#17
Alas sais ng hapon. Ikina-kandado ko na ang gate ng bahay dahil aalis na 'ko para pumasok. Nandyan na rin kasi si Noknok, ang aking tagapaghatid. Hehe.
"Oy di ka pa nagte-thank you sa'kin kahapon a," paalala niya.
I rolled my eyes. "Oo na sige na. Magka-kalamares muna tayo bago ako pumasok," sabi ko na lang para tumigil na siya.
Pasakay na kami sa pulang sports car nang may tumigil na itim na sasakyan sa tapat namin. May bumaba roong dalawang lalakeng nakaitim na suit at shades.
"Dito ba nakatira si Hainra Aslan?" tanong ng isang lalake.
Naaalala ko bigla yung sinabi sa'kin ni mommy. Wag ko raw sasabihin na dito siya nakatira.
"Oo dito siya nakatira," tugon ko sa lalakeng nagtanong. Its revenge time my dearest mudra. Evil laugh.
"Nasaan ang mga anak ni Hainra?" muli nitong tanong.
"Nasa lakwatsa."
Bago muling magtanong ay sinulyapan muna ng lalake ang kasama niya. Tumango ito saka muling nagtanong ang lalake. "Anong relasyon mo kay Hainra Aslan? At kukumpirmahin lang po namin, si Hainra ba ang asawa ni Gunther Aslan?"
Natigilan ako sa narinig ko. Matagal-tagal ko na ring hindi naririnig ang pangalan ni daddy. Bakit kailangan niyang mainvolve dito? Sinulyapan ko si Noknok at nakita kong naiinip na ang gago.
"Please excuse us, pero may pasok pa kasi ako," sabi ko sabay mabilis akong pumasok sa kotse.
"Wait may ilan na lang kaming katanungan!" pahabol ng lalake but he's too late dahil nakapasok na rin si Noknok sa kotse at pinaharurot ang kanyang sports car.
"Ang mga lalakeng yun," biglang imik ni Noknok. "mga taga-palasyo sila."
Napakunot ang noo ko. "Pano mo naman nalaman?"
"Yung unahan ng kotse, may Ishvara Palace seal." sagot niya na hindi man lang inaalis ang tingin sa daan.
Mas lalo yatang kumunot ang noo ko sa narinig ko. "Bakit naman iimbestigahan ng palasyo si Hainra?"
Nagkibit-balikat lang si Noknok. Oo nga naman, kung mas meron man dito na mas maraming nalalaman tungkol sa palasyo at sa royal family ay ako 'yun. Wala nang umimik sa aming dalawa hanggang sa makarating ako sa V.U.. Mukhang nakalimutan niya na 'yung kalamares.
Pagbaba ko ng sasakyan ay nagulat ako dahil biglang may umakbay sa'kin.
"Hello!" masiglang bati ni Saber.
"Uhm..Hi?" awkward kong tugon. Ang bigat ng braso niya! Feeling close din pala 'tong babaeng 'to. Este lalake. Ayy ano ba! Hindi ko talaga mawari ang kasarian niya.
"Uhh.. Saber, si Noknok nga pala, kaibigan ko. Noknok, si Saber.." I introduced them to each other. Kumaway si Saber kay Noknok samantalang hindi naman kumibo 'yung isa. Walang imik na ini-start ni Noknok ang sasakyan. At hindi ko talaga inasahan ang pag-irap niya sa'kin. What the hell, para saan 'yun?
"Mukhang nagselos 'ata yung kasama mo," ani Saber habang pareho naming pinapanood palayo ang pulang sports car ni Noknok.
Si Noknok magseselos? Imposible.
Niyakag niya na 'ko papasok sa hallway. "Babae ka di ba? Bakit naman yun magseselos?" tanong ko.
A smug smile crossed her face. "Gaano ka kasiguradong babae nga ako?"
I shrugged. "Sa tingin ko lang."
Nabigla ako nang hawakan niya ang kamay ko. Shit. First time ko makipag-holding hands while walking sa buong buhay ko!
"Silent torture dahil sa sinabi mong babae ako," bulong niya sa tenga ko.
I gulped and I'm pretty sure that I'm blushing. Woah! Okay. Simula ngayon hindi ko na uungkatin kung anong tunay niyang kasarian. Ever!
But his hand.. Ang lambot ng kamay niya. Para talagang kamay ng babae..
"Mukhang kakaiba ang tingin sayo ng mga estudyante," puna ni Saber habang naglalakad pa rin kami sa hallway.
"Magka-holding hands kasi tayo," I said rolling my eyes.
"Hindi, parang may kakaiba talaga.." he insisted.
Nabanaag ko sa ekspresyon niya ang pagka-seryoso. So...mukhang napansin niya na pala na may kakaiba sa kung paano ako tignan ng ibang estudyante rito.
"Hindi ko nga alam kung bakit. Parang.. natatakot 'ata sila sa'kin," sabi ko.
"Baka naman nababanguhan lang sila sa dugo mo. Alam mo na.." he smirked.
"Wag mo na naman akong takutin!"
Tumawa lang siya. "Basta kasama mo 'ko hindi ka nila magagalaw." then he winked.
Kinilabutan ako sa kindat ha! Juskupo, kung hindi lang siya maganda, este gwapo iisipin ko talagang manyak ang isang 'to.
Pero hindi na nawala sa sistema ko ang pagkabahala. Paano nga kaya kung nababanguhan sila sa dugo ko? Paano kung isang beses bigla na lang may humablot sa'kin sa hallway at bigla akong..UGH! Hindi ko ma-imagine. Pero..hindi lang naman ako ang tao rito 'di ba?
"M-Meron na bang taong estudyante na k-kinagat ng mga bampira rito?" kinakabahan kong tanong.
"Meron," sagot niya. "Sila yung mga taong piniling magpakagat para maging bampira rin."
Nanlaki ang mga mata ko. "Bakit naman nila gugustuhin maging bampira?"
"Simple. Para maging imortal."
Pagkasabi niya no'n ay saktong tumigil na siya sa paglalakad. Binuksan ang pinto kung saan kami tumigil at bago pa 'ko makapagbigay ng reaksyon sa huling sinabi niya.
"Paano mo nalaman ang klase ko?" nagtataka kong tanong.
Mukha naman siyang naguluhan. "What are you talking about? Eh dito kaya ang klase ko."
I heaved out a sigh of surrender. Mukhang may weirdo akong makakasama buong gabi..
***
Class dismiss. Tinakasan ko si Saber sa pagsasabing pupunta lang ako ng restroom. Well pupunta naman talaga ako ng restroom pero wala na 'kong balak balikan pa siya sa classroom. That jerk is weird. I mean, bakit ba siya dikit ng dikit sa'kin? Oo, alam kong maganda ako (walang halong sarcasm, bleh!) pero ang creepy lang kasi pag kasama ko siya. Di ko maexplain kung paanong creepy eh, basta ang weird lang ng feeling. Tapos naalala ko pa yung sinabi kagabi ni Caleb tungkol sa pagtitiwala. Jeez..
Papunta na 'ko sa girl's restroom nang hindi inaasahang nakasalubong ko si Prince Sven. Mukhang galing siya ng boy's restroom. Tumatakbo ang kamahalan nang makasalubong ko siya, pero nang magkatapat kami, tumigil siya saglit sa harap ko. Dito ko napansin ang kulay ng mga mata niya. Lila.
Hindi man ganun ka-big deal pero hindi ko inaasahan ang susunod niyang ginawa. His lips curved into a smile. Bago pa 'ko makapagreact ay tumakbo na siyang ulit palayo.
Woah. Speaking of weird.
What's that smile for? Sa pagkakatanda ko, 'yung huling beses lang na nagkita kami sa orientation ay naiinis siya sa presensya ko. The feeling is mutual anyway. Nainis din ako sa kanya noon 'coz he scare the shit out of me. And the worst part was he made me wait for him outside that effing restroom! Gahd, pinagmukha niya kong tanga no'n.
Pero ngayon, tumigil pa siya para lang nginitian ako? Bakit?
Sinundan ko siya ng tingin at nakita kong paakyat siya ng hagdan. Wait.. Nasa 5th floor kami ngayon, at hanggang 5th floor lang itong campus. Anong meron sa rooftop?
Dahil ako'y isang dakilang chismosa ay pinili kong sundan ang prinsipe. Pero pagdating sa rooftop ay wala akong Prince Sven na naabutan. Hala.. Baka dopple ganger lang yung nakasalubong ko kanina?
Pero inalis ko na rin ang ideya na yun sa isip ko nang may makita ako sa sahig ng rooftop.
Isang pares ng school uniform.
BINABASA MO ANG
Midnight Fairytale
VampireIto ang fairytale na walang fairy pero puro bampira. Lels.