#15
Pagkatapos na pagkatapos ng klase ay nagmamadali kong hinabol si Mr.Hazel Nut.
"Kuya! Wait lang!"
Sa wakas at tumigil rin siya sa paglalakad. Tumingin siya sa'kin na para bang inaalala kung sino ako.
"Teka..Are you the girl from the convenient store?" tanong niya.
Shemss! Naalala niya 'ko. I nodded and smiled. "Ako nga."
He smiled back. Gahd! Ang gwapo! "Dito ka rin pala nagaaral. Wow."
"Kakapasok ko lang dito this week," sagot ko. Then it strucked me that there's a possibility that he is a vampire. Oh c'mon, wag naman sana.
"Sa tingin ko kailangan na nating lumipat sa ibang lugar kung gusto nating magkwentuhan," he said, glancing to people passing by. Oo nga pala, nasa gitna kami ng hallway dahil hinahabol ko siya.
Nagsimula kaming maglakad at wala akong ideya kung saan kami pupunta. And I bet he's thinking the same way too.
"Oo nga pala, nasa akin pa yung jacket mo," panimula ko dahil feeling ko walang patutunguhan itong paglalakad namin.
Saglit siyang napaisip. "Oo nga pala.. Sayo na yun."
"Naku hindi! Ibabalik ko yun sayo, hindi ko nga lang dala ngayon pero ibabalik ko yun pramis!"
"Alam ko na, ganito na lang." tumigil siya at humarap sa'kin. "Punta tayo ngayon sa bahay niyo."
"Yun lang naman pala eh---ANO?!" medyo napalakas ang boses dahilan para tumingin ang ilang mga dumadaan. "Teka ba't kelangan mo pang pumunta sa bahay? Maabala ka pa, saka gabi na pati. Dadalhin ko na lang bukas."
"We're vampires. Mas malalim ang gabi mas komportable kami."
Natigilan ako sa sinabi niya. Oo nga pala, bampira sila..
Bampira rin pala siya. Hayys.
"Uhm.. Sige ang ikaw bahala."
Nagpatuloy kami sa paglalakad. Ngayon may direksyon na ang pupuntahan namin-- ang daan palabas ng university. Pero bago kami makalabas ay may humarang sa aming babae. Maganda ito. Napaka amo ng mukha, mestisahin, matangkad with her fiery red curly hair.
"Hey," bati ng babae kay Mr.Hazel Nut. Shocks.. Kanina pa pala kami magkasama ng lalakeng 'to pero hindi pa namin alam ang pangalan ng isa't isa.
"Nakita mo ba si Sven?" tanong ng babae. Hmm.. Don't tell me si Prince Sven ang tinutukoy niya?
"Haven't seen him," sagot ni Mr.Hazel Nut. "Bakit?"
"Uhm..wala. Sige thanks na lang." at nagmamadaling umalis ang babae.
"Sino yun?" tanong ko nang mawala na 'yung babae sa paningin namin.
"Si Jiah. Kababata ni Sven," sagot naman ng kasama ko.
"Sven..as in si Prinsipe Sven?"
He nodded. "Well, he prefer us to call him Sven when he's outside the palace. Nagagalit siya kapag tinatawag namin siya ni Jiah na kamahalan."
My eyebrows furrowed. "You mean..nakakausap niyo talaga ang prinsipe? Close kayo?"
"Of course. We're cousins," he said matter-of-factly.
My jaw dropped, my mouth hanging open. "Ikaw si Prince Caleb?!"
"Woah.. I'm quiet impressed. Rare people know my name."
"Fan ako ng royal family," i proudly told him. "At isang karangalan ang makausap kayo kamahalan."
Pagkasabi ko nun ay yumuko ako bilang pagbibigay-galang na siya namang ikinagulat niya.
"Hey, you don't have to do that," sita niya sa'kin.
"Why? Ishvara ka rin naman ah?"
"Uhh..yes? But you don't have to." ginulo niya ang buhok ko. "I don't want special treatment from my friends."
"F-Friends?"
He gave that heart-melting smile. "Magkaibigan na tayo di ba?"
Did he just told me that we're friends?! Ako, na isang hamak na muchacha ay magkakaroon ba talaga ng kaibigang maharlika? Ha! Ha?!
