Solstice #1

897 35 2
                                    

Solstice #1

Solstice is derived from the latin word sol (sun) and sistere (to stand still). The winter solstice marks the shortest day and longest night of the year.

-Krishna-

Ang sabi niya sa'kin, parang fairytale lang ang lahat. Isang panaginip na hindi niya akalaing matutupad pa. Siguro nga, nagsimula kami sa once upon a time. Pero sa tingin ko, hindi ito magiging happily ever after.

Uhm.. Hindi nga ba?

"Ikaw ang nagligtas kay Sleeping Pogi, kaya dapat lang na makuha mo ang reward mo." Iyan mismo ang sinabi sa'kin ni Raven. Nakakatawa di ba? Kung sino pa 'yung prinsesa, siya pa 'yung nagligtas. Pero kung alam ko lang.. Kung alam ko lang na prinsipe pala siya, este alter ng prinsipe, sana hindi ko na lang siya pinakawalan sa painting na iyon. Who the hell wants the reward? Ayy, oo nga pala. Lahat ng babae gugustuhin ang reward na iyon. Ang makapagpa-sakal este makapagpa-kasal sa isang Ishvara. Sa isang maharlika. Pero ibahin niyo 'ko. Dahil ako, ayoko. Hindi ko gusto.

Dahil ang tanging hangad ko lang ay mabuo ang pamilya ko..

Bumukas ang double door ng bulwagan. Sa dulo ng red carpet ay ang trono ng Inang Reyna, ni King Aven at ni Queen Alijah. Naramdaman ko ang marahang pagpisil ni Raven sa kamay ko. Siguro alam niyang kinakabahan ako and anytime eh pwede akong matumba sa nerbyos.

"Relax," bulong niya sa'kin.

Magkahawak kamay kaming lumapit sa royal family. Ang sabi kasi, gusto raw akong pormal na makilala ng Inang Reyna at ni Queen Alijah. Nagkita naman na kami ni King Aven kaya hindi na 'ko na-i-intimidate sa kanya.

"Napakaganda naman pala ng mapapangasawa mo hijo," wika ng Inang Reyna.

"Siya po si Krishna. Krishna Aslan, ang aking mapapangasawa," ani Raven.

"Ikinagagalak ko pong makilala ang royal family," sabi ko naman saka yumuko para magbigay galang. Parehong malapad ang ngiting isinagot sa'kin ng hari at Inang Reyna. Pero si Queen Alijah, bakit ganun?

"May problema ba mahal na reyna?" tanong dito ni King Aven.

Sa unang pagkakataon ay doon lamang ngumiti si Queen Alijah. "W-Wala.. Hindi lang ako makapaniwala na magiging lola na 'ko."

Bigla akong pinamulahan sa tinuran ng reyna. Nakita ko naman ang ngiting aso ni Raven. Pfsh. Palapak tenga ni gago.

Matapos ang pormal na pagpapakilala ay inilibot ako ni Raven sa palasyo. Sobrang laki pala talaga nitong Ishvara Palace. Aaminin ko, mukhang masarap ang buhay prinsesa. Pero hindi ko gustong maging prinsesa sa ganitong paraan.

"Okay ka lang ba?" napatingin ako kay Raven. Nandito kami ngayong dalawa sa kanyang silid. Ito ang huling lugar sa palasyo na pinuntahan namin. Pinili kong hindi sagutin si Raven. Wala lang. Gusto ko lang maramdaman niya na hindi pa rin okay sa'kin 'tong pinagpipilitan niyang set-up.

Naglakad si Raven patungo sa veranda. "Patawarin mo 'ko kung pinilit kitang ipasok sa sitwasyong 'to. Gusto lang naman kitang iligtas sa kapahamakan. Kapag kasal na tayo, wala nang mananakit sayo. Wala nang---"

"---hindi mo naman 'to kailangang gawin." putol ko sa sinasabi niya. "Hindi mo 'ko kailangang protektahan."

Hindi na siya nagsalita pa. Naghari ang katahimikan sa silid. Tch.. Ayoko ng ganito. Mas sanay akong nakikipagsagutan sa'kin si Raven.

"Alam mo bang kakakuha ko lang ng silid na 'to ngayong linggo?" bigla niyang wika. "Matagal. Matagal na panahon kong hiniling na sana matanggap din ako ng pamilya ko."

"H-Ha?"

"Alam ko lahat. Kahit na nakakulong ako sa canvas alam ko lahat ng nangyayari dito sa palasyo. Kitang kita ko kung paano nila alagaan si Sven. Mahal na mahal nila ang kapatid ko. Ang alter ko. Lahat nasa kanya na."

Mula sa kinatatayuan ni Raven ay nakatingin lang siya sa'kin. Grabe. First time niyang mag-open up sa'kin ng ganito. At ngayon ko nakita ang labis na kalungkutang matagal niyang kinikimkim.

"S-Sorry kung ang drama ko." nag-iwas ng tingin si Raven at ibinalik ang tingin sa labas ng veranda. "Pero sana maintindihan mo. Ikaw lang ang meron ako, Krishna. Ikaw lang."

Mas lalo akong hindi nakaimik sa narinig ko. Hindi ko alam ang dapat kong maramdaman. Gusto kong maawa, makisimpatya, pero alam kong hindi iyon ang kailangan niya.

Siguro nga ako lang ang kailangan niya..

Nang muli siyang tumingin sa'kin ay nakangiti na siya. Err..'yung ngiting aso nga lang.

"Papakasalanan mo naman ako 'di ba? Aba, wala yatang tumatanggi kay Sleeping Pogi!"

***

Pagdating ko sa bahay naabutan ko si Noknok. Patay.

Pagpasok ko sa loob ay masama ang tingin sa'kin ng mga stepsisters ko. Si mommy naman eh hindi ko maipaliwanag ang mukha. Mukha siyang manok na hindi matae? Na anytime alam kong puputakan niya 'ko.

At eto na nga.. In three..two..one..

"Krishna ano 'tong sinasabi sa'min ni Noknok!? Ikaw? Enggage na?! Asdf1234561..."

Sinamaan ko ng tingin si Noknok. Alam kong siya lang ang salarin dito. Hindi ko pinansin si mommy at dere-deretso kong kinaladkad ng pingot ang mokong papunta sa kwarto.

"Ikaw ba talaga nananadya ha?!" sigaw ko sabay bitaw sa tenga ni Noknok. Napahimas naman sa tenga ang loko.

"Sorry na Krishna.. N-Nadulas lang naman ako eh.."

Juice colored! Facepalm!

Nung sinabi ko kay Noknok na magpapakasal kami, nagalit siya. Hindi sa akin pero kay Raven. Ang nakakatawa, hindi daw siya galit sa'kin pero ilang araw niya rin akong hindi pinansin. Hanggang sa eto na nga, naabutan ko na lang siya dito ngayon sa bahay.

Napasalampak na lang ako sa kama. Wala na. Nadulas na si Noknok sa kanila. Alam na ni Hainra at ng mga anak niya. Siguro nga kailangan ko nang sabihin sa kanila ang totoo.

"Krishna.. W-Wala na ba talagang atrasan ang kasal?"

Napatingin ako kay Noknok. Ibang iba na talaga ang itsura niya. From balot vendor, to sosyaling balot vendor, to model ng balot. Oo, hindi na siya balot vendor. Mula nang mapasakanya ang kayamanan ng mga Vijandre ay instant bilyonaryo na siya. Ang malungkot nga lang doon ay hindi niya man lang maalala ang dalawang matanda. Haayy..

"Wala nang atrasan ang kasal. Sa katunayan ipinakilala na 'ko ni Raven kanina sa royal family," sabi ko.

Napabuntong hininga naman si Noknok. "Ayoko lang namang dumating 'yung araw na pagsisihan mo ang naging desisyon mo."

"Wala namang maling desisyon. Nagiging mali lang ang desisyon kung hindi mo ito napananindigan hanggang dulo."

Sana nga.. Sana lang talaga mapanindigan ko 'to.

Midnight FairytaleTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon