "Linisin mo yan." sabi niya, at sabay silang lumabas ni Yara ng bahay.

Kung nagulat kayo sa mga nangyari, ako sanay na. Ganito naman lagi eh. Hindi nila 'ko tinatratong kapatid. Kung sa bagay, ayoko rin naman silang maging kapatid.

Naglinis ako ng katawan at bumalik sa sala para linisin ang iniwan nilang kalat. Nandoon pa rin iyong natapong juice sa sahig, nakabukas pa rin ang tv at nagkalat pa rin ang mga gamit ni Raya sa panglinis ng kuko. Sinimulan ko nang magligpit habang nakikinig sa tv.

"..hanggang ngayon ay pinaghahanap pa rin ng awtoridad ang tinatawag nilang Black Raven. Sinasabing ninakaw ng di-umanong taong ibon na ito ang maliit na crucifix na nasa kwarto ng kura paroko ng simbahan at ang tanyag na Graciellian brutch sa Museo de San Lorenzo. Ayon sa aming nakapanayam na nakasaksi sa huling nakawan, natamaan ang taong-ibon ng magpaputok ng baril ang mga awtoridad kaya siguro'y hindi pa ulit nagpapakita ngayon ang misteryosong taong-ibon."

Pagkarinig ko ng balita ay napatingin agad ako sa tv. May mga kuha sila na pinapakita ang simbahan. So..eto pala 'yung one time na na-traffic kami ni Noknok. Magnanakaw na taong ibon, seryoso ba sila? At nakakatawa lang iyong pangalan ng magnanakaw. Black Raven. Black na nga, Raven pa? Hindi pa parang redundant? Sigurado akong awtoridad ang nagbigay ng alyas sa mga magnanakaw na 'yun. In fairness, nakaka-curious kung bakit ganun ang ipinangalan nila. Lalo na noong ipakita nila ang itsura ni Black Raven. Puting puti ang suot! So, paano naging Black Raven iyon?

Pagtapos kong maglinis ay dumating na rin si mommy. Ipaghahain ko sana siya ng hapunan pero pinigilan niya 'ko.

"Pagod ako. Wag ka nang maghain." iyan ang sinabi niya sa'kin.

Saan nga kaya nagpupunta itong madrasta ko?

Midnight FairytaleTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon