Equinox #9

1.1K 52 2
                                    

#9

Sa dulo ako ng siyudad dinala ng driver ni Mr.Vijandre. Err..medyo creepy ang lugar. Liblib kasi. Puro abandonadong gusali at parang walang masyadong dumadaan. Hindi ko nga alam na may ganito palang lugar sa siyudad. Pero ang mas hindi ko inaasahan ay may nakatayo palang university sa lugar na 'to. Akalain mo 'yun?

Ibinaba ako ng driver sa tapat ng university at sinabi niyang maghihintay lang daw siya sa parking lot. And to my surprise, 'yung suot na uniform ng mga estudyanteng pumapasok sa loob ay katulad ng suot kanina ni Mr.Hazel Nut. Praise the Lord! Dito pala nagaaral si kuya. Hihi. Kaya pala nagtataka ako na first time ko lang makita ang uniform niya dahil nasa liblib na lugar pala ang university nila.

Pagbaba ko ng kotse ay pinagtitinginan ako ng mga estudyante. Err..anong meron? Napatingin naman ako sa may likuran ko. Uhm, natatakpan naman 'yung tagos ko ah? What's wrong with this fuckwits?

Masama rin ang tingin sa'kin ng sekyu nang lumapit ako sa kanya. "Pangalan miss?" tanong nito.

"Krishna. Krishna Aslan."

"Pumunta ka sa Directress' office. 2nd floor west wing."

Napakurap ako sa sinabi ng guard. Directress' office?! Talagang sa Directress? Sure ba siya?

Wala akong nagawa kundi sundin na lang sinabi ni manong guard. Ganun pa rin ang eksena sa daan, pinagtitingan pa rin ako ng mga estudyante. Hindi siya 'yung tingin na nangmamata, nandidiri o kung ano pa man. There's something on the way they look at me that I can't explain. Para silang..natatakot? Hala.. I don't bite!

Huminga muna ako ng malalim bago kumatok sa pinto. Pero bago pa ako kumatok ay bigla na itong bumukas. Bumungad sa harap ko ang isang..sexy na babae pero pusturang pustura sa kanyang stilettos. Sekretarya siguro.

"Kanina pa kita hinihintay," nakangiti niyang sabi sa'kin. "Come in."

Maaliwalas ang office sa loob. Umupo ako sa harap ng table tapos doon naman siya sa swivel chair. Wait. Don't tell me siya ang school directress?!

"So you're Krishna Aslan, right?" tanong niya habang ini-iscan ang hawak niyang folder. Walang imik naman akong tumango.

"Pasensya na kung ngayon ko lang nirereview 'tong record mo ha, ang dami ko kasing ginagawa," aniya. "It says here wala na raw ang mother mo?"

"My father told me she died after giving birth to me," malungkot kong tugon.

"Sorry to hear that. How about your father? Where is he?"

I shrugged. "He's missing."

"Kaya ba naiwan ka na lang sa mga madrasta mo?"

Marahan akong tumango. Haayy ba't ba may ganito pang interview about family background? Chinecheck ba nila kung afford kong makapag-aral sa univesity nila? Heller! Scholar ako ni fairy grandfather 'no!

"Nakalagay rin dito na naglalako ka raw ng mani sa siyudad? Is is true?"

"Yes mam."

"Well.. I don't mean to sound rude pero Ms. Krishna, kung gusto mo talagang makapagaral dito kailangan mong itigil ang sideline mong iyan. As you can see, this is a school for elites. Ayaw naming mabahiran ng masamang reputasyon ang aming pamantasan."

'Mga matapobre!' gusto ko sana 'yang isigaw pero syempre hindi ko ginawa. Grrr! Oo, ititigil ko naman talaga ang pagbebenta ng mani pag nagaaral na 'ko. Pero ang sakit rin pala kapag hinamak ang trabaho mo. Anong masama sa pagbebenta ng mani? Desente naman 'yun ah. Baka kapag natikman nila ang mani ko hanap-hanapin pa nila. Tch..

Ganun pa man ay kailangan kong magpakabait sa harap ng babaeng 'to. "Ahm don't worry miss. Ititigil ko na rin naman po ang pagbebenta ng mani." I said trying to hide my pissed aura. Na mukhang hindi niya rin naman nahalata.

"Maitanong ko lang, bakit ka nagbebenta ng peanut? May madrasta ka namang nagaalaga sayo di ba?" tanong niya ulit. Okay? Ano 'to, interrogation?

"Uhm, komplikado po ang buhay ko miss. Hehe." iyon na lang ang sinagot ko para hindi na humaba pa.

"I see. Naiintindihan ko naman na gusto mong isa-pribado na lang ang buhay mo, and I fully respect that. May isa na lang akong concern. How about your father's assets?"

Medyo naiirita na 'ko rito ha. "Uhh..ano pong meron dun?"

"Kasi sa nakikita ko, mukhang hindi ka nasusuportahan ng maayos ng madrasta mo. So I suggest you should use your sources. Yes, it's yours now. Considering your father's been missing for 7years, maaaring pa---"

"---excuse me," putol ko sa kanya. "pero hindi pa patay ang daddy ko."

Halatang ikinagulat niya ang pagtataas ko ng boses. "I-Im sorry if I got you offended. It's unintentional."

Dead silence. Buti naman at mukhang natauhan na siya. Matatanggap ko pa ang panghahamak sa trabaho ko, pero ang sabihing patay na si daddy? Get lost freakshit!

"As I was saying, kaya ko lang naman nabuksan ang topic about your father's asset dahil na rin sa katayuan ng madrasta mo ngayon. Upon reading your records, sinasabi rito na walang trabaho ang stepmother mo, but look, marangya pa rin ang kanilang pamumuhay. Hindi ka ba nagtataka?"

Parang na-mindfreeze ako sa sinabi niya. Oo nga 'no? Bakit nga ba hindi ko naisip 'yun? Saan niya kinukuha ang mga pang-gastos at luho nilang magiina?

Then the phone on her desk rang. Mga ilang minuto rin siyang may kausap. Base sa paguusap parang may hinihintay pa siyang darating ngayong araw. Este ngayong gabi.

Three minutes.

Five.

Ten.

Okaaay. Batong bato na 'ko dito ha. Akala ko ba orientation ko ngayon?

Pagbaba niya ng phone ay dineretsa ko na siya. "Uhm excuse me miss. Nasan na po 'yung school directress?"

Ngumiti naman ang babae. "Oh I'm sorry, hindi pa pala ako nakapagpakilala. I'm Vera Elizade, the directress of Vampire University."

Oh.. So tama pala ang hula ko kanina. Binasa ko ang pangalan na nasa desk niya. Hehe, siya pala 'yun. Vera Rayearth Elizalde School Directress Vampire University.

Bigla akong natigilan.

"VAMPIRE UNIVERSITY?!"

Midnight FairytaleTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon