Equinox #30

1K 41 7
                                    

Dedicated sa lahat ng readers ng MF x))

#30

"Gusto kong makita ang babaeng iyon.."

Napakunot ang noo ni Alijah sa sinabi ng hari. "Nahihibang ka na ba? Wag mong sabihing papayagan mo si Raven sa kagustuhan niyang magpakasal?!"

"Huminahon ka Alijah," singit naman ng Inang Reyna. "Patapusin natin magsalita ang hari.."

Nanahimik naman si Alijah sa kinauupuan. Pakiramdam niya'y pinagkakaisahan siya ng mag-ina sa apat na sulok ng opisinang ito ni King Aven. Buong akala niya'y ang kaguluhang ginawa ng mga SangReal ang paksang pag-uusapan nila ngayon.

"Sa tingin ko," panimula ni Aven, "ay wala akong nakikitang dahilan para hindi payagang magpakasal si Raven."

"Pero katawan ni crown prince Sven ang gagamitin niya!" mabilis niyang puna.

"Malapit nang mabuo ang grail. Wala na tayong dapat ikabahala.." Tumayo ang hari at lumapit sa may bintana ng silid na tila may tinatanaw sa labas. "Si Raven at Sven. Pareho natin silang anak. Isinumpa kang manganak sa araw ng eclipse kaya naging ganito ang sitwasyon. Walang kasalanan si Raven sa mga nangyari, pero ano? Ikinulong natin siya nang napakahabang panahon. Gusto kong bumawi sa anak ko."

Natahimik na naman si Alijah. May punto ang hari. Ngunit may kung anong bumubulong sa kanya na huwag pagkatiwalaan ang Raven na iyon. Malakas ang kutob niyang may nangyayaring hindi niya alam.

"Mabuti na rin na magpakasal na si Raven. Gusto ko nang magkaro'n ng apo," sabik na wika ng Inang Reyna.

Hindi niya pinansin ang sinabi ng Inang Reyna. "Pero...paano kung hindi pa niya agad mabuo ang grail?" tanong ni Alijah.

"Sa totoo lang wala naman talagang problema kung hindi pa agad mabuo ang grail. As long as pumayag si Sven, wala tayong magiging problema," tugon ng hari.

Hindi na nakapagsalita pa si Alijah. Napabuntong hininga na lamang siya sa kinauupuan..

At tahimik na humihiling na hindi pumayag ang crown prince sa mga nangyayari.

***

Vampire University

"Pasensya ka na.."

Nag-angat ng paningin si Jiah upang tignan kung sino ang nagsalita. Kung tutuusin naman ay kilala niya na ang boses nito, sadyang ibang presensya lang ang nararamdaman niya ngayon.

"At para saan ang paghingi mo ng pasensya sa'kin, ha Raven?"

Midnight FairytaleTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon