Solstice #12

1.1K 42 19
                                    

-SVEN-

Wala akong ginusto sa mga nangyari..

Pero sabihin niyo sa'kin, kung lalake ka, matitiis mo bang makitang nahihirapan ang babaeng katabi mo sa kama? Makakatanggi ka pa ba kung siya na mismo ang nagdesisyon para sa inyong dalawa?

"Lalim ng iniisip ah.."

Napalingon ako sa nagsalita. Isang babaeng luntian ang buhok ang bigla na lang sumulpot sa tabi ko ngayon dito sa rooftop.

"Hindi mo ba alam na bawal pumunta dito kapag nandito ako?" hambog na kung hambog pero wrong timing ang pag-epal niya sa buhay ko. Hindi ko maramdaman ngayon ang presensya ni Raven kaya naman nilulubos-lubos ko nang mag-isip ng mga bagay-bagay habang wala siya, tapos heto ang isang 'to at ginugulo ang pagmumuni-muni ko. Wrong timing siya.

Samantala ay hindi man lang nasindak ang babae sa sinabi ko. Instead her lips curved into a smug smile. "Ikaw? Hindi ka ba natatakot na baka patayin kita?" sabi pa niya.

I gave her a sharp stare. Para sabihin ang ganung klaseng bagay, kailangan niya munang maging isang napakalakas na bampira. "Sino ka?"

"Target Brijesha," she said as she offered out her hand. "but since babae naman ako ngayon, Ghet na lang ang itawag mo sa'kin, kamahalan."

Hindi ko inabot ang kamay niya para sa handshake. Masyado akong na-curious sa sinabi niya. Bampirang may kakayahang mag-iba ng kasarian? That's new. Pwera na lang kung.. "Faker ka?"

Ngumiti ang babae. "Matalino pala ang crown prince."

Dagli akong kinabahan. Inamin niyang faker siya. Fakers are rare vampires. Teka. Hindi kaya isa siyang--I shuddered at the thought. It can't be. Masyado na silang marami dito sa school kung ganun nga.

"Hindi ako isang Rayearth kaya wala akong kakayahang magbasa ng isip. Pero crown prince naman, wag ka namang masyadong pahalata. Obvious kasi kung anong iniisip mo."

Sa sinabi niyang 'yon ay inamin niya na rin na tama ang hinala ko. This shuck faced. Ano bang gusto nito!?

Sumandal siya sa may railings at humalukipkip. "Oras na para lumantad, kamahalan."

Hindi ako makapaniwalang parang wala lang sa kanya ang pagsasabi ng ganitong klaseng bagay. Lumantad? I heaved out a frustrated sigh. Stressed na nga ako dahil sa asawa ng alter ko, dadagdag pa 'tong intrimitidang 'to. In the first place, bakit ko nga ba siya kailangang sundin? Hindi dapat ako magpakita ng anumang senyales na hindi ko kontrolado ang sitwasyon.

"Anong mangyayari kapag hindi ako lumantad?" tulad ng paraan ng pag-uutos niya kanina, tinanong ko siya na parang hindi big deal ang pinag-uusapan namin.

"Crown prince, mas makakabuti kung susunod ka na lang. 'Wag ka nang magmaang-maangan. Alam kong alam mo ang tinutukoy ko," pagkasabi niya nun ay tumayo na siya nang ayos. Nakuha pa niyang ngumiti na akala mo'y inosenteng pusa bago umalis.

Midnight FairytaleTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon