#26
Ano nga bang unang ginagawa kapag napunta ka sa sitwasyong wala kang makita?
"Hold me tight and don't let go." narinig kong sabi ni Prince Sven. Right. Ang una mong dapat gawin ay humawak ng makakapitan o mangapa sa dilim.
Balat sa balat. Palad sa palad. Kakaiba ang pakiramdam ko ngayon kaysa noong hinawakan ni Saber ang kamay ko sa hallway ng university. Hindi rin naman ito ang unang beses na magdaiti ang balat namin ng prinsipe pero kakaiba ang isang 'to. Ewan ko ba.
"Kaya ng mata naming mga bampira mag-adjust sa dilim. Pailawin mo na lang ang cellphone mo kung gusto mong maka-aninag." sabi niya habang tinatahak (yata) namin ang daan pabalik ng rink. Tama ulit. Pangalawang dapat gawin pag nasa dilim ay humanap ng source ng liwanag.
Kaya lang..
"Ah eh.. Nasa pouch ko kasi yung phone ko. Naiwan ko sa mesa." I said as I bit my lower lip. I heard him hissed pero hindi na rin naman siya umimik pa. Wala na 'kong nagawa kundi magpakalakad sa kanya sa dilim. Hanggang sa..
"Dammit!" Narinig ko na lang bigla na sinuntok niya ang pader gamit ang kamay na kanina lang ay hawak ko pa.
"A-Anong nangyari?"
"Wala nang tao sa rink." I could sense he's gritting his teeth.
"Pero...pano nangyari yun? Imposible namang---"
"---JIAH! PLEASE RESPOND IF YOU COULD HEAR ME! JIAH!" sigaw niya.
I felt a twinge of pain in my chest. Lihim kong pinagalitan ang sarili. Dang! This is not the time for evaluating stupid feelings.
"Narinig mo ba yun?" biglang imik ng prinsipe. Err..ako lang naman siguro ang tinatanong niya di ba?
"Alin?"
"Si Jiah! She's calling my name!"
"Wala akong narinig.." sagot ko. Aba, totoo namang wala talaga akong narinig eh!
Nagulat na lang ako nang marinig ko ang yabag ng prinsipe na tumakbo palayo. Great. How dare him left me here?!
Sa unang pagkakataon ay doon ko naramdaman ang takot. Takot dahil wala kang makita. Takot dahil nag-iisa na lang ako...dito sa dilim.
Iniwan niya 'ko..
Ganyan naman sila eh. Malimit naman nila akong iwan sa ere. Lagi na lang ganito. Lagi na lang akong naiiwan mag-isa.
Napaupo ako sa sahig at niyakap ang aking mga tuhod. There's no one going to save me here. I know something strange is happening in this place. Imposible namang mawala na lang bigla ang mga estudyante rito. Simula nang pumasok ako sa V.U. kung anu-ano nang kakaibang pangyayari ang mga na-e-encounter ko. The first one was the moment I was attacked by that so-called Pågala. Next one was the flower monster that the green-haired girl named Phula. Niligtas ako ni Caleb at Saber no'ng mga panahong iyon. Pero ngayon? Wala na. I'm going to die here...helpless.
I'm in between my own sobs when I heard a voice calling my name. Agad akong napa-angat ng tingin kahit wala akong makita.
"Krishna.."
I stiffened when I heard it again. That voice. Hindi ako pwedeng magkamali!
"Dad?"
Kusa nang gumalaw ang katawan ko. I stood up and followed the voice. Wala na 'kong pake sa dilim, basta kailangan kong mahanap ang pinanggagalingan ng boses na 'yon!
Lakad takbo ang ginagawa ko habang sinusundan ko ang boses. Nararamdaman ko rin na namamasa na ang pisngi ko tanda ng aking pagluha. Para akong nababaliw na ewan. Siguro nga wala na rin ako sa katinuan. Si Dad.. Gustong gusto ko na siyang makita.
BINABASA MO ANG
Midnight Fairytale
VampireIto ang fairytale na walang fairy pero puro bampira. Lels.