"Uy Krishna!" nakita ko na lang na nasa may grounds na pala siya. "Bilisan mo pupunta pa tayo sa inyo!"
Teka.. Binanggit ko na ba sa kanya ang pangalan ko?
***
Naranasan niyo na bang magbyaheng langit? Pwes ako, oo!
"Hold tight," utos ng kasama ko.
Uh oh. Wag mong sabihing may ibibilis pa 'tong takbo namin?
At hindi nga ako nagkamali, mas humarurot ang motor ni Caleb. Talaga namang napahigpit na ang kapit ko sa may likuran ng motor. But this is tempting, pwede bang sa bewang niya na lang ako kumapit? Hihi.
Maya-maya pa ay bumagal na rin ang takbo namin dahil sa kumakapal na ang dami ng sasakyan sa daan. And before we knew it, we're already stuck in the middle of the traffic.
"Strange. Bihira magtraffic dito pag gabi," komento niya na sinang-ayunan ko naman. IKR. Lagi kaming naglalamyerda rito ni Noknok at alam kong bihirang magka-traffic sa kalsadang ito.
Pero dahil nga sa naka-motor kami, nagawa ni Caleb na sumingit sa mga sasakyan. Ang galing nga e, parang sanay na sanay na siya. Sa dulo ng trapiko ay nakita naming may naka-helera na namang mga police cars. Teka..parang nangyari na yata sa amin ito ni Noknok.
"Ano kayang nangyayari?" tanong ni Caleb sabay parada ng motor sa may tabi ng kalsada malapit sa may eskinita. Nagkibit-balikat lang ako. Wala naman talaga akong ideya kung anong nagaganap.
Naabutan naming nakapalibot ang mga tao at pulis sa isang tore na may malaking orasan sa tuktok. Ang nakakapagtaka lang dito ay nakatingala roon lahat ng tao. Nang tignan ko kung anong tinitingila nila ay nakakita ako ng nilalang na nakatuntong sa pinaka tuktok ng tore.
"Tignan mo yun o!" turo ko kay Caleb.
"Woah. Si Black Raven.." he said in bewilderment.
So..ito pala si Black Raven. Ang sikat na mandarambong sa buong Sudura. Hindi na 'ko magtataka kung bakit madali siyang nakilala ni Caleb. Angat na angat kasi sa dilim ang puting costume nito. Sa lahat ng magnanakaw, bukod tanging ang Black Raven na ito lamang ang alam kong naglakas loob magsuot ng puti. Kasi di ba, kalimitan ng magnanakaw nagsusuot ng itim para hindi makita sa dilim? Itong Black Raven na 'to mukhang model ng laundry soap.
"Tara lapit tayo," yakag ni Caleb.
"Uhh..ikaw na lang?" sa dami ng tao doon ewan ko na lang kung makasingit kami. "Babantayan ko na lang itong motor mo."
He hesitated. "Ayokong iwan ka rito."
"I'll be fine," I gave him a sincere smile for assurance. Seryoso, ayoko talagang sumama.
"Mabilis lang ako," he said and ran off to the crowd. Why so curious? Oh well.. Mahilig nga naman sa ganitong action ng mga lalake.
Mga ilang minuto matapos umalis ni Caleb ay may kakaibang nangyari. Biglang napuno ng nag-gagandahang fireworks ang kalangitan. The crowd was stunned from that unexpected fireworks display. Kahit ako, namangha. Talaga namang nakuha nito ang atensyon ng buong madla. Ano kayang okasyon?
Kasalukuyan akong nakatingila sa langit habang ine-enjoy ang napakagandang view nang out of no where biglang may sumulpot sa harap ka na taong nakaputi na may dalang isang pares ng sapatos! Gahd! Saan galing ang taong 'to? Nalaglag sa langit?!
Just when it dawned to me kung sinong nasa harap ko.
"OH MY---UMPPP!"
Bago pa 'ko makasigaw ay nakalapit na agad siya sa'kin at tinakpan ang bibig ko. "Wag kang matakot," aniya.
We stared at each other for seconds,and I swear! Those eyes were familiar.
BINABASA MO ANG
Midnight Fairytale
VampirIto ang fairytale na walang fairy pero puro bampira. Lels.