Equinox #19

1K 37 4
                                    

#19

Anong ginagawa ng kamahalan dito?!

Pagkakita sa akin ng kamahalan ay bigla na lang siyang lumapit at hinawakan ako sa kwelyo.

"SABIHIN MO, ANONG GINAWA MO SA'KIN?!"

Napahawak ako sa mga kamay niyang halos iangat na 'ko sa sahig. Nabitawan ko na rin ang hawak hawak kong supot. "H-Hindi ko alam kung anong sinasabi niyo kamahalan.."

"God damn it!" marahas niya akong binitawan. Muntik pa nga akong mapaupo sa sahig buti na lang at maagap akong nakabalanse. Naihilamos niya ang sariling palad sa kanyang mukha. He seems frustrated. "Nagising na lang ako na nasa bubong ng bahay niyo. Ikaw ba ang nagdala sa'kin doon?! Anong ginawa mo sa'kin?!" sigaw niya.

"H-Hindi ko po alam kung anong pinagsasabi niyo!" I blurted, defending myself. Totoo naman a! Wala akong alam sa mga pinagsasabi niya.

Sinuntok niya ang pader. "Alam mo bang kung hindi ako nagising baka patay na 'ko ngayon?! Tustado na 'ko sa araw! Balak mo 'kong patayin 'no?"

Tch. He's back. Ang nakakairitang prinsipe na nakasalamuha ko noong orientation ay nagbalik na. Hindi ko na rin napigilang itago ang pagkairita ko.

"Bakit naman kita papatayin? At sa tingin mo, paano naman kita madadala sa bubong namin? Magisip ka nga! Naturingan ka pa namang crown prince ayaw mong gamitin yang utak mo!"

Pinandilatan niya 'kong muli. "Aba't talagang---" akmang hahaklitin niya sanang muli ang aking kwelyo nang marinig naming nagbukas ang gate. Nagkatinginan kaming dalawa.

Hindi siya pwedeng makita ng magkapatid!

Dali-dali ko siyang itinulak papunta sa kwarto ko. Bago ko isinara ang pinto ay nagpahabol muna ako ng bilin sa prinsipe.

"Wag kang lalabas dyan."

Magsasalita pa sana siya pero isinarado ko na agad ang pinto. Pagbalik ko sa sala ay nakita ko si Raya. May kasama siyang err...lalake.

"Ano ka ba naman Krishna, bakit nakakalat sa sahig ang mga pinamalengke mo?! Nakakahiya sa bisita!" bungad ni Raya pagkakita niya sa'kin.

"P-Pasensya na.." agad kong pinulot ang supot at dumeretso sa kusina. Pwew! Mukhang hindi naman naghinala si Raya.

Pagbalik ko sa kwarto ay nakita kong nakaupo ang prinsipe sa aking kama. His arms were crossed at tila malalim ang iniisip.

"You owe me an explanation," he demanded with that cold expression. Okay na rin, at least hindi na gano'n kainit ang ulo niya.

"Ikaw nga itong trespassing, ako pa ang mag-eexplain?" tugon ko.

Napa-face palm na naman ang prinsipe sarili. This time may kasama nang pagsabunot sa kanyang buhok. Mukha talaga siyang frustrated.

Saglit na naghari ang katahimikan. Nakatulala lang ang kamahalan sa sahig at wala akong ideya kung anong tumatakbo ngayon sa utak niya.

"May cellphone ka ba?" bigla niyang imik.

I bit my lower lip. "Nasa hiraman kasi ang cellphone ko e," sagot ko. Pinahiram ko kasi 'yung cellphone ko kay Noknok dahil sabi niya da-downloadan niya raw ng reading app ang phone ko gamit ang free 'wee fee' ng kapitbahay nila. Wrong timing.

I heard him hissed. Kung tama ako ng iniisip, tatawag siya sa palasyo para magpasundo kaya kailangan niya ng cellphone. Hindi siya makakaalis dito ng walang sasakyan dahil masusunog siya sa sinag ng araw kapag lumabas siya ng ganitong oras.

Pareho kaming nagulat nang makarinig kami ng katok sa pintuan. Dali-dali kong itinulak ang prinsipe at pinagtago sa ilalim ng kama.

"Tangina ayoko dito, magabok!" reklamo niya.

Midnight FairytaleTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